Shutting Down [EDITED]

470 21 0
                                    

MARY'S POV

Kinabukasan ay tinanong ako ni White kung nasaan ako kahapon dahil hindi na ako nakasunod sakanila.

"Tinutulungan siya ni Axel mag-training" Si Black ang sumagot sa tanong ni White dahil na ikwento ko na sa kaniya ito ng magkita kami sa dorm.

"Training partner mo si Axel?" Gulat niyang tanong.

"Yup" nakangiti kong sagot.

"You're smiling, hindi kaba niya sinaktan?" Tanong ni Black.

"Mabait naman pala siya" nakangiti ko paring sagot.

"Mabait? Si Axel?" Hindi makapaniwalang tanong ni White.

"Ni pagngiti nga hindi niya magawa" dagdag pa ni Black.

Pero napapakita niya ang ngiti niya sa akin.

Magsasalita palang ako ng dumating si Axel at deretsong lumapit sa akin.

"Training" he said kaya naman nagpaalam na ako kina White na binigyan ako ng makahulugang tingin.

Nang marating namin ang training room ay agad siyang nagsalita.

"Miss Sean says that we need to fight" walang emosyon niyang saad.

"What?" Naguguluhan ko namang tanong.

Hindi niya ko sinagot pero nagawa niyang suntukin ang pader na ipinagtaka ko.

"What's wrong?" Nag-aalala kong tanong, hindi ko siya maintindihan.

"They want us to fight para malaman nila kung pwede kana bang ipadala sa mga misyon" galit niyang sagot na nananatiling nakatitig sa pader.

"What's wrong with that?" Tanong ko dahil normal lang naman na maipadala ako sa mga misyon lalo na't ako ang may hawak ng pinaka-malakas na kakayahan.

"It's dangerous outside and I don't want you to be there" seryoso niyang sagot.

"Delikado nga pero kailangan ako doon" sagot ko sa kaniya.

"Kaming apat, kaya na namin kahit wala ka" sagot niya na nagpainit nang aking ulo.

"What do you mean? Na hindi ko kaya ang ginagawa niyo?" Galit kong tanong na nagpalambot sa reaksyon niya, nagawa niya na rin akong tingnan.

"No, I didn't say that" mahina niyang saad.

"But that's what you mean!" Malakas kong sigaw sa kaniya.

"Ayoko lang na malagay sa pahamak ang buhay mo!" Balik niyang sigaw na nagpagulat sa akin, I didn't expect him to shout and I didn't expect him to tell that thing.

Ayaw niya kong mapahamak kaya ayaw niya akong ipadala sa mga misyon, hindi ko na nagawa pang magsalita kaya naman tinalikuran niya nalang ako at iniwan na mag-isa sa training room.

"He's worried about you" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses ng may biglang magsalita.

"Hindi ko maintindihan Tristan" naguguluhan kong tanong nang makalapit siya sa akin.

"Importante ka kay Axel" sagot niya.

"And I think that he doesn't want you to be sent outside where a true battle is located" napatingin ako kay Amy na hindi ko namalayan na nandito rin pala, kasama niya rin si Amber.

"Ayoko mang sabihin ito pero mukhang hindi ka kayang saktan ni Axel" saad ni Amber na walang emosyon.

"Intindihin mo nalang muna si Axel Mary" pakiusap ni Tristan bago sila umalis.

***************

Kasalukuyan kaming kumakain sa cafeteria ng mga kaibigan ko at hanggang ngayon ay hindi ko padin nakikita si Axel.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now