Epilogue [EDITED]

449 14 0
                                    

MARY'S POV

I'm standing on top of the building here in Magical Academia feeling the fresh cold air hugging my body.

This is my hobby, standing here at the rooftop watching all the people of the Academia from above trying to remember all the things that I forgot.

My mama and friends keep on saying things that I don't even remember but still here I am wondering if I can remember those good and bad things that happened on my pass.

"Sabi na nga ba at nandito ka nanaman eh" My friend White said together with Black.

I looked at them and smile. They are my best buddies.

"May naalala kana ba?" Black asked.

"Wala padin" malungkot kong tugon.

"It's ok, makakaalala karin. We will wait" White said smiling.

"Sinilip kalang namin, may training pa kaming kailangang tapusin mamaya nalang ulit" paalam ni Black.

I waved my goodbye at them. Muli kong tinanaw ang malawak na lugar ng Academia.

Black is my roommate and before we sleep every night she will tell me a story about me and our relationship. Halos paulit ulit na ang kinu-kwento niya gaya nalang kung gaano ako kalakas pero kahit anong gawin ko ay wala akong maalala.

And about White, she will always greet me using her ice power, she will hold my hand every time na papasok ako sa room para palamigin ang buo kong katawan, ang sabi niya ay ganoon daw ang pakilala na kaniyang ginawa noon. I let her do it kahit na kaya ko naman itong iwasan.

"What are you thinking?" Sir Soren asked.

Tinignan ko siya at kasama niya si Miss Sean, masyado atang malalim ang iniisip ko kaya hindi ko sila napansin.

"How are you?" Tanong naman ni Miss Sean.

"I'm fine trying to remember everything but still, I can't" I answered.

Tinapik ni Sir Soren ang balikat ko.

"Makakaalala karin Mary" nakangiti niyang saad, pareho silang nakangiti ni Miss Sean.

"Pipilitin ko kayong maalala" sagot ko na nakangiti narin.

Nagpaalam na sila, sinilip lang daw nila ako para malaman kung ok lang ba ako. Lahat sila ay ganiyan, biglang susulpot para tanungin kung ok lang ba ako o kung may naalala na ba ako.

Pinanood ko silang umalis.

Naalala ko ang mga kwento ni Miss Sean kung papaano ako magmakaawa sakaniya para sagipin si mama noon pero ang sabi niya para raw akong nag-uutos.

Hindi rin nawawala sa isip ko ang kwento ni Sir Soren na kung gaano ako gumawa nang malaking gulo tuwing may training kami.

They are both laughing while telling me that story of mine, gusto ko ng makaalala para makatawa narin ako ng gaya nila.

Huminga ako nang malalim bago muling tumanaw sa malayo nang marinig ko ang ingay ng boses ni Tristan.

"Mary! Mary!" Nakangiti niyang pagtawag. Humarap ako sakaniya na kasama rin sina Amy at Amber.

"Wala ka pading naalala?" Tanong ni Amy.

I shake my head to answer her question.

"Na mimiss kana ni Axel, gustong gusto mo talaga siyang pahirapan ano" mataray namang saad ni Amber.

Bahagya akong natawa sakaniya dahil narin sa pagtawa ng dalawa pero inirapan niya lang ako.

"Fighting Mary!" Saad ni Tristan.

Magical Academia ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon