Encounter [EDITED]

430 19 0
                                    

MARY'S POV

Sinimulan na naming maglakad pabalik sa Academia. Mabigat nadin ang katawan ko dahil sa pagod sa paglalakad.

"Pahinga muna tayo" hinihingal kong saad, tinaasan naman ako ng kilay ni Amber.

"Wala tayo rito para magpahinga, kailangan nating maabutan ang mga estudyante ng Enchanted Academia" sagot niya.

Hindi sila ganoong napapagod dahil gumagamit sila ng kapangyarihan na hindi gaya ko. I'm just an ordinary girl this time na hindi maaiwasang mapagod dahil sa layo ng aming nilakbay.

"Let Mary rest kahit limang minuto lang hindi siya gumagamit ng kapangyarihan at isa pa kakalabas niya lang ng hospital" nginitian ko si Tristan sa sinabi niya.

"Whatever, mauuna na kami ni Amy" sagot ni Amber bago hablutin si Amy at nagsimula na silang umalis.

"Sundan na natin sila" saad ko dahil tama naman si Amber nasa isa kaming misyon ngayon at ang kailangan naming gawin ay tapusin ito.

Sumunod ako kila Amber at sumabay naman sa magkabilang gilid ko sina Axel at Tristan.

"Are you sure? Pwede naman tayong huminto muna" Paninigurado ni Tristan.

"Ok lang, saka para matapos nadin ito at makapag-pahinga na tayo pare-pareho" nakangiti kong sagot sa kaniya.

Hindi na nagsalita si Tristan at si Axel naman ay mukhang walang balak magsalita kaya muling natahimik ang paligid.

Patuloy lang kami sa paglalakad pabalik sa Academia habang nakikiramdam sa paligid ng may isang lobo ang biglang sumulpot na ikinagulat ko. Ngayon lang ako nakakita ng lobo sa tanang buhay ko.

"Don't move!" Utos ni Axel.

Nakatitig lang ang naglalaway na lobo sa mga mata ko na nagdala ng kilabot sa buo kong katawan.

"Si Mary ang target ng lobo" bulong ni Tristan na lalong nagdala ng kaba sa dibdib ko.

"Anong kailangan kong gawin?" Kinakabahan kong tanong habang patuloy na nakatingin sa nanlilisik na mata ng lobo.

"Just don't move" sagot ni Axel habang nasa lobo ang paningin.

"I'll attack the wolf, protect Taylor" utos niya kay Tristan.

Nang susugod na ang lobo sa akin ay mabilis na tinalunan ito ni Axel para hawakan ang bibig nito kasabay nito ang paghatak ni Tristan sa akin at ang pagtakip sa mga mata ko.

"Bitawan mo na siya" boses ni Axel bago ko muling makita ang lobo.

Sa pagtakip lang ng mata sa akin ni Tristan ang siyang pagkamatay ng lobo, how can Axel kill that wolf easily?

"Salamat" baling ko kay Axel, pinili ko nalang na hindi magtanong kung papaano niya na patay ang lobo. 

"Malapit na tayo sa mga estudyante ng Enchanted" saad ni Tristan.

Muli naming ipinagpatuloy ang pagsunod sa mga estudyante ng Enchanted pero sa pagkakataong ito ay tumatakbo na kami. Ilang kilometro palang ang aming natatakbo ng matanaw namin sina Amber na nakikipaglaban na sa limang lalaki.

"Bakit ang tagal niyo?" Galit na tanong ni Amber na patuloy padin sa pakikipaglaban.

"Sorry may lobo kasi na sumugod sa amin, kami na ang bahala sakanila mauna na kayo nila Mary pabalik ng Academia" sagot ni Tristan.

Sabay-sabay ang ginawang pagtira ng limang lalaki, itinaas ni Amy ang kamay niya at ipinaikot ito sa taas ng kaniyang ulo na gumawa ng isang ipo-ipo na humarang sa mga tirang papadating sakanila.

Magical Academia ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon