Attack [EDITED]

310 10 0
                                    

MARY'S POV

Sinalubong ng mga mata ni mama ang aking tingin, seeing her standing there makes me wants to cry. I don't know what to feel, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil nakikita ko ngayon si mama na ligtas o dapat ba akong matakot dahil sa katotohanan na nandito si mama, na madadamay siya sa gulong maaring mangyari.

Hindi ko na pinansin pa ang mga gulat na mukha ng mga taong nakarinig sa sinabi ko at sinimulan ko nang maglakad papalapit sa stage, papalapit kay mama.

Sa mga oras na ito ay isa lang ang nasa isip ko na kahit ano pa man ang mangyari ay masaya ako na nakikita ko ngayon si mama.

"Taylor" dinig ko ang pagtawag ni Axel nang madaanan ko ang gawi nila pero hindi ko siya nilingon.

Patuloy akong umakyat sa stage at mabilis na tumakbo papalapit kay mama.

I hugged her. I missed my mama so much.

"Siya na ba ang anak mo Luna?" Tanong ni Master Lily.

"Ang ganda niya hindi ba?" Sagot ni mama.

Nilapitan naman kami ni Master Lily, bahagya niyang ginulo ang buhok ko.

"Masaya ako na ikaw ang may hawak ng rare type" nakangiti niyang saad sa akin.

Gusto ko ring ngitian si Master Lily pero hindi ko magawa, ang mabiyayaan ng ganitong kapangyarihan ay hindi ko ikinasasaya dahil alam kong pwede silang ilagay nito sa kapahamakan.

"You're a good person Mary, karapat dapat lang na sayo napunta ang rare type" dagdag pa ni Master Lily.

Nang maalala ko na nasa harapan pala kami ng buong Magical Academia ay kumalas na ako sa pagkakayakap ni mama.

"Madami kang dapat sabihin sakin mama" nakanguso kong saad.

Nginitian niya naman ako at tinanguan, nagsimula na akong maglakad pababa ng stage. Bahagya akong yumuko kay Sir Soren at Miss Sean upang humingi ng paumanhin sa nangyari.

Hindi na nila ko pinababa at nagsimula naring magsalita si Master Lily.

"I know that you are all aware of what might happen but still we want to inform you that you need to be ready for the possible war. Kilala niyo ang mga taga Enchanted Academia ngayong dumating na ang taong may pinakamalakas na kapangyarihan ay muli silang kikilos para sa paghihiganti na matagal na nilang pinagpaplanuhan"

"Don't worry, we will be here for all of you. Hindi man namin masisiguro ang kaligtasan ng lahat dahil sa dami niyo pero handa akong manguna para lumaban sakanila. I will protect this Academia even it will cost my life" makapangyarihang saad ni mama.

Natapos ang pagpupulong na wala akong masyadong naintindihan dahil tumatak na ang sinabi ni mama sa akin. She's willing to sacrifice her life for these people.

Sumama ako kay mama kasama si Master Lily, Sir Soren at Miss Sean.

"Kausapin ko muna ang anak ko" paalam ni mama nang makarating kami sa opisina ni Miss Sean.

Tahimik kaming nagtungo ni mama sa opisina sa tabi ni Miss Sean at doon ay nakita ko ang tatlong lamesa kung saan nakalagay sa bawat isa ang pangalan ni Master Lily, mama at Master Liam.

Nakita ko rin ang litrato sa mga ito na nagpatulo ng mga luha ko. Kaya pala noong binabanggit ang pangalan na Liam ay may kung anong kirot akong nararamdaman sa aking dibdib. Master Liam, my father.

Pinaupo ako ni mama sa couch na nasa gitna ng mga lamesa nila.

"Ma" pinunasan ni mama ang mga luhang pumapatak mula sa aking mata.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now