The Head [EDITED]

331 16 0
                                    

MARY'S POV

Hindi ako pinatulog nang nangyari kagabi kaya naman ngayon ay maaga akong pumunta sa office ni Miss Sean to tell her what happened. Gusto ko mang kagabi pa puntahan si Miss Sean ay hindi ko naman maiwanan si Black dahil hindi rin ok ang pakiramdam niya dahil narin sa nangyari.

Kumatok muna ako bago pumasok sa loob.

"Alam na nila na ako ang may hawak ng rare type" kumunot ang noo ni Miss Sean sa sinabi ko.

"Are you sure?" Tanong niya pa.

"I'm sure, and I need you to help me Miss Sean. Someone imitate Blacks mom last night and I know that they are after my mom, tulungan natin ang mama ko Miss Sean" pagmamakaawa ko.

"Kami na ang bahala sa mama mo" sagot ni Miss Sean na nagpakalma sa akin.

"Thank you Miss Sean" pasasalamat ko.

"Sigurado kaba na alam na nila na ikaw ang may hawak ng rare type?" Tanong niya.

"Yes Miss Sean, they used the image of Blacks mom pero sa akin nakatingin ang katawan ng gumaya sa mama ni Black. Nakita ko pa ang pagngisi nito, sigurado ako na isang warning ang ibig sabihin noon. They are after my mom" pagpapaliwanag ko.

"Can I talk to my mom?" Tanong ko pa.

"Huwag na muna Mary, magpapadala nalang kami ng sulat sa mama mo"

"Sulat? Hindi maililigtas ng sulat ang mama ko" hindi ko naitago ang inis ko dahil sa pag-aalala kay mama.

"Calm down Mary, believe me walang mangyayari sa mama mo"

Bumuntong hininga ako sa sinabi ni Miss Sean.

"May tiwala ako sayo Miss Sean" seryoso kong saad.

Lumabas ako ng office ni Miss Sean na may bigat sa dibdib. I want to save my mom, delikado sa Enchanted Academia at hindi ako makakapayag na mapunta roon si mama.

Dumeretso ako sa training room kung nasaan ngayon nag-eensayo ang mga kaklase ko. Naabutan ko sina White na nag-eensayo na at ganon din ang grupo nila Tristan, inilibot ko ang mata ko pero hindi ko nakita si Axel. Siya pa naman ang pinunta ko rito.

"Mary! Kanina kapa namin hinihintay" bati ni White nang makalapit ako sakanila.

"Nakausap mo na ba ang mama mo?" Tanong naman ni Black. Nag paalam ako sa kaniya kanina na mauna na siya sa pagpasok dahil dadaan pa ako sa office ni Miss Sean kung saan pwede kong makausap si mama.

"Oo" pinilit kong ngumiti, nag-aalala ako kay mama pero hindi ko naman pwedeng idamay ang mga kaibigan ko sa nararamdaman ko.

"Ok kalang ba? Ang putla mo" nag-aalalang tanong ni White.

"I'm fine" nakangiti kong sagot.

"Pumunta kana kaya sa clinic Mary, ihahatid kana namin" aya ni Black na sinagot ko ng pag-iling.

"Ok lang ako uupo nalang muna ako maya-maya na'ko mag-eensayo" sagot ko.

Nang makita nila na hindi nila ko mapipilit ay hinayaan nalang nila ako, bumalik na sila sa pag-eensayo at dumeretso naman ako sa gilid para umupo pero hindi pa man ako nakakaupo ay naramdaman ko ang paghawak ng isang mainit na kamay sa kamay ko.

Gusto kong maiyak nang makita ko ang mga mata ni Axel. Gusto kong magsumbong sa kaniya.

"You're not ok dadalhin na kita sa clinic" I let him, nakasunod lang ako sa kaniya habang papunta kami sa clinic.

Sinabi lang ng nurse na kulang ako sa tulog kaya matamlay ako but Axel insisted na magpahinga muna ako sa clinic kaya ngayon ay nakahiga ako sa isang bed dito sa clinic habang siya ay nakabantay sa akin.

Magical Academia ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon