Levi [EDITED]

310 9 0
                                    

MARY'S POV

Lumabas ako ng gusali at bumungad sa akin ang ilang sirang parte ng iba't ibang gusali ng Academia. Paniguradong planado ang pagsugod na ginagawa nila ngayon, patuloy parin ang pagsabog sa ilang bahagi ng lugar, sinimulan kong tumakbo papunta sa dormitoryo kung nasaan ang mga kaibigan ko. Nakita ko si Black at White na nangunguna sa ilan pang mag-aaral sa paglikas sa dormitoryo, sira ang itaas na bahagi ng dormitoryo.

"May nasaktan ba sa inyo?" Tanong ko pagkalapit kina Black.

"Wala namang nasaktan" sagot ni Black na patuloy sa pagtulong sa paglabas ng iilan pang nasa loob ng dormitoryo.

"Pupunta kami sa opisina ni Miss Sean dahil ayon lang ang bahagi ng Academia ang hindi nila ginalaw" pagpapaalam sakin ni White.

"Mag-iingat kayo, huwag niyo hayaang may mapahamak sainyo" tumango sila sa sinabi ko at nauna na akong umalis para puntahan ang iba pa.

Nakita ko ang grupo ng ilang mga estudyante ang nakikipaglaban sa mga taong naka suot ng maskara na sigurado akong estudyante ng Enchanted Academia.

Ilan sa kanila ay ang mga kaklase namin, nakita ko rin sa isang gawi ang grupo nina Tristan kasama si Amber at Amy na nakikipaglaban din ngayon. Tatlo lang sila pero nasa sampu at higit pa ang kalaban nila.

Inilibot ko ang aking paningin at masasabi ko na lamang ang bilang ng mga taong sumugod sa Academia kumpara sa bilang ng mga nakikipaglaban ngayon sakanila. Nahagip din ng mata ko si Axel na nasa isang mataas na puno at ang lahat ng taong tinatapunan niya ng tingin ay hindi na makagamit pa ng kanilang kapangyarihan, he's using his power negation ability.

Nang mapagawi ako sa grupo nila Tristan ay naging doble ang bilang ng kanilang kinakalaban. Patuloy sa paglabas at pagpapalipad ng mga weapon si Amber gamit ang tubig habang si Tristan naman ay patuloy na tumitira ng mga bato mula sa buong lugar habang si Amy naman ang gumagawa ng barrier na magpo-protekta sa kanilang tatlo.

Ginamit ko ang teleportation ability ko para makalapit kay Amy, pinaglaho ko ang malaking weapon na papalapit sa kaniya.

"Thank you" saad niya.

Tumabi ako kay Tristan para tulungan siya sa paglaban sa ilan sa mga taong sumusugod sakaniya.

Gumawa ako ng mga fire balls at mabilis itong pinapatama sa mga taong nagbabalak kaming sugudin.

"Patuloy lang sila sa pagdami" pagod na saad ni Amber.

"Let's do something para mapagdikit-dikit sila"

"What are you planning to do?" Tanong ni Tristan sa akin.

"I'll make one big ball using my fire and water ability, magdudulot ito ng isang malakas na pagsabog kaya dapat ay nasa iisang lokasyon lang sila" sagot ko.

"Let's try your plan" pagsang-ayon ni Amy.

Ipinataas ni Tristan ang mga lupa para gumawa ng harang sa mga kalaban namin at dahil dito ay naikulong niya ang ilan sa mga kalaban namin.

Sinimulan kong maglabas ng enerhiya para gumawa ng isang malaking bola at habang patuloy akong naglalabas ng enerhiya ay sinimulan ni Amber na sumigaw na nagpatakip ng tainga sa mga kalaban namin. Hindi kami naapektuhan sa ginawang pagsigaw ni Amber kaya naman patuloy lang kami sa ginagawa namin, muntik pang mabasag ang barrier na gawa ni Amy dahil sa pagsigaw ni Amber na mabilis namang na ayos ni Amy gamit ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay patuloy na naglalabas ng kapangyarihan para patumbahin ang mga taong nakatakip ngayon sa kanilang tainga.

Habang patuloy ang pagpapatumba nina Tristan at Amy sa mga kalaban namin ay dinadala naman ito ng kapangyarihan ni Amber papunta sa ginawa ni Tristan na kulungan.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now