Chapter 03

20K 502 12
                                    

Chapter 03

Ang boring ng mga sumunod na araw, puro exams lang kasi since malapit nadin ang sembreak. Ang bilis lang ... parang kailan lang noong nag-enroll ako dito tapos ngayon magse-sembreak na naman. Hindi ko na naman alam ang gagawin ko sa buhay ko. Nagba-bakasyon naman kaming pamilya minsan sa iba't-ibang lugar pero minsan ayoko ding sumama. Lagi nalang kasi akong out of place. Alam ko namang mahal ako ng parents ko pero iba kasi talaga ... parang hindi pantay lagi iyong pagma-mahal, parang laging sakin lang iyong tira.

Naglalakad kami sa corridor ngayon at katatapos lang naming magpa-pirma ng clearance. Kailangan kasi 'to sa amin every end of semester. Nahirapan pa nga kami kasi hindi namin mahanap iyong ibang Prof, para kasi silang mga mushroom na lulubog-lilitaw minsan pero hindi naman ako nagsi-sisi na nag-enroll ako dito kasi napaka-galing din talaga nilang mag-turo.

Never kong na-enjoy mag-aral noong high school pero ngayon nae-enjoy ko talaga, siguro kasi ito talaga iyong pangarap ako. Alam ko na ile-lead ako nito sa dream profession ko kaya kahit minsan na nagi-guilty ako kasi ayaw 'to ng parents ko para sakin, hinahayaan ko nalang. This thing will make me happy, ayaw kong mag-settle sa gusto nila. Gusto ko ding sundin kung ano man iyong gusto ng puso ko.

"Gusto kong uminom, tara mag-bar tayo." Biglang aya ni Kams sa amin ni Zivs. Sumingit sya sa gitna namin tapos inakbayan kaming dalawa.

Sobrang na-istress siguro kasi ayaw pirmahan ni Ms. Carlos iyong clearance nya kasi panay bagsak nya sa quizzes. Medyo lutang din kasi 'to lately, e ... parehas sila ni Zivs, nagtataka tuloy ako.

Si Kamila kasi alam ko namang may Blaze sa buhay nya kasi si Kams iyong tipo ng tao na vocal sa lahat ng bagay pero si Zivs wala naman syang naikwento na may someone sya para ma-distract sya latety atsaka sabi nga ni Kams na never magkaka-boyfriend si Zivs kasi nga patay na patay yan kay Ricci pero nitong mga nakaraang araw palagi nalang syang busy sa cellphone nya.

It's just weird kasi para sya laging may ka-text kahit alam ko naman na hindi mahilig mag-cellphone ang parents nya pwera nalang if may other group of friends si Zivs na hindi namin alam. Ewan, curious lang naman ako but I don't want to dig deep. Buhay naman nila yan, e. Basta ako, kung saan sila masaya edi susuportahan ko lang sila as long as vocal sila sakin. Ayaw ko kasi iyong feeling na maiwanan nalang sa ere. Doon ako natatakot. Sila iyong tinuturing kong 'Tahanan', masasaktan talaga ako kapag pati sila iniwan ako.

"Ayoko, hindi ako umiinom" Sabi ko nalang.

Ayoko kasi talaga lalo na kung iyong bar na tinutukoy ni Kamila ay iyong sa kulob at maingay. Ayoko kasi talaga sa sobrang ingay at crowded na lugar. Hindi ako makahinga, hanggang ngayon nga iniisip ko padin kung paano ba nakakatagal sa ganoong lugar iyong ibang tao, nakaka-suffocate kaya. Idagdag pa ang amoy ng alak at yosi or vape. My nose can't even.

"Fine ... kung hindi nyo ko sasamahan. I'll kill myself." Sabi ni Kams at mabilis na naglakad kaya naman nagtinginan kami ni Zivs bago sinundan sya, loka-loka pa naman tong isang 'to.

Ano bang pinakain ni Blaze dito at naging ganito? She became suicidal samantalang dati tinatawag nya ang sarili nyang Unbothered Queen, atsaka ilang beses nya kayang sinabi na hindi nya magugustuhan si Blaze pero ngayon kung maka-akto parang mababaliw na. Heartbroken ba sya? ang OA naman nya kung magpapakamatay sya dahil lang sa love.

Ewan ko ba, frustrating ata siguro talaga ang love. Everyone around me na may lovelife, mukhang frustrated, e. Minsan iniisip ko na scam lang ata talaga iyong mga sweet couples na nakikita ko sa internet, iyong tipong inlove na inlove sa isa't-isa tapos bigla nalang malalaman mo na nag-cheat na iyong isa sa kanila.

Some relationship can really inspire you ... to be just single, forever.

Hinayaan lang naming uminom si Kamila. Magkatabi lang kami ni Zivs habang tinititigan syang ubusin lahat ng alak na inorder nya. Napapapikit ako sa ingay, ayoko sa sobrang maingay. Napapatakip na nga ako sa tenga ko kasi feeling ko anytime talaga ay mababasag na iyong eardrums ko.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon