Aura Choking [EDITED]

534 26 0
                                    

MARY'S POV

"As you wish" amoy ko ang mabango niyang hininga nang sabihin niya ito dahil sa maliit na agwat ng aming mga mukha at kasabay din nito ang paglipat ng katawan namin sa harapan ng cafeteria.

Pumasok ako sa loob kasunod ni Axel kaya naman ang lahat ng pares ng mga mata ay napunta sa aming dalawa.

Nag-aalala naman ang mga mata nina Black na nakatingin sa akin nang makaupo ako sa table namin habang si Axel ay pumunta sa dereksyon kung nasaan sila Tristan.

"Are you ok?" Nag-aalalang tanong ni White.

"May ginawa ba si Axel sayo?" Tanong naman ni Black.

Hindi ko sila magawang sagutin dahil sa kabang patuloy kong nararamdaman.

"You look pale Mary" dagdag ni Black.

"Here drink this water" Inabot ko naman ang tubig na ibinigay ni White.

Mabilis kong naubos ang tubig at ng maka-recover na ako sa kabang nararamdaman nang dahil sa ginawa ni Axel ay sinimulan ko ng kumain. Mabuti nalang at kinuhaan na nila ako ng pagkain dahil sa lagay ko ngayon ay hindi ako sigurado kung kaya ko pa bang tumayo.

Hindi ako nagsalita kaya naman nanahimik nalang ang dalawa at hindi na nagtanong pa. Matapos naming kumain ay dumeretso na kami sa training room pero dahil masama ang pakiramdam ko sa hindi ko malaman na dahilan ay minabuti ko nalang na magpahinga.

***************

Kinabukasan ay maaga ulit kaming pumasok ni Black pero hindi gaya kahapon ay wala pa ang tatlong taong may hawak ng elemental ability.

"Hindi siguro sila papasok ngayon, maybe nasa missions nanaman sila" komento ni Black nang makitang nakatingin ako sa gawi ng upuan nila.

Hindi na bago sakin na may mga mission ang mga estudyante dito dahil hindi naman pwedeng nag-eensayo lang kami para sa wala.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating si White kaya naman tatlo na kami ngayong nandito sa classroom.

"What happened yesterday?" Tanong ni White.

"Ok kana ba?" Asked by Black.

"I'm fine but that Axel is a real jerk" sagot ko "He use his fire magic to me and he use his power negation, I can barely breathe yesterday because of him" pagsusumbong ko sa dalawa.

"Wala ka namang ginawa sa kaniya diba? Bakit naman niya gagawin yun?" nagtatakang tanong ni Black.

"Maybe because of Amber dahil sa nangyari noong nakaraang araw" sagot ko na inilingan nila.

"Axel doesn't care about Amber" komento ni White.

Then what is his problem? Their ego maybe, dahil may isang tao ang nagawa silang kalabanin.

Dumating si Sir Soren at agad din niyang sinabi na pwede na kaming mag training kaya naman bumalik na ang sigla ko. This is my first time na mag te-training and I need to do my best para hindi na ako maapi ng Axel na iyon.

Pumasok kami sa training room at namangha ako sa laki nito kahit na nakapasok na ako rito kahapon siguro dahil nadin wala ako sa sarili noong mga panahon na una akong nakapasok sa nakakamanghang lugar na ito.

"Panonoodin ko muna kayo" saad ko sa dalawa dahil hindi ko pa naman alam kung paanong pag-eensayo ang ginagawa dito. I used to enhanched my abilities on my own.

Tumango naman sila bago lumayo nang bahagya sa akin para magsimulang mag-ensayo. They are using their ability to form different object and those object, they are using it as a weapon. Ngayon lang ako nakakita nito kaya naman sobra akong namamangha. I didn't know na pwede palang gumawa ng mga iyan gamit ang mahikang taglay mo.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now