Caught [EDITED]

252 7 0
                                    

MARY'S POV

Nagising ako na ramdam ang kirot na nanggagaling sa pulsuhan sa aking kamay. Dahan-dahan kong inupo ang sarili ko at ngayon lang ako naalimpungatan.

Inilibot ko ang mga mata ko at nasa loob ako ng isang malaking selda.

"Gising kana" saad ng lalaking kakapasok lang sa kwarto na kinaroroonan ko.

Hindi naman ako nagsalita dahil hindi ko naman siya kailangang kausapin. Pinanood ko siyang maupo sa couch habang nakatingin sa akin.

Hinawakan ko ang kamay ko na dumudugo parin pala. Naaalala ko ang nangyari kanina, sinubukan kong makaalis sa ilusyon na gawa ng babae na hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala pero huli na ang lahat dahil isang oras na akong nakakulong sa ilusyon na gawa niya.

Kailangan kong makaalis sa lugar na ito. Hindi ako pwedeng manatili nalang na nakakulong dito.

Habang hawak ko ang aking kamay ay tumayo ako para lapitan ang lock ng selda pero nakuryente lang ako. Nababalot pala ito ng kapangyarihan.

Lumayo ako nang kaonti bago sinubukang tanggalin ang kapangyarihan na nakapalibot sa selda pero hindi ko ito mapatay.

Anong nangyayari?

Sinubukan kong pagalawin ang orasan na nakasabit sa pader pero hindi ko rin nagawa.

"Stop what you're doing, hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo sa loob ng selda na iyan" saad ni Levi na kanina pa ako pinagmamasdan simula ng pumasok siya rito.

Tinapunan ko siya ng isang masamang tingin.

"Pakawalan mo ko"

Natawa siya dahil sa sinabi ko.

"Bakit ko naman gagawin iyon?" Tanong niya sa nang-aasar na tono.

Hindi ko nasagot ang tanong niya dahil sino ba namang tanga ang magpapakawala ng taong matagal niyo nang gustong makuha.

"Ikaw ang kusang lumapit sa amin Mary" napatingin ako sa sinabi niya.

"What do you mean?" Hindi ko maiwasan ang mag tanong.

"The illusion, tinahak mo ang daan papunta rito sa Enchanted" sagot niya.

Hindi na ako nagsalita pa. Wala man akong alam tungkol sa ilusyon na nangyari sa akin ay naiintindihan ko naman ang nangyari. Nakulong ako sa ilusyon sa loob ng isang oras at ang consequence ng pagkakakulong ko na iyon ay ang kusa kong pagpunta sa Academia na ito.

Ginawa ang ilusyon na iyon para mapapunta ako sa lugar na ito.

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil hindi ko nagawang makawala sa ilusyon na iyon pero hindi ko nalang itinuloy. Wala akong laban sa mga oras na ito, hanggat nasa loob ako ng seldang ito ay isa lang akong ordinaryong tao.

"Kakain na" may isang babae ang pumasok. Ibinaling niya ang tingin sa akin.

"Rare type" saad niya pa. Matapos akong titigan ay lumabas na siya, ipinaalam niya lang naman kay Levi na oras na nang pagkain nila.

Iniisip ko kung siya ba ang babaeng nakaharap ko pero mukha namang hindi dahil matangkad pa sakaniya ang babaeng iyon.

Nilapitan ni Levi ang selda na kinaroroonan ko at binuksan niya ito. Nanatili lang ako na nakatayo sa pwesto ko.

"Let's go" aya niya sa akin na hindi ko ginawa.

Tinignan niya ko at kinunutan ng noo.

"Kakain na, lumabas kana riyan" bakit naman ako pinapalabas ng lalaking ito? Hindi ba siya natatakot na baka makatakas ako kapag pinalabas niya ko sa kulungang ito.

Magical Academia ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon