Declaration of War [EDITED]

255 7 0
                                    

MARY'S POV

Kinabukasan ay maaga akong lumabas ng hospital at bumugad sa akin ang mga nakakalat na estudyante ng buong Academia, nagtataka man ay wala naman akong mapagtanungan dahil mag-isa lang akong lumabas ng hospital. It's only 5 in the morning at wala naman akong kasama sa hospital buong gabi dahil matapos kong malaman kay Axel ang 24 hours na pag-aantay sa sagot ng Enchanted ay umalis nadin siya para magpahinga and speaking of 24 hours ay limang oras na ang nakakaraan mula magsimula ang bilang ng oras para sa pag-aantay sa sagot ng Enchanted.

Nang makarating sa kwarto namin ni Black ay tahimik akong pumasok dahil naabutan kong natutulog pa siya.

Pinili kong mahiga sa kama ko at muling magpahinga, pakiramdam ko kasi ay ano mang oras ay may pagsugod na magaganap mula sa Enchanted.

Lumipas ang isang oras na nakahiga lang ako at nakatingin sa kisame ay siyang paggising ni Balck.

"Nakalabas kana pala ng hospital" saad niya.

"Tumakas ako" sagot ko na nagpalaki nang kaniyang mata.

"What?!" Sigaw niya.

"I'm fine na Black hindi ko na kailangang manatili pa sa hospital at humiga lang doon kailangan niyo din ako dito para sa paghahanda kung sakali man na sumugod ang Enchanted"

"Pero mas importanteng nandoon kalang, isa pa ay mas ligtas ka doon kumpara dito" sagot niya na inilingan ko.

"Mas makakampante ako kung kasama ko kayo at saka kung susugod man ang Enchanted at kuhanin ako ay hindi niyo naman ako pababayaan hindi ba?" Tanong ko na mabilis niyang sinagot.

"Syempre naman Mary,we will not allow them to hurt and get you" nakangiti niyang sagot.

Nagpaalam si Black na maliligo na kaya naman naisipan kong pumunta muna sa balkonahe ng kwarto namin.

Ano kaya ang mangyayari kung sakali mang sumugod sila? Makakaya ko kayang protektahan ang lahat ng mga estudyante sa Academia? Hindi ko hiniling ang kapangyarihan na tinataglay ko at hindi ko rin ginusto na maging dahilan ito nang muling pagkakaroon ng gyera sa mundong ito. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit ako? Bakit ang kapangyarihan ko pa ang gusto ng Enchanted? Kung tutuusin naman ay they are powerful enough to fight with this Academia, masakit mang sabihin ito pero nagawa nga nilang talunin at paslangin ang papa ko.

"Tapos na ako Mary! You're turn!" Pinunasan ko ang luhang tumakas sa mata ko bago pumasok sa loob.

Dumeretso ako sa comfort room para maglinis ng katawan at magsipilyo.

I don't really understand what's happening. I don't understand a thing kung bakit ganoon nalang ang galit ng Enchanted para kalabanin ang Magical, is it because of what happened to Lucas? Or just their grieve to become the most powerful in the Magical World?

***************

Ngayon ay papunta na kami ni Black sa gate ng Academia kasama si White dahil sila naman daw ang magbabantay.

"We're fine here na Mary punta kana muna kina Axel or kay Master Luna" saad ni White na inilingan ko.

"Samahan ko na kayo rito, dalawang oras lang naman kayo magbabantay hindi ba?"

"No, mas magiging safe ka kung wala ka rito Mary" sagot ni Black.

Sasalungatin ko pa sana sila ng marinig ko ang tinig ni Amber.

"You're safety is the number one priority this time, mas makakatulong kapa kung makikinig ka nalang sakanila"

Tinignan ko siya pero wala na sa amin ang atensyon niya at kinakausap niya na ang ibang nagpapatrol sa buong Academia.

Magical Academia ✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat