Full Force [EDITED]

248 10 0
                                    

MARY'S POV

"Ma, tama na please" pakiusap ni Levi bilang pagsagot sa sinabi ni Matilda.

"I can't kill my own brother, gusto ko lang na tumigil na tayo ma. Wala na si Lucas, ayokong pati ikaw ay mawala pa" pagpapatuloy ni Levi ngunit tinapunan lang siya nang masamang tingin ng ina.

"The moment you stop fighting for our revenge was the very moment that you start killing your brother" seryosong saad ni Matilda.

"Let's stop ma, I blamed my friends for a years for killing Lucas pero ngayon naiintindihan ko na, that I am blaming the wrong people for our loss. You ma, you are the reason why Lucas is no longer here" sagot ni Levi.

Mababakas ang galit sa mata ni Matilda nang dahil sa sinabi ni Levi.

"Hindi na kita pipilitin na tulungan ako Levi, kung gusto mong kalimutan nalang ang pagkawala ng kapatid mo at ng mga pinagdaanan natin ay malaya kanang gawin ang gusto mo pero hindi mo ko mapipigilan sa binabalak kong gawin" saad ni Matilda sa paraang tila ba kinakalimutan niyang anak niya si Levi.

"Of course, hindi kita mapipigilan ma, hindi ka nga napigilan ni Lucas noon ano pa kaya ako na hindi mo naman minahal" mapaklang sagot ni Levi.

Naalarma ako nang mabilis na sumugod si Matilda papunta kay Levi. I immediately go beside Levi and cover Matilda's attacked.

"Isa kana ba ngayon sakanila?" Natatawang tanong ni Matilda kay Levi.

"Don't hurt your son, kami naman ang kalaban mo hindi ba? Then hurt us but don't hurt your son. The emotional pain that he's carrying is too much to handle kaya huwag mo ng dagdagan pa" seryoso kong baling kay Matilda.

"Sige na Levi kumampi kana sa mga iyan. All of you are traitor after all" seryosong saad ni Matilda.

"Kayo!" Baling niya kina mama, Miss Sean at Sir Soren.

"Ikaw!" Sigaw niya kay Levi.

"Lahat kayo ay mga traydor!" Malakas niyang sigaw sa aming lahat, binaling niya ang seryosong tingin sa akin.

"You can have my son, hindi lang naman siya ang traydor sa pagkakataong ito" pagpapatuloy niya na ikinakunot ng aming noo.

"Mahina ka Levi, you let your emotion ruin our plan but it's fine, I have someone who's more powerful than your ability" nakangiti niyang saad.

Walang nakapagsalita sa amin at nabalot lang nang katahimikan ang buong paligid nang bigla magsalita si Master Lily.

"Patawarin niyo sana ako" nakayuko niyang saad bago lumapit sa tabi ni Matilda.

"I believe on the saying that blood is thicker than water. Ako parin ang kakampihan ng kapatid ko" nakangiting saad ni Matilda.

Bakas ang gulat sa mukha nina mama dahil sa ginawa ni Master Lily.

"Sinuway mo ang utos ng Magical World sa ginawa mo Lily" seryosong paalala ni mama kay Master Lily pero nakayuko lang ito.

"It's fine, kami din naman ang mamumuno sa mundong ito sa oras na mapatay namin kayong lahat" buong galak na saad ni Matilda.

Ayokong mang husga sa ginawa ni Master Lily pero seeing mama, I can feel the betrayal in her eyes.

"Why?" Hindi ko naiwasang tanungin si Master Lily.

"Don't get me wrong Mary. Kapayapaan ang gusto ko para sa mundong ito pero mas nananaig sa akin na makatulong at makabawi sa kapatid ko, siya nalang ang mayroon ako" paliwanag ni Master Lily. I didn't get her point.

How can she say that peace was what she wanted for this world if she's doing this thing.

"Si Lily lang naman ang may kakayahang kumontrol at magbigay buhay sa mga patay that's why Lucas is here" paliwanag ni Matilda.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now