Chapter 06

17.3K 460 10
                                    

Chapter 06

"Anong plan mo bukas?" Tanong ni Hunter sa akin.

It took me 6 hours bago ko natapos basahin iyonh libro, ang kulit kasi ni Hunter kasi tuwing nakikita nya kung nasaang chapter na ko ay bigla syang magsa-sasabi ng mga spoilers. Ang ingay tuloy naming dalawa kasi pilit ko syang sinasaway sa ginagawa nya hanggang ito nga at inabot na kami ng Alas-siyete ng gabi. Mabuti nalang nagti-tinda din sila ng dinner dito sa coffee shop kaya naman nakakain nadin kami kahit papaano.

I checked my phone calendar nang magtanong sya and realized na sunday na pala bukas.

"Ako? baka sa orphanage ako bukas. May program kasi iyong mga bata doon kaya tutulong akong mag-assist sa kanila." sagot ko kasi every sunday, may bible study sila doon which is gustong-gusto kong attendan kasi iyong sunday talaga gusto kong ilaan para kay God. It's either I go to church or pupunta ako sa Orphanage para sumali sa bible study ng mga bata.

"Okay, sabay na tayo." Sabi nya kaya napabaling ako nang tingin sa kanya.

"We usually go there too pero since busy si Mom and Dad ako nalang muna mag-volounteer para sa Fam namin." dagdag nya.

"Okay." Simpleng sagot ko nalang.

Ang bait ni Hunter. Siguro nasa dugo talaga ng pamilya nya ang tumulong kaya sino ba ako para pigilan sya sa gusto nyang gawin?

Pag-uwi ko sa bahay, walang tao ... kahit si Tianna wala. Lately, lagi nalang syang nasa bahay ng mga kaibigan nya. Wala din kasi iyong parents ko madalas kasi nga busy talaga sa trabaho then si Ate Audrey naman, mahilig mag-travel. Sinasama nya ako minsan pero hindi naman kasi ako marunong makisabay sa trip ng mga kaibigan nya kaya dibale nalang, atsaka sure naman ako na mae-enjoy ko 'tong break kahit papano. Doon nalang muna ako sa orphanage magda-dalas.

Kinabukasan, dumaan muna ako sa grocery para bumili ng mga snacks para sa mga bata. Bumili ako ng Zest-O at biscuits, sinobrahan ko nalang iyong bilang kasi mas okay na iyon kaysa kulang then nag-tricycle lang ako papunta doon sa Orphanage since malapit nalang naman.

Pagpasok ko sa Orphanage, sinalubong ako ng mga bata. Nasa garden kasi sila kung san may playground at naglalaro sila doon. Ala-una na at pagdating ng 2:00pm magi-start na iyong bible study nila.

"Ako na dyan." Nagulat ako nang biglang may kumuha ng mga bitbit ko mula sa kamay ko at nang tinignan ko iyon ay nakita ko si Hunter.

"Kanina ka pa dito?" I asked him then tinanguan nyaa ko kaya sumabay ako sa kanya papasok sa orphanage kasi tinawag nadin nila Sister Sol iyong mga bata dahil magu-umpisa na daw iyong bible study.

Tinulungan ako ni Hunter na ayusin ang mga pag-kain. May dala din syang mga sandwich pati prutas atsaka bottled water. Ang sosyal naman nito kasi as in naka-organize sa styrofoam iyomg mga bitbit nya.

After that, naki-sit in na kami doon sa may room kung saan sila nagba-bible study.

Tahimik lang ako na nakinig. Ang topic nila today is 'Dealing with Temptation' which I find interesting kasi halos lahat naman ata ng tao nate-tempt in different ways and in different times.

I looked at Hunter nang biglang mag-ring ang cellphone na hawak nya, kaya naman pati iyong mga bata ay na-distract. Tumatawag na naman ang girlfriend nya, akala ko hindi nya iyon sasagutin pero mabilis syang tumayo at lumabas sa room. Narinig ko pa ang pagsabi nya ng hello bago sya tuluyang nawala sa paningin ko. Okay na siguro sila ... mabuti naman. Mahirap kaya kapag kaaway mo iyong mahal mo. Never pa ako nagka-boyfriend pero alam ko na kapag mahal mo ang tao, mahirap kapag may samaan kayo ng loob.

Tinawag kami ni Sister Sol kaya naman napabalik ulit ang atensyon namin sa kanya then pinagpatuloy nya na iyong sinasabi nya.

