Dance [EDITED]

365 14 0
                                    

MARY'S POV

Nakaharap ako ngayon sa harapan ng salamin sa loob ng comfort room, kita ko ang repleksyon ng buo kong katawan. Isang gold fitted dress ang suot-suot ko na kumikinang dahil sa mga glitters na nakalagay dito. Backless ito at nakalaylay sa lapag ang ilang tela dahil sa haba nito at sa baba naman ng bandang dibdib ko ay may butas ang tela na nagpapakita ng katawan ko.

"Hindi kapa ba lalabas diyan Mary! Aayusan kana namin" dinig ko ang sigaw ni White.

Lumabas ako at sumalubong sa akin ang mga nakagayak at nakaayos nilang mga mukha at buhok. They are both stunning.

"Omg ang ganda ganda mo Mary" nilapitan ako ni White para tignan.

"Turn around" utos ni Black.

Dahan-dahan akong umikot para makita nila ang kabuuan ko.

"You're gorgeous" puri ni Black.

Pinaupo na nila ko para ayusan, habang inaayos ni Black ang buhok ko ay inaayusan naman ni White ang mukha ko.

"Kaninong dress iyan? Hindi ko maalala kung sino ang nagbigay sa'yo niyan" tanong ni Black.

"I don't remember na may nagbigay sayo niyan Mary, don't tell me bumili ka ng sarili mong dress ah" pagbibiro ni White.

"Si Axel" sagot ko.

"What about Axel?" Tanong ni Black.

"Sakaniya galing ang dress na ito" napahinto ang dalawa sa pag-aayos sakin.

"Axel?!" They shouted in unison.

"Omg omg omg! Sabi na nga ba't may something sa inyong dalawa" kinikilig na sabi ni White.

"Mag partner lang kami!" Pagsigaw ko sakanila.

"Ikaw una niyang partner, ikaw ang una niyang binigyan ng dress. Maybe he likes you" saad ni Black.

"Huwag nga kayong gumawa ng assumptions!" Pagsuway ko sa dalawa dahil naiinis ako na natutuwa ako sa pang-aasar na ginagawa nila.

"Gosh Mary, you will be his first partner, first dance, first kiss, first girlfriend" pinalo ko ang kamay ni White na nag-aayos sa mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Ang layo na ng utak mo White" sita ko na tinawanan lang nilang dalawa.

"This night will be a bliss, my 2 friends with the 2 hottest and handsome guy of the Academia" proud na saad ni White.

Naglalakad na kami ngayon sa open space kung saan gaganapin ang ball. Puno ng magical decorations ang mga nadaraanan namin, kumikinang ang mga puno at may mga alitaptap pa na nakalutang sa himpapawid na nagpapaliwanag sa buwan na makikita sa itaas.

Puno narin ng mga tao ang paligid kasama ang mga partner nila.

"Ayan na sila Amber oh" turo ni White sa bagong dating lang na dalawang babae. Naagaw ng lahat ang atensyon ng dalawa, they are both gorgeous.

Tinapunan ako nang masamang tingin ni Amber samantalang si Amy ay nakangiti pa akong kinawayan.

Pumwesto kami sa bandang likod at hindi rin nagtagal ay dumating si Miss Sean at dumeretso siya papaakyat sa stage.

"Good evening everyone welcome to Magical Academia's Anniversary. Feel free to be drunk and wasted tonight!" Malakas na hiyawan ang sinagot namin kay Miss Sean.

Nagsimula nang mag-ingay sa paligid, pang disco ang sayaw, hinatak kami ni White sa gitna para makisayaw sa mga tao.

"Let's get wasted!" Masayang sigaw ni White habang nagsasayaw, napangiti naman kami ni Black at nagsimula naring makisayaw sakaniya. May dumaan na waiter kaya naman kumuha kaming tatlo ng wine.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now