Message [EDITED]

297 8 0
                                    

MARY'S POV

Nagising ako na mabigat ang katawan, sinubukan kong umupo sa kama pero hindi ko magawang maigalaw ang aking katawan.

Wala akong masyadong maalala sa nangyari, pakiramdam ko ay para bang may nabawas na memorya sa aking isipan.

Inilibot ko ang aking paningin at ngayon ko lang napagtanto na nasa hospital nanaman ako. Ilang beses na ba akong napunta sa lugar na ito mula ng mag-aral ako rito? I can't even count.

Bumukas ang pintuan at pumasok si mama.

Nag-aalala niyang mukha ang bumugad sa akin.

"Ilang araw nanaman akong tulog ma?" Inunahan ko na siya sa pagtatanong.

"8 hours nak" sagot niya, akala ko ay ilang araw nanaman ako na nakahiga sa kamang ito nang dahil sa paggamit ng aking kapangyarihan.

"Ano nga palang nangyari ma?" Tanong ko na ngayon ay tinutulungan na ni mama sa pag-upo.

"Hindi mo ba naaalala?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ang naaalala ko lang ay may pag-atakeng nangyari sa Academia pero ang dahilan kung bakit ako nandito at kung ano ang nagyari paglabas ko ng office mo ay hindi na"

"Masyado mong pinuwersa ang sarili mo, you used too much power at nakaapekto na ito sa memorya mo" malungkot na sagot ni mama.

"Bakit? May ganon ba ma? Naaapektuhan ang memorya?" Naguguluhan kong tanong dahil sa totoo lang ay wala akong maintindihan sa nagyari sa akin at sa sinasabi ni mama.

"You have the rare type Mary and you need to be careful of using your power. Using too much power na hindi kayang i-handle ng katawan mo ay makakaapekto sa memorya mo, unang beses mo palang ito na gamit nang ganoon kalakas at sa pagkakataon na ito ay iilang memorya mo lang ang nawala pero kung sobra-sobra na ang gagawin mo na hindi na makakayanan ng katawan mo ay pwede itong magdulot nang pagkawala ng iyong memorya simula ng mapunta ka sa lugar na ito"

"Wala akong maintindihan ma" Naguguluhan kong saad.

"Alam mo naman na ang rare type ang pinakamalakas na kapangyarihan hindi ba? At kaakibat ng kapangyarihan na iyan ang pagkawala ng memorya kung hindi mo ito makokontrol"

"Ano bang ginawa ko kagabi ma?"

"You shut down all our aura. Wala ni isa sa Academia ang nakagamit ng kapangyarihan"

Matapos itong sabihin ni mama ay tila bumalik sa aking ala-ala ang lahat ng nangyari kagabi. Ang paglaban namin kay Levi, ang pagdating ni Axel at Tristan, ang tungkol sa kanilang pagkakaibigan kasama ang kambal ni Levi at ang pagsigaw ko kasabay nang paglabas ng halos lahat ng enerhiya at hangin sa aking katawan.

"May kailangan akong asikasuhin, papunta na rito ang mga kaibigan mo para bantayan ka" lumabas si mama matapos niya itong sabihin.

Tahimik akong nakaupo sa kama at sinubukan kong igalaw ang aking mga braso at sa pagkakataong ito ay malaya ko naman itong nagalaw at unting sakit nalang ang nararamdaman ko.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang nag-aalalang mukha nina Black at White.

"Ok kana ba?"

"Hindi mo padin ba nagagalaw ang katawan mo?"

Tanong nila.

"Nagagalaw ko na naman kahit papano"

"I will heal you, mahiga kana muna" inalalayan ako ni Black na makahiga.

"Nagagamit niyo na ang kapangyarihan niyo?" Tanong ko.

"Isang oras matapos kang mawalan ng malay ay bumalik ang aming kakayahan sa paggamit ng kapangyarihan. Hindi ka agad nagamot dahil nadin sa hindi namin magamit ang kapangyarihan namin" sagot ni White.

Magical Academia ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon