War [EDITED]

228 8 0
                                    

MARY'S POV

Muling sumigaw si Matilda kaya muli kaming napatakip sa aming mga tainga pero nakita ko kung paano makatayo na parang hindi na aapektuhan si mama at si Master Lily.

Habang patuloy na sumisigaw si Matilda ay siyang paglabas ng kapangyarihan nina mama patungo kay Matilda na nagpatigil sa kaniyang pagsigaw.

Mababakas ang sakit na nararamdaman sa mukha ni Matilda nang dahil sa tumatamang kapangyarihan sakaniya pero makalipas lang ang ilang minuto ay bigla nalang siyang naglaho kasabay ng mga kasama ko.

"Mama! Master Lily!" Pagtawag ko sa kanila pero hindi ko na sila makita.

"Black! White!" Still ay wala rin silang sagot.

Sinubukan kong pakiramdam ang aura nila at nararamdaman ko naman ito sa paligid ko pero hindi ko sila makita.

I was about to walk away para hanapin sila nang biglang sumulpot sa harapan ko si Matilda.

"Nasaan sila?!" Galit kong tanong.

"They are here, kasama mo lang" sagot niya sa paraang nakakaloko.

"You manipulator!" Sigaw ko kasabay ng pagsugod sakaniya.

Ginamitan niya ng ilusyon ang mga kasama ko at nang dahil sa nangyari kanina sa pagitan naming dalawa ay hindi niya na magagamit sa akin ang ilusyon niya at ganoon din ang kakayahan ko para pigilan ang kaniyang kapangyarihan.

"Ngayon tayo nalang ulit dalawa, kailangan ko nalang kuhanin ang kapangyarihan mo para matapos na ito" seryoso niyang saad habang iniiwasan ang mga pag-atake ko.

"Hindi na'ko makakapayag na maibuka mo pa ang bibig ko"

Isang mahinang pagtawa ang isinagot niya sa sinabi ko.

Gumawa ako ng maraming kunai gawa sa kuryente, tubig at apoy at ang lahat ng nagagawa ko ay ikinakalat ko sa buong lugar, wala namang ginawa si Matilda para pigilan ako at tanging nakangising mukha niya lang ang nakikita ko.

Nang makuntento na ako sa dami ng kunai na nagawa ko ay mabilis akong gumawa ng bagay na maaari kong maapakan at saka ko ito sinimulang paliparin sa himpapawid kasabay ng pagbitaw ko sa kunai papalapit sa kinaroroonan ni Matilda pero tila nang hina ako nang makita ko ang mga taong tinamaan ng ginawa ko.

Napababa ako para lapitan sina mama na nagtamo nang madaming sugat sa katawan. Ang kaninang kinaroroonan ni Matilda ay napalitan ng mga kasama ko.

"We're fine" saad ni Master Lily.

Binalingan ko ng tingin sina Black pero nginitian lang nila ako na nagsasabing ayos lang sila.

Napayukom ako sa aking kamao dahil sa nangyari.

"Hindi bagay sa'yo ang kakayahan mo, napaka-tanga mo" saad ni Matilda mula sa likod ko.

Humarap ako sakaniya at tinapunan siya ng nakakamatay na tingin na nagpaatras sakaniya.

Nararamdaman ko na para bang umiinit ang mga mata ko at sa pamamagitan lang ng aking pagtingin ay nabalot ng apoy ang katawan ni Matilda.

"If I don't deserve my power then you don't deserve to live in this world" saad ko at lalo pang pinalaki ang apoy na nababalot sa katawan ni Matilda pero kahit nasusunog na ang katawan niya gawa ng aking apoy ay hindi ko siya kinakikitaan ng reaksyon na makapagsasabing nasasaktan siya.

Nakita ko ang muli niyang pagngisi at kasabay nito ang init na nadarama ko sa buo kong katawan na para bang ako ang nakakaramdam ng sakit na dapat nararamdaman niya.

Ang apoy na nasa katawan ni Matilda ay pinalitan ko ng tubig at nang dahil doon ay nawala ang init at kirot na aking nararamdaman.

Muli siyang tumawa nang dahil sa ginawa ko.

Magical Academia ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon