Chapter 20

15.7K 364 25
                                    

Chapter 20

"Magpahinga ka muna, by tomorrow dadalhin kita sa OB para makapagpa-check up ka." Sabi ko kay Tianna habang nilalagyan sya ng kumot, dinala ko sya dito sa unit ni Juan.

Halos ilang minuto din bago ako naka-recover sa nangyari kanina, kung wala pang dumating na security para pigilan sila Hunter hindi pa ata ako makaka-cope up sa pagkatulala dahil sa mga narinig ko.

"Hindi ka galit sakin, Ate?" Tanong nya, ngumiti ako nang malungkot sa kanya.

"Bakit naman ako magagalit?" Sagot ko, she needs me now. Uunahin ko pa ba ang galit ko?

"Ako iyong kumuha ng alahas ni Mama at inilagay iyong iba sa cabinet mo para ikaw ang sisihin, pinalayas ka nila dahil doon tapos ngayon malalaman mo na binigay ko lang sa boyfriend kong ginagago lang ako tapos buntis pa ko, Ate." Sagot nya naman na parang maiiyak na, I tap her head. She's still a baby pero ngayon magkaka-baby na din sya, time flies so fast.

"Don't stress yourself, okay lang ako. You need to rest para maging healthy ang baby mo." Sabi ko sa kanya. She's not lying when she said she's pregnant medyo lumalaki nadin kasi iyong tiyan nya na hindi namin agad nahalata kasi lagi naman syang naka-oversized shirt kapag nasa bahay lang sya, aalis na sana ako pero nagulat ako nang biglang niyakap nya ako nang mahigpit at umiyak lalo doon.

"Sorry, Ate. Sorry kung sobrang sungit ko sayo. Sorry kung ang dami kong kasalanan sayo, Sorry ... dapat kinamumuhian mo na ako ngayon kasi hindi naman ako naging mabuting kapatid sayo, pero nandito ka pa din para tulungan ako. Sorry sa lahat Ate." Sabi nya, naramdaman kong may tumulong luha din mula sa mata ko kaya pasimple kong pinunasan iyon.

"Tulog ka na ... Bibili lang ako ng pagkain. Do you crave anything?" Sabi ko, umiling sya kaya bumitaw na ako sa kanya at lumabas na.

Pinunasan ko ang mga luha pa na tumulo sa mata ko. I just didn't saw it coming, that my sister will experience this kind of pain. Alam mo iyon ... Babies might be a blessing but their father could be your worst nightmare and looking at Axel at sa mga pinagsasabi nya kanina sa kapatid ko. Gusto ko syang sapakin once na makasalubong ko sya, pasalamat sya at nawala talaga ako sa ulirat ko kanina.

Bumaba ako para bumili ng pagkain sa may restaurant sa baba na open 24/7 tapos dumaan din ako sa convenience store sa tabi non para bumili ng snacks para kay Tianna, pagpasok ko nakita ko si Hunter na kumakain ng cup noodles sa may table sa tabi ng glass wall. Hindi nya ako napansin, pinanuod ko lang sya saglit at nakita ko iyong sugat nya sa labi nya. I sigh ... pati sya tuloy nadamay.

Bumili ako ng cold compress atsaka ng band aid kasi meron din syang gasgas sa pisngi nya, tapos napangiti ako nang may makita akong mochi kaya kumuha ako non pati ng gatorade. Umupo ako sa tapat ni Hunter na ikinagulat nya.

"Ngayon ka palang kumakain? you should have told me para pinagluto kita, hindi healthy ang cup noodles." Sabi ko sa kanya, almost 11:00 PM na kasi. He just look at me as if hindi sya makapaniwalang nasa harapan nya ako.

Inilabas ko iyong mga binili ko.

"Gatorade, para sa energy mong nawala kanina. Mochi, thank you sa pag-save samin ng kapatid ko ... siguro kung wala ka doon, nasaktan na kami ng lalaki na iyon. Tapos, lapit ka sakin." Sabi ko then hinawakan ang pisngi nya at nilapit sa akin, literal kasi na nakatulala lang sya. Chineck ko iyong sugat sa mukha nya, mas matangkad sya doon sa lalaki pero napuruhan din sya. Inilabas ko iyong cold compress at dahan-dahan dinampi iyon sa sugat nya.

"Hindi ka ba magsasalita?" Tanong ko, umiling sya.

"Just keep talking, I'll just listen to you ..." Sabi nya.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon