Escaped [EDITED]

228 11 0
                                    

MARY'S POV

Hindi ko na masyadong maigalaw ang katawan ko dahil sa panghihina, naghahalo na ang sakit at kirot na dumadaloy sa buo kong katawan buhat ng mga sugat na natamo ko kasama na rin ang lason na ngayon ay kumakalat na sa katawan ko, sinilip ko ang tagiliran ko na kanina ay natamaan ng kutsilyo. Nakita ko rito ang itim na unti unting gumagapang sa buong katawan ko.

"Ahhh" napadaing ako nang sakalin ako ni Matilda gamit ang kaniyang kamay.

Ngayon ay nakalutang na ang mga paa ko, pinipilit kong kumawala sa pagkakasakal niya ngunit masyado nang mahina ang katawan ko.

"Sa akin ang kapangyarihan mo!" Saad niya bago muling simulang ibuka ang bibig niya at ang bibig ko.

Katulad kanina ay unti-unti ko nang nakikita ang paglabas ng aking kapangyarihan mula sa aking bibig pero sa pagkakataong ito ay tila bumabaligtad ang sikmura ko at tila pinipiga ang puso ko habang patuloy na lumalabas ang aking kakayahan.

Hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman dahil sa ginagawa ni Matilda, nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko na tila ba gusto nitong makawala sa pagkakapiga na nararamdaman niya. Nanlalabo na ang aking paningin kaya hindi ko makita kung napunta naba kay Matilda ang ilan sa mga kapangyarihan kong lumalabas galing sa bibig ko.

Hindi tama ang nangyayari ngayon, gusto ko siyang pigilan dahil mali kung makuha niya ang kapangyarihan ko pero wala na akong lakas at ngayon ay nararamdaman ko na ang unti-unting pagbagal ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay mawawala na ang aking paghinga.

"Any last word bago ka mamatay" hindi ko man nakikita si Matilda habang sinasabi niya ang mga salitang iyan pero sigurado akong masaya siya sa nangyari ngayon.

Katapusan ko na nga ba?

Pinilit kong imulat ang nakapikit kong mata at kahit na hindi ko siya makita ay pinilit ko paring magsalita.

"Hindi mo ko mapapatay"

Hindi niya ako pwedeng mapatay, hindi pa ngayon, kailangan pa ako ng Magical World, kailangan pa ako ni mama at ng Magical Academia.

"Axel" I call his name, he said that if I needed him I just need to call his name.

Sa pagbanggit ko sa pangalan ni Axel sa aking isipan ay ang pagyanig ng buong lugar dahilan nang pagkakabagsak ko.

"Nandito na ang mga taga Magical Academia" saad ni Levi.

"Bantayan mo ang babaeng iyan!" Galit na sigaw ni Matilda.

Patuloy lang akong nakapikit at nakahiga sa malamig na sahig habang patuloy sa pagyanig ang buong lugar, hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kaya naman kahit hinang hina na ako ay pinilit kong imulat ang mga mata ko.

Wala na si Matilda sa harapan ko at tanging si Levi nalang ang kasama ko.

Nakatingin lang siya sa akin ng ilang minuto bago ako talikuran at iwan dito ng mag-isa.

Anong ibig sabihin ng ginawa niya? Pinapatakas niya ba ako?

Inalis ko ang mga tanong sa aking isipan at pinilit na makatayo, ramdam ko pa ang mahinang pagdaloy ng aking kapangyarihan kaya naman nasisiguro kong taglay ko pa ang aking kakayahan.

Mabagal akong naglakad palabas at tinahak ko ang pasilyong aking nadaraanan, pakiramdam ko ay ano mang oras ay babagsak na ako at mawawalan ng malay.

Patuloy ang pagkakagulong nagaganap at nagpapasalamat ako dahil wala akong nadadaanang kahit sino para pigilan ako sa pagtakas dahil hindi ko alam kung makakayanan ko pang lumaban.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now