His Guidance [EDITED]

509 19 0
                                    

MARY'S POV

"She has the rare type"

"She's super powerful"

"Magical Academia make its own history because of her"

"I hope ok na sya"

Ilan lang iyan sa mga naririnig namin ni Black na bulungan habang nakatingin sila sakin. Kasalukuyan kami ngayong papunta sa classroom. I'm the talk of Academia once again.

"Welcome Back!" Masayang bungad ng mga kaklase namin pagkapasok namin, may ilan pa na nagpasabog ng confetti.

Why are they making a fuss about my return?

"Ang galing mo Mary"

"You won against Amber"

"You are the rare type"

"You're a history"

Nginitian ko silang lahat. They are welcoming me as an important person and I feel overwhelmed.

"Thank you guys but you don't need to do this" nakangiti kong saad.

"Masaya lang sila na ok kana" saad ni Black na nasa tabi ko padin.

"Lagi kaya nilang tinatanong kung kumusta kana" dagdag ni White na may hawak ng welcome back sign.

Nagsi-balikan nadin silang lahat sa upuan nila kaya naman dumeretso narin kami nila Black sa upuan namin.

"You think alam na ng ibang school ang about sayo?" Asked by White.

"I think so" sagot ko.

"Siguradong may mga magbabalak na makuha ka" nag-aalalang sabi ni Black.

Napaisip naman ako sa sinabi niya and I think she's right dahil kung meron mang mga bad witch gaya ng sinabi ni Black dati paniguradong meron ding mga may kapangyarihan na hindi maganda ang intensyon and aside from that, wars are common in this world according to the history.

Dumating si Sir Soren para ipaalam na pwede na kaming magsimulang mag-training.

"Mary maiwan ka muna" baling sa akin ni Sir Soren.

Pinauna ko na sila White para hindi na sila mag-antay sa akin.

"Ano pong sasabihin niyo Sir Soren?" Tanong ko ng kaming dalawa nalang ang nasa loob ng silid.

"Axel will help you in your training" Seryoso niyang sagot.

"Si Axel po?" Gulat kong tanong.

I don't want him to be my trainor.

"Yes and papunta narin siya dito meron lang pinaasikaso si Miss Sean sakanya"

"Kaya ko naman pong mag-training mag-isa" pagdadahilan ko dahil ayokong makasama si Axel.

"Utos ito ni Miss Sean" desididong sagot niya.

"Pero Sir Soren baka mapatay ako ni Axel" sagot ko na naging dahilan nang pagtawa niya.

"Nakakatakot lang si Axel pero hindi siya nananakit" sagot ni Sir Soren. 

No Sir Soren, hindi mo naman alam ang pinaggagawa ng lalaking iyon sa akin, he tried to kill me for how many times and speaking of the devil here he comes with his infamous messy hair.

"Tamang tama ang dating mo, ikaw na ang bahala kay Mary and Axel be good to her" paalala ni Sir Soren bago niya kami tuluyang iwanan ni Axel.

Tinapunan ko ng tingin ang lalaking nasa harapan ko na ngayon ay nakatitig lang sa akin.

"I don't need your help, kaya ko ang sarili ko" seryoso kong saad.

Matapos ko iyang sabihin ay nagsimula na akong lagpasan siya para lumabas ng silid subalit hindi paman ako tuluyang nakakalapit sa pintuan ng hawakan niya ang aking kamay ngunit sa pagkakataong ito ay wala na ang init na naramdaman ko kagaya ng una kong naramdaman nang mahawakan niya ako.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now