Power Replication [EDITED]

383 16 0
                                    

MARY'S POV

"Hey tell us where did you two go?" Pangungulit ni White.

Nasa classroom na kami dahil balik klase na ulit kami after ng anniversary na ni-celebrate kagabi.

"Iniwan mo kami nag-aalala kaya kami sayo" pangongonsensya naman ni Black.

"Sumunod nga lang ako kina Axel" sagot ko.

"Nakabalik na si Tristan kagabi pero wala padin kayo ni Axel" saad naman ni White.

"Ano nang nangyari sa inyo ni Tristan?" Tanong ko kay Black, just trying to change the topic.

"Don't change the topic Mary" sagot niya naman.

So, I think hindi na talaga ako makakatakas sa mga tanong nila.

I'm just about to answer their questions ng dumating sina Amber kasunod sina Axel.

Dumapo ang pares ng pulang mata ni Axel sa akin, nginitian niya ako na nagpaingay sa mga kaklase namin.

"Nakita ko nanaman ang ngiti ni Axel"

"Ang gwapo shit"

"Tell me I'm not dreaming"

"Ikaw ang nginitian Mary" bulong ni Black sa akin.

"Nakatitig sayo Mary" dagdag naman ni White.

Dumaan si Amber sa gilid ng upuan ko na dinaanan ako ng isang nakakamatay na tingin, si Amy naman ay nginitian ako habang si Tristan ay binati si Black.

Huminto si Axel nang makarating siya sa gilid ng upuan ko, iniwasan ko ang tingin niya dahil nahihiya ako sa mga nanonood na mata ng mga kaklase namin.

"Look at me Taylor" utos niya na hindi ko ginawa.

"Tignan mo na Mary" kinikilig na utos ni White.

Nang maramdaman kong wala siyang balak umalis ay tinignan ko na siya.

Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa aking ulo at bahagya itong ginulo.

Yumuko siya at itinapat ang mukha sa mukha ko na muling nagpaingay sa mga kaklase namin.

"Bawal PDA!" sigaw nina White at Black.

"Don't try looking away at my gaze" nakangiting saad ni Axel bago siya umalis sa harapan ko para pumunta sa upuan niya.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya, I gave him a warning look but he just smile.

"Ano iyon! Ano iyon! Ano iyon!" Kinikilig na tanong ni White habang yugyog-yugyog ang katawan ko.

"Something fishy" komento naman ni Black.

I was about to answer them nang dumating si Sir Soren.

"Sasagutin mo padin ang tanong namin mamaya" bulong ni Black.

"We would like to say sorry for what happened last night and because of what happened Miss Sean ordered us to double your training. There are high possibilities that Enchanted Academia will be back anytime and all of us should be ready if that things happens. Wala na tayong klase tuwing umaga, training na buong araw ang gagawin ninyo" mahabang paliwanag ni Sir Soren.

Matapos sabihin ni Sir Soren ang lahat nang kailangan niya ay iniwan niya na kami. Pinangunahan naman ni Axel ang pagpunta namin sa training room.

"Tell us na Mary, anong meron sa inyo ni Axel?" Excited na tanong ni White nang makarating kami sa training room.

"We spent our time on the rooftop last night" Sagot ko.

"Just the two of you?" Tanong ni Black na sinagot ko naman nang pagtango.

Magical Academia ✓Where stories live. Discover now