Amber vs Mary [EDITED]

546 25 0
                                    

MARY'S POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising para muling pumunta sa library. Pagdating ko rito ay nagbasa naman ako patungkol sa control manipulation na ginawa ni Miss Sean kay Amber.

So, kailangan mo palang pakiramdam ang energy at katawan ng taong kokontrolin mo para magawa ito. Binasa ko ang lahat ng mga dapat kong malaman para sa ability na ito at nang masigurado kong tanda ko na ang lahat ay saka lang ako lumabas ng library and to my surprise late na pala ako sa klase ko.

Sumilip ako sa classroom at nakita ko si Sir Soren na nagsisimula nang magturo, hindi ko alam kung papasok paba ko o ano pero naisipan kong pumasok nalang nang pasimple dahil hindi naman ako maaring mag-cutting ulit gaya ng ginawa namin kahapon. 

Naisipan kong sa likuran nalang dumaan dahil may pintuan din naman doon ngunit hindi paman ako nakakalapit sa pintuang daraanan ko nang maramdaman ko ang isang mainit na kamay na humawak sa wrist ko.

Hindi ko na nagawa pang umangal sa ginawa niyang paghawak sa akin nang magsimula siyang maglakad papasok ng room kasama ako, binuksan niya ang pinto at deretso lang kaming pumasok at naglakad papunta sa upuan ko at gaya dati ay nahinto si Sir Soren sa pagsasalita habang ang mga kaklase naman namin ay napanganga sa nakikita nilang magkasama kami ni Axel.

Nang makaupo ako ay saka lang siya naglakad papunta sa upuan sa tabi ni Tristan.

"What was that?" Rinig ko ang mapanuyong tanong ni Tristan na sinagot lang nang pagsinghal ni Axel.

"Bakit magkasama sila?"

"Bakit hawak ni Axel si Mary?"

"Bakit sabay sila?"

"Anong meron sakanila?"

Ilan lang iyan sa bulungan ng aming mga kaklase patungkol sa amin ni Axel.

"Anong nangyari sainyo?" Tanong ni White na may nanunuyang ngiti.

"Bakit magkasama kayo?" Tanong din ni Black na hindi rin makapaniwala.

"Nakasabay ko lang siya" simple kong sagot dahil iyon naman ang totoo.

Magtatanong pa sana sila nang muli ng magsalita si Sir Soren para patahimikin ang klase at para ipagpatuloy ang kaniyang pagtuturo.

Natapos ang klase namin na lutang ang isip ko and its all because of Axel, because his making my life complicated and I hate him for that.

Matapos ang lesson ay nagtungo na kami sa training room at ngayon ay kasama namin ang apat na estudyanteng kabilang sa upper high class. The infamous quadro, but they are here not to train but to watch us.

"Baka mamaya sitahin tayo niyang ni Amber" nag-aalalang saad ni White. So, pakilamera rin pala siya?

"Hayaan nalang natin siya para makaiwas sa gulo" paalala naman ni Black.

"Let's start, isipin nalang natin na wala sila dito. Do you want to learn how to make a kunai?" Tanong ko sa dalawa at agad nagliwanag ang mga mukha nila.

I learned that making a weapon by the use of our power is not an easy task kaya ganoon nalang ang paghanga nila nang makagawa ako ng hindi lang isa kundi maraming shuriken noong nakaraang linggo.

"Ang swerte namin at magaling ang kaibigan namin" masayang sabi ni White na nginitian ko naman.

I didn't know until now that this white hair girl is super lovely and didn't know until now that Black is a serious type of person most of the time, sadyang masyado lang siyang masaya ng una kong pagdating dito.

"Sabay nalang natin subukan, you know naman ang itsura ng kunai diba?" tanong ko na sinagot nila nang pagtango.

Pumwesto kaming tatlo bago sinumulan magpakawala ng enerhiya. Nang unti-unti ng lumalabas ang mga enerhiya na galing sa katawan namin ay sinimulan kong magbigay ng instructions.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now