Lucas [EDITED]

220 8 0
                                    

MARY'S POV

"Lucas" mahinang pagtawag ni Levi sa kambal sa hindi makapaniwalang tono.

Tinapunan siya ng tingin ni Lucas bago inilibot ang kaniyang paningin at nang tumama ang kaniyang tingin kay Tristan ay ngumiti ito at saka muling ipinagpatuloy ang paglibot ng kaniyang pagtingin at sa pagkakataon namang ito ay nanatili ang kaniyang seryosong tingin kay Axel.

Shocked are visible on everyone's face dahil nakikita nila ngayon ang taong akala nila ay matagal ng patay.

"Paano?" Naguguluhang saad ni Axel. Mahinang tumawa si Lucas dahil sa itinanong ni Axel.

"Why Axel? Are you not satisfied that your friend is alive?" Tanong ni Lucas habang lumalapit sa direksyon namin ni Axel.

"You're not Lucas, matagal ng patay si Lucas" siguradong sagot ni Axel na muli ay nagpatawa kay Lucas pero sa mas malakas na boses kumpara kanina.

"I'm not dead Axel, I'm here, in front of you alive and breathing. Hindi niyo man lang ba sasalubungin nang maayos ang kaibigan niyo?" Saad ni Lucas na ibinaling ang tingin kay Tristan at sa kambal niyang si Levi.

Hindi nakapagsalita si Axel, Tristan at Levi dahil halata parin sa kanilang mukha ang pagtataka at bukod doon ay halata namang hindi sila naniniwala na buhay si Lucas kahit na nasa harapan na nila ito.

Lumipat ang tingin ni Lucas sa akin nang hindi sumagot ang mga kaibigan niya.

"You're Taylor?" Tanong niya.

"Don't call her Taylor" singit ni Axel.

Ngumisi si Lucas dahil sa sinabi ni Axel.

"Why? Ikaw lang ba ang may karapatang tumawag sakaniya ng Taylor?" Tanong niya sa nakakalokong tono, bahagya siyang lumapit sa akin kaya naman inilayo ako ni Axel at ini-pwesto sa likod niya.

"You can't fool me, you're not Lucas" seryosong saad ni Axel.

Nawala naman ang ngiti sa labi ni Lucas nang dahil sa sinabi ni Axel.

"Enough with your talk Lucas, come here we need to kill them just like how they killed you" utos ni Matilda, agad namang sumunod si Lucas sa sinabi niya.

Ngayon ay nasa harapan naming lahat si Matilda, Lucas at Levi at ang mga lobong nasa likuran nila.

"Ma, let's stop this. Lucas is alive wala na tayong dahilan para makipaglaban pa" pakiusap ni Levi.

Nabigla ako nang sampalin siya ng kaniyang ina.

"Nababaliw kana ba Levi! Nandito na tayo! Hindi kita tinuruan para maging mahina! Gayahin mo ang kapatid mo!" Sigaw ni Matilda kay Levi.

Itinaas ni Levi ang kaniyang ulo para tignan si Matilda, ngayon ay kakikitaan ng hinanakit ang mga mata ni Levi.

"Sinunod kita sa lahat ng gusto mo ma, I followed all your orders para lang mapansin mo ko. Sa loob ng mahabang panahon na tayong dalawa lang ang magkasama ay puro si Lucas padin ang bukang bibig mo! Am I really your son?" Buong tapang na saad ni Levi.

Nagulat si Matilda sa sinabi ni Levi pero agad niya ring inalis ang emosyon sa kaniyang mukha. Iniwas niya ang tingin kay Levi.

"Bro, calm down. Let's finish them all para maging ayos na ang buhay natin ni mama" saad ni Lucas habang tinatapik ang balikat ni Levi.

Muling humarap si Matilda kay Levi.

"Let's finish this fight son, pagkatapos nito ay babawi ako sa'yo" saad niya kay Levi sa nakangiting mukha.

Pinanood ko ang reaksyon ni Levi, ang kaninang malungkot niyang mukha ay bahagyang napalitan ng pagngiti.

"For you mom, I will fight" mahinang sagot ni Levi.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now