Kiss [EDITED]

386 16 0
                                    

MARY'S POV

It's been an hour since Axel and Tristan are gone. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa event o kung hinahanap ba ako nina Black pero nanatili lang ako rito sa rooftop. Pinagmamasdan ko lang ang mga bituwin ng bigla kong maisip si mama, antagal nadin pala mula noong huli ko siyang makausap.

"Mary right?" Isang boses ng lalaki ang narinig ko mula sa aking isipan.

"Anong relasyon mo kay Axel?" Tanong pa niya.

"Who are you?" Inilibot ko ang aking paningin, nagbabakasakali na makita ko ang taong pinang-gagalingan ng boses.

"Hindi importante kung sino ako ang mahalaga ay nalaman kong importante ka kay Axel" bakas ang ngisi sa tono ng kaniyang pananalita.

"Sino ka? Girlfriend niya?" Tuloy-tuloy niyang tanong na hindi ko sinagot. Hindi ko alam kung ano kami ni Axel at wala rin naman akong balak sabihin sa kaniya kung magkaibigan man kami o hindi.

"Anong kailangan mo kay Axel?" Seryoso kong tanong.

"Wala naman, gusto ko lang malaman kung sino pa ang ibang importane sa buhay niya bukod kay Tristan" sagot nito.

"Mali ka ng taong pinuntahan dahil hindi ako importante kay Axel" sagot ko sa kaniya habang sinusubukang pakiramdam ang presensya niya.

Narinig ko ang pagtawa niya sa aking isipan na nagdulot ng sobrang sakit na pakiramdam.

"Stop laughing!" Sigaw ko ngunit patuloy niya lang pinagpatuloy ang kaniyang pagtawa, sinubukan kong takpan ang aking tenga para mabawasan ang sakit.

"You think mapapaniwala mo ko? Alam kong importante ka kay Axel baka nga sa mga oras na ito ay ikaw na ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya" bakas ang saya sa tono ng kaniyang pananalita.

"I'm not! Ilang beses niya na kong binalak patayin! How can you say that I'm important to him? You're insane!" Lakas loob kong sagot.

Hinintay ko na sumagot siya pero wala na kong narinig pang boses mula sa aking isipan.

Unti-unti ay naramdaman ko ang paninikit ng aking dibdib. He's using his aura choking to me at dahil hindi ko siya nakikita ay hindi ko magawang labanan ang ginagawa niyang pananakal sa akin.

I tried shutting down my aura pero hindi ko ito magawa.

"Stop!" Hirap kong sigaw na muling nagpatawa sa kanya, muli akong nakaramdaman ng matinding sakit mula sa ulo ko dahil sa kaniyang pagtawa.

"Tell him that I'll be back. That I will kill him with my bare hands" kung kanina ay normal lang ang kaniyang pananalita ngayon naman ay isang malalim na boses ang narinig ko na para bang nagmumula sa isang hukay na nagdala ng matinding kaba sa dibdib ko.

Naramdamam ko ang presensya ng taong nagsasalita mula sa isipan ko mula sa aking likuran.

"Tell him I will also kill all the important person in his life" bulong niya.

Hirap man sa paghinga ay sinubukan ko parin siyang tignan ngunit wala na siya sa aking likuran, ramdam ko ang unti-unting pagkawala ng hiniga ko.

"Taylor!" Sigaw ni Axel na nagawang gumising sa akin.

"What happened?" Nag-aala niyang tanong habang hawak ang katawan ko.

Hinabol ko ang aking paghinga hanggang sa maging ok na ako.

"Someone is after you" hirap kong saad.

"What did he do?" Tanong niya. "Ok ka naba? You want me to bring you in the clinic?"

"I'm fine" Paninigurado ko.

He hugged me.

"I'm sorry I left you here" bulong niya na nagpakawala sa kaba ko, ang simpleng yakap niya ay nagpakalma sa akin.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now