Enchanteds Revenge [EDITED]

246 8 0
                                    

MARY'S POV

"Ahhh" napadilat ako nang marinig ang malakas na pagsigaw.

Nakita ko sa aking harapan ang nakayakap na katawan ni Axel sa akin at sa likuran niya ay si mama at sa harapan naman ni mama ay nandoon si Master Lily na sinasangga ang pag-atake ng dragon sa amin.

Axel is fine, mama is fine, Master Lily is fine. We're all fine na nagpahinga sa akin nang maluwag dahil akala ko ay katapusan na namin, akala ko ay mawawala na si Axel sa akin.

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Axel para harapin si Matilda.

"Enough Matilda walang magandang maidudulot ang ginagawa mo" saad ni Master Lily.

Nagpalabas siya nang malakas na kapangyarihan katulong ni mama na nagpalaho sa itim na dragon mula sa kapangyarihan ni Matilda.

"Hindi niyo na'ko mapipigilan pa sa pagkakataong ito!" Galit na sagot ni Matilda.

"Tama na Matilda huwag mo nang antayin na may mawala pa sa mga taong malalapit sayo" saad ni Miss Sean na kadarating lang, halata rin ang pagod kay Miss Sean dulot nang pakikipaglaban.

"Noong panahon na nawala si Lucas nawalan narin ako nang dahilan para makinig sa inyo!" Bakas ang poot sa pananalita ni Matilda.

"May isa kapang anak Matilda! Isipin mo rin si Levi! Sa tingin mo ba ay gusto niya ang ginagawa mo!" Sigaw ni Sir Soren na kasama ni Miss Sean.

"Huwag niyo kong pagsabihan! Wala kayong karapatan! Mga traydor kayo! Wala kayong karapatan na pagsabihan ang taong mas pinili niyong talikuran!" Halos lumabas na ang ugat sa leeg niya dahil sa kaniyang pagsigaw.

"Alam mong hindi ka namin tinalikuran, ikaw ang umalis sa amin" naiiling na sagot ni mama.

Anong nangyayari? Magkakakilala ba sila? Magkakaibigan?

"Mas pinili niyo ang kapatid ko kaysa sakin! Mas pinili niyo iyang si Lily kahit na alam naman ng lahat na ako ang karapat dapat kasama mo at ni Liam!"

Magkapatid si Master Lily at Matilda?

Masayang naglalakad ang apat na magkakaibigan papunta sa opisina ng head ng school.

Makikita ang ngiti at pagkukulitan sa apat na magkakaibigan na sina Matilda, Luna, Soren at Sean.

Kumatok muna si Matilda bago sila pumasok sa opisina at doon ay naabutan nila ang head at si Liam.

"Hindi na'ko magpapaligoy ligoy pa, naka pag-decide na ang school at ikaw Liam, Luna at Matilda ang napiling maging head ng Magical World. Malaki ang tiwala ng mga tao sainyo kaya kayo ang napili. May tiwala kami sainyo na kaya niyong pamahalaan ang mundong ito. Good luck and congratulations, bukas nang gabi ay ihahayag na kayo bilang head ng Magical World"

Lumabas ang magkakaibigan kasama si Liam na may malaking ngiti sa kanilang mukha.

"Congrats! Deserve niyong maging tagapamuno ng mundo natin" nakangiting saad ni Soren.

"Sabi na nga ba't dalawa sa kaibigan ko ang mapipili" dagdag naman ni Sean.

"Syempre pati ang boyfriend ko dahil siya naman ang pinakamalakas at responsable sa atin" saad naman ni Luna at kumapit pa sa braso ni Liam.

"Finally! Lahat ng pagsisikap at pinaghirapan natin ay nagbunga na!" Masayang saad ni Matilda habang tumatalon pa sa tuwa.

"Dahil nalaman namin ang plano mo Matilda!" sagot ni Sir Soren.

Magical Academia ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon