Matilda [EDITED]

236 10 0
                                    

MARY'S POV

Naalimpungatan ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko kanina, nang tuluyan ko ng mabuksan ang mga mata ko ay nakita ko ang isang babaeng masasabi ko na kaedaran lang nina mama at Miss Sean na deretso lang na nakatingin sa akin. Sa likod niya ay nakita ko si Levi na pumasok at naupo sa couch habang ang babae naman ay nanatili lang nakatayo at nakatitig sa akin.

Siya ba yung babaeng may gawa ng ilusyon kahapon? Siya ba ang babaeng may dahilan kung bakit ako nandirito ngayon sa Enchanted? Naaalala ko na, siya ang babaeng muntik ng makabangga sa akin noong unang beses akong nakatapak sa paaralan na ito.

I wanted to ask those questions pero alam kong wala naman akong makukuhang sagot mula sakaniya.

"Kamukha mo ang mama mo" pagbasag ng babae sa katahimikan.

Kilala niya si mama? My mom's a head in this world kaya hindi narin ako magtataka na kilala niya si mama.

"Who are you?" Deretso kong tanong.

Lumapit siya sa selda kung nasaan ako bago niya sagutin ang tanong ko.

"Me? I will be the one who will freed you in this cruel world"

"You mean in this Academia?"

Nawala ang ngiti niya dahil sa tinanong ko.

"Magical World is not cruel as you think. Kayo, ikaw at ang buong Enchanted lang ang nagpapasama sa mundong ito" dagdag ko pa na tuluyang gumalit sakaniya.

"Manang mana ka sa ina mo" Gusto ko siyang sigawan dahil sa sinabi niya, hindi niya ginagalang si mama bilang isa sa mga head pero hindi ko pinahalata na naiinis ako nang dahil sa sinabi niya.

"Ikaw ba ang babaeng kumuha sa akin?"

"Ako nga at ako rin ang babaeng kukuha nang kapangyarihan mo. I will be the only one who will possess the rare type. I will be the most powerful person in this world" gusto kong matawa sa mga sinasabi niya, para siyang baliw na uhaw sa kapangyarihan.

Napansin niya ang mahina kong pagtawa kaya naman muli niya kong tinapunan nang nakakamatay na tingin at hindi lang pala nakakamatay na tingin ang ginagawa niya ngayon dahil sa mga oras na ito ay nahihirapan na akong makahinga.

Napansin ko nalang na lumulutang na ako mula sa sahig. Sinasakal niya ko sa pamamagitan nang kapangyarihan niya.

"Wala kang karapatang ngumiti" galit niyang saad habang patuloy padin ako na sakal-sakal.

"Wala ka ring karapatang magpantasya na ikaw ang magiging pinakamalakas sa mundong ito" pinilit kong sabihin ang mga katagang iyan kahit na nauubusan na'ko nang hangin sa katawan.

Nang dahil sa sinabi ko ay lalo siyang nagalit. Lalo niya pang hinigpitan ang pagkakasakal sa akin, ramdam ko na ang hilo dahil sa ginagawa niya nang pigilan siya ni Levi.

"Stop it mom baka mapatay mo sya, hindi mo pa nagagawa ang kailangan mo sakaniya"

Mom? Mama niya ang babaeng ito? Siya ba ang babaeng nakalaban nina mama at papa noon? Ang dahilan nang pagkawala ni papa?

Bumagsak ako sa sahig nang bitawan ng babae ang pagkakasakal sa akin. Hinawakan ko ang leeg ko dahil sa sakit na nagmumula rito.

"Mapapatay din kita at pasasalamatan mo ko doon dahil magsasama na kayo ng ama mo" seryoso niyang saad na nagpakuyom ng aking kamao.

Siya nga ang dahilan nang pagkawala ni papa, siya ang dahilan ng war na naganap dati, siya ang dahilan nang lahat ng gulo na nagyari noon pati narin ngayon.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now