The Four of Them [EDITED]

292 8 0
                                    

MARY'S POV

Naramdaman ko ang pagbagsak ng aking katawan sa mga braso ni Axel.

"Buti naman at dumating kana, masyado ka atang nag-enjoy na makipaglaban sa mga ilusyon na gawa ko"

Masamang tingin ang isinagot ni Axel sa sinabi ni Levi.

"Huwag mong idamay si Mary dito" saad ni Tristan na kadarating lang din.

"Who do you want to be involved in this situation Tristan? Si Black ba?"

"Huwag mong idadamay si Black dito!" Sigaw ko sa nakangising mukha ni Levi.

"Huwag kang mag-aalala Mary ikaw lang naman talaga ang pakay ko pero dahil masyadong madaming sagabal at gustong makisali sa atin ay wala akong magagawa kundi idamay sila" hindi ko alam kung nang-aasar ba ang tono ng boses ni Levi o galit ba ito.

"Leave now Levi, hindi namin gustong labanan ka" saad ni Axel na ngayon ay inaalalayan akong tumayo.

"Pero gusto kong labanan kayo" naglabas siya ng kapangyarihan papunta sa amin na pinaglaho ko lang, muli niya sanang susubukan na tirahin kami pero hindi niya na magawa.

"Pipigilan mo nanaman ang paggamit ng kapangyarihan ko" singhal nitong saad kay Axel habang hinahawakan ang sariling kamay.

"Umalis kana Levi" seryoso namang tugon ni Tristan.

"Hindi pa nga tayo nagsisimula tapos paaalisin niyo na ako? Hindi niyo man lang ba na miss ang kaibigan niyo?"

Kaibigan? Magkaibigan sila?

Isinandal ako ni Axel sa pader at sabay nilang nilapitan ni Tristan si Levi.

"Matagal nang natapos ang pagkakaibigan natin" seryosong saad ni Axel.

"Oo nga pala pinatay niyo nga pala ang kapatid ko, ang sarili niyong kaibigan" mapaklang tugon ni Levi.

"Alam mong wala na kaming ibang magagawa" tugon ni Tristan.

"Hindi niyo ko mapapaalis hanggat hindi ko nakukuha si Mary, ipaparamdam ko sainyo, sayo Axel kung ano ang pakiramdam ng mawalan" nagulat ako nang biglang nasa tabi ko na si Levi.

Hahawakan niya sana ako nang biglang lumitaw sa harapan ko si Axel at pinigilan ang balak na paghawak ni Levi sa akin.

"Huwag mong isisi sa amin ang kamalian na ginawa ng paaralan niyo" seryosong saad ni Axel.

Tumawa si Levi.

"It's not about Enchanted Axel, ang poot na dala-dala ko ay dahil sa pagta-traydor na ginawa niyong dalawa ni Tristan! Nagmakaawa ako sa inyo pero pinatay niyo parin si Lucas!" Nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa kaniyang mata habang patuloy parin na tumatawa.

"Madali niyo lang tinapon ang pinagsamahan natin!"

Masayang nag tatakbuhan ang grupo ng apat na batang lalaki sa malawak na damuhan nang madapa ang isa sakanila.

"Hala may sugat ka" Tristan

"Gamutin natin" Axel

"Malalagot tayo kay mama" Levi

Natawa lamang ang batang nadapa.

"Galos lang naman ito eh, halika na para makaligo na tayo sa batis" nagsimula ng tumakbo ang bata kaya naman nagsisunuran nadin sila.

"Sigurado kabang ok kalang Lucas?" Tanong pa ni Levi habang patuloy silang natakbo.

"Ok lang! Ayan natatanaw ko na ang batis!" Agad na tumalon si Lucas sa tubig ng marating nila ang batis, sunod-sunod na tumalon ang kaniyang mga kaibigan.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now