"So ayon, ano bang example ng temptasyon? kunwari si Lisa, meron syang cake na nakita sa bakery pero wala naman syang pambili. Makakaisip si Lisa ng mga bagay para makuha nya iyong cake na iyon diba? na pwedeng masamang bagay kasi nga wala naman syang pera para mabili iyon. Iyon ang temptasyon, at ang temptasyon na iyon ay kailangan nating iwasan upang hindi tayo makagawa ng masamang bagay. Tama ba?" Sabi ni Sister Sol kung saan um-agree naman ang mga kabataan sa kanya.

Nakakatuwa lang na iyong mga scenario na binibigay nila ay iyong alam nilang makaka-relate talaga ang mga bata kaya sure ako na madaming matututunan ang mga bata sa program na 'to pati nadin ako, ang dami kong aral na nakukuha everytime nandito ako.

"Ano bang dapat nating gawin kapag nate-tempt tayo na gumawa ng bagay na hindi naman dapat? una, mag-dasal tayo ... sabihin natin kay God na ilayo tayo sa temptasyon na iyon, gamitin natin ang salita ng Diyos. Magbasa tayo ng bible, mas maganda iyon. Then let's confess and repent, aminin natin ang ginawa natin kasi bago pa man natin sabihin sa kanya ay alam na nya kung ano man iyon. Let God be the center of your life, kahit anong mangyari ... para na din gumaan ang pakiramdamn natin." dagdag pa ni Sister Sol.

I agreed kasi everytime na may hindi magandang nangyayari sa akin, sa family ko, kapag masama ang loob ko at gusto kong mag-salita nang masakit sa kanila instead I offer it to God and just pray hanggang sa gumaan na iyong pakiramdaman ko.

After ng bible study, kumain na iyong mga bata. Nakabalik na din si Hunter, medyo matagal siguro silang nag-usap ng girlfriend nya. It's good to know na mukhang okay na nga sila, narinig ko kasi na matagal na ata sila. Sayang kaya iyong pinagsamahan kung maghi-hiwalay din naman.

"Kuya, basketball tayo." Narinig kong sabi ni Tan tapos kasama nya iyong iba pang batang lalaki doon na mukhang interesado din mag-basketball.

"Sige ba." Sagot naman ni Hunter tapos kinuha ang bola sa kamay nito, tumingin pa sya sakin bago sya tumayo at naglakad na sila papunta doon sa likod bahay kung saan nandoon iyong basketball court na hindi naman kalakihan.

Sumunod lang ako sa kanila, katabi ko iyong ibang batang babae tapos iyong iba nasa playground naman at nagla-laro na.

I just watch them play, ang cute lang kasi hindi pa nga umabot sa bewang ni Hunter ang mga kalaro nya. I wonder kung anong height nya? 5'5 na kasi ako pero parang lampas-balikat nya lang ata ako, kapag kasama ko sila Zivs feeling ko ang tangkad-tangkad ko pero beside Hunter feeling ko napaka-liit ko lang.

"Grabe, Ate. Ang gwapo talaga ni Kuya Hunter 'no? sana maging boyfriend ko sya." Sabi ni Angela sa tabi ko.

"Ano ka ... akin kaya si Kuya Hunter. Ako ang unang nagka-crush sa kanya, sana marunong kang pumila 'no?" Reklamo naman ni Ashley, kaya natuwa lang ako sa kanila at tinitignan kung paano sila mag-away kung sino ba talagang nauna sa kanila kay Hunter. They are still kids and it's cute knowing na humahanga sila sa tao kasi nakakahanga naman talaga si Hunter, bibihira kaya na makakita ka ng gwapo at sikat na lalaki na tumutulong sa Orphanage na ganito.

After ilang minuto nang paglalaro ay umupo na si Hunter sa tabi ko at hinayaan muna iyong mga bata ang mag-laro, hingal na hingal sya kaya naman inabutan ko sya ng bottled water na kinuha ko sa loob kanina incase na mauhaw sila.

I even lend him my handkerchief para pamunas nya sa pawis nya kasi sobra talaga syang pawis na pawis. Malinis naman iyon at hindi ko pa nagagamit, pinahiram nya din naman ako ng panyo noong nakaraan kaya okay lang.

"Thanks." Sabi nya habang pinupunasan iyong mukha nya tapos uminom ng tubig, sana may baon syang spare shirt kasi baka magka-sakit sya kapag natuyuan sya ng pawis.

"Anong oras ka uuwi?" Tanong nya, tinignan ko ang relo ko.

"Baka mga 6:00 siguro." Sabi ko sa kanya then he nod. 3:00pm palang naman.

"Ikaw?" Tanong ko pabalik.

"Uh, by 4:00pm? may party kasi iyong kaibigan namin, need to attend that." Sagot nya naman kaya tumango lang ako sa kanya.

It's his choice, ayoko namang sabihin sa kanya na mag-stay pa sya dito kasama ako kung may iba naman talaga syang plano para sa araw na 'to.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon