The Last Battle [EDITED]

276 8 0
                                    

THIRDS PERSON'S POV

"Mga walang hiya kayo!" Galit na galit na sigaw ni Matilda nang makitang bumagsak ang katawan ng kaniyang anak na si Lucas.

"Sa pangalawang pagkakataon ay pinatay niyo nanaman ang anak ko! Hinding hindi ko kayo mapapatawad" seryoso pang saad ni Matilda.

Bakas ang luha sa kaniyang pisnge habang malungkot na nakatingin sa katawan ng anak. Gusto niya mang lapitan si Lucas ay hindi niya na ginawa dahil ngayon ay mas nanaig na sakaniya na paslangin ang mga taong tumapos sa paghinga ng kaniyang anak.

"Kinuha niyo ang buhay ng anak ko. Buhay sa buhay ang kabayaran nito Luna" seryosong baling ni Matilda kay Luna kasabay ng paglabas nang sobrang lakas na kapangyarihan sa kaniyang katawan.

Sa ngayon ay sakaniyang kapangyarihan ang may pinakamalakas. Nag halo-halo na ang iba't ibang aura at enerhiya sa buong katawan ni Matilda.

Mabilis na nakapunta si Matilda kay Mary na walang sino man ang nakapansin dahil sa taglay niyang bilis. Sa loob lamang ng isang segundo ay nagawa niya palabasin ang pinaghalong enerhiya ng kaniyang katawan sa kaniyang kamay na siyang itinira niya sa dibdib ni Mary ngunit hindi inaasahan ni Matilda ang biglang pagdating ni Luna na siyang pumigil sa kaniyang pagtira.

"Hindi ako makakapayag na may mapatay kapa sa mga mahahalagang tao sa buhay ko" seryosong saad ni Luna na ngayon ay itinatago sa likuran ang kaniyang anak.

"Hindi niyo na ko mapipigilan Luna!" Malakas na sigaw ni Matilda kasabay nang pagtakas ng kaniyang kakayahan na siyang nagpatalsik sa lahat ng taong nakapaligid sakaniya.

Sabay-sabay na tumayo sina Luna, Soren at Sean.

"Ilayo niyo si Mary dito!" Sigaw ni Luna sa mga kaibigan ng kaniyang anak.

Kaagad naman naalarma ang grupo nina Axel para daluhan si Mary, pipigilan sana ni Matilda ang pag-alis nila nang harangan siya ng magkakaibigang Luna, Soren at Sean.

"Kailangan na matapos ang dati pa dapat tapos" seryosong saad ni Soren kasabay ng pagtapat ng kaniyang kamay kay Matilda.

"Hindi kana namin pagbibigyan sa pagkakataong ito Matilda" saad din ni Sean at kagaya ni Soren ay itinapat niya ang kaniyang kamay kay Matilda.

Kagaya ni Matilda ay mararamdaman na ang paglabas ng mga naglalakasang kapangyarihan nila Luna.

Sinubukan magpalabas ng kapangyarihan ni Matilda ngunit hindi niya magawa dahil sa hindi niya magalaw ang kaniyang katawan.

Kasabay ng pagtakas nina Mary ang paglabas nang matinding kapangyarihan sa kamay nina Luna, Soren at Sean. Papatama ito sa dibdib ni Matilda at nang tatama na ito sakaniya ay isang kamay ang sumalo sa malakas nilang kapangyarihan.

Ngayon ay sinasangga ni Levi ang pagtirang ginawa nina Luna. Hirap man si Levi pero ginawa niya ang lahat para ito'y malabanan.

"Hindi ako makakapayag na paslangin niyo si mama, tama na ang pagkawala ni Lucas" seryosong saad ni Levi.

Napahinto sa pag-alis sina Mary dahil may pumigil sakanila na mga tao na gawa ng kapangyarihan ni Levi.

Nagsimula silang labanan ang mga ito. Gumawa pa ng mas maraming tao si Levi na tutulong sa kaniyang ina.

Umalis si Levi sa harap ng ina para puntahan si Mary na ngayon ay kasama nina Lucas na nakikipaglaban.

"Why are you doing this Levi?" Tanong ni Mary na hindi sinagot ni Levi.

"Hindi ito ang gusto mong mangyari hindi ba? Tumigil kana" pagpapatuloy pa ni Mary pero imbes na sumagot ay ngumisi lang si Levi.

"You're right, I don't like this but I don't also like the image of my mother being murdered by all of you" seryoso niyang saad.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now