Target [EDITED]

250 7 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Tahimik na naglalakad si Axel papunta sa opisina ng mga head ng Magical World at hindi rin naman nagtagal ay narating niya na ito. Kumatok siya bago tuluyang buksan ang pintuan ngunit pagtapak palang ng kaniyang paa sa loob ng kwarto kung nasaan ngayon si Luna, Lily, Soren at Sean ay nakarinig sila ng isang malakas na pagsabog na nagbigay nang kaba sa kanilang lahat. Sa ngayon ay iisang tao lang ang iniisip nila.

"Si Mary!" Sigaw ni Luna na ngayon ay hindi na mapakali dahil sa hindi niya alam kung napano na ngayon ang anak niya na kasalukuyang nag-iisa.

Mabilis na tumakbo palabas si Axel para muling bumalik sa pinanggalingan niya ngunit sinalubong siya nang sirang gusali ng dormitoryo kung nasaan si Mary.

"Shit!" Mahinang daing ni Axel, tanaw niya ang sirang gusali na ngayon ay pupuntahan niya ngunit hindi niya natuloy ang kaniyang binabalak nang harangan siya ng mga hindi kilalang tao na nakasuot ng maskara.

Walang napagpilian si Axel kundi labanan ang mga ito.

Sa kabilang banda naman ay napuno na ng mga hindi kilalang tao ang Magical Academia na nilalabanan ng mga estudyante na pinangungunahan ng upper high class na sina Tristan, Amber at Amy.

Patuloy ang labanan na nagaganap sa pagitan ng estudyante ng Magical Academia at ng mga sumugod na estudyante ng Enchanted Academia.

Matapos umalis ni Axel sa opisina kung nasaan sina Luna ay ang pagdating ng hindi mabilang na taong nakamaskara upang sila'y kalabanin at mapigilan sa pagtulong sa estudyante ng Magical na ngayon ay nakikipaglaban din.

Sa bawat parte ng Academia ay makikita ang walang humpay na laban sa pagitan ng Magical at Enchanted.

Matapos sabihin ng hindi kilalang babae na war ang nais ng Enchanted ay bigla nalang itong naglaho kahit na hindi naman siya nakikita ni Mary.

Ang kaninang kagubatan na kinaroroonan ni Mary ay napalitan na ng isang mahabang pasilyo. Nagtataka man siya ay sinimulan niya nang lakadin ang mahabang pasilyo na kinaroroonan niya.

Habang nagmamadali siya sa paglalakad ay rinig niya ang pagsabog na nagaganap sa hindi kalayuan at ramdam niya rin ang pinaghalong enerhiya ng mga taong ngayon ay naglalaban laban.

"Damn it! Alisin mo ang ilusyon na ito'!" Hindi na naiwasan ni Mary ang sumigaw dahil narin sa ilang minuto na siyang naglalakad sa walang katapusang pasilyo na kinaroroonan niya.

Habang patuloy na naglalakad at pinakiraramdaman ang buong paligid ay hindi maiwasan ni Mary na mag-isip nang kung ano-ano.

"Why? Bakit sumugod kayo kung kailan tapos na ang oras na ibinigay sainyo!"

"Akala ko ay ligtas na sila. Akala ko ay wala ng malalagay sa kapahamakan nang dahil sa akin"

"Kailangan kong makawala sa ilusyon na ito para mailigtas ang mga taong pilit akong pinoprotektahan"

Huminto sa paglalakad si Mary at sinubukang patayin ang enerhiya ng taong may gawa ng ilusyon na kinaroroonan niya ngunit hindi siya nagtagumapay.

"Isipin mo muna kung paano ka makakawala sa ilusyon na iyan bago mo patayin ang kapangyarihan ko" muling narinig ni Mary ang boses ng babaeng kanina niya pa gustong makita.

Hindi nakasagot si Mary sa sinabi ng babae dahil sa totoo lang ay wala siyang kaalam alam kung ano ba ang dapat gawin para makawala sa ilusyon na kinaroroonan niya ngayon dahil kahit isang beses ay wala pa siyang nabasa tungkol sa kung paano ba nakakawala sa isang ilusyon ang napasailalim sa kapangyarihang ito.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now