Chapter 32

17.5K 374 17
                                    

Chapter 32

"Happy Birthday, Kams!" Bati ko kay Kamila pagpasok ko sa venue ng birthday nya, It was a resort with an infinity pool. Sobrang ganda ... she really didn't lie when she said she wanted a swimming party. She gets what she wants, spoiled kasi nang sobra lalo na at nagi-isang anak lang naman sya.

Mabilis nyang kinuha ang regalo ko para sa kanya sa kamay ko.

"Thank you, akala ko hindi ka na pupunta ..." Mataray na sabi nya bago kami pumasok pa sa pinakaloob, hindi naman ganon kadami ang bisita nya. Mga colleagues nya lang tapos sila Blaze atsaka mga kaibigan nito, nandoon din sila Jerome tapos si Juan. They're drinking while talking about basketball.

"What do you want to eat? kukuhanan kita ng food, nako ... wag mong isiping mag-escape ha, magagalit na talaga ako sayo." Banta nya nang umupo ako sa isang vacant chair doon, inunahan nya na ako kasi alam nyang wala talaga akong balak mag-tagal dito. Ayoko naman mag-swimming din, dumaan lang talaga ko to greet her kasi ayokong magtampo sya sa akin.

I just sat there at tumulala sa swimming pool, monday palang pero pagod na agad ako. Medyo tutok kasi talaga ako sa trabaho nowadays, I'm keeping myself busy so that I wouldn't have time to think about anything. 'yong tipong pag-uwi ko, makakatulog nalang ako dahil sa pagod. Na-miss ko nadin si Mochi, sabi ni Dien nasa kanya daw si Mochi kasi wala ang Kuya nya. I wanted to ask kung nasaan pero dibale nalang, maybe Hunter needs a space. Naalala ko na naman tuloy ang sinabi ni Khazzandra na hindi na sya uma-attend sa basketball practice nila.

Last playing year nya pa naman tapos team captain pa sya, sino ba ako para maging dahilan nya para huminto sa basketball? nababaliw na ba sya?

"Sup?" Tumingin ako sa bumati sa akin at nakita ko si Juan, he sat down beside me.

"Want some?" Tanong nya tapos pinakita sakin iyong beer na hawak nya, umiling ako. Kahit gaano siguro ako ka-broken, hindi ko maiisipang uminom. Ano bang mapapala ko doon? sure na sasakit lang lalo iyong ulo ko kapag gising ko.

"Thinking about him?" Saad nya nang binalik ko iyonh tingin ko sa pool, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kanya. The last time na magkita kami ay iyong time na nakita namin si Hunter na lumabas sa building ng condo ni Khazzandra, sobrang nakakaawa ako that time na kahit sya hindi ko maharap.

"He's in their Farm Resorts sa bulacan, this was the first time he runaway from everything. He's really scared to disappoints you. Dude really got whipped I guess?" Natatawang sabi nya habang ini-imagine nya siguro iyong itsura ni Hunter, sa akin pa talaga sya na-whipped samantalang ang ganda ng ex nya? na-gayuma ko ba ang isang iyon?

"You know, Mary ... sa mga kaibigan ko. Hunter is the only one who's not scared in commitment, kahit ako aamin ko I don't like commitments, falling inlove is the last thing I want to do in my life. Alam mo 'yon? love can make you do crazy things and stuffs but with Hunter kapag mahal nya ang isang tao, he's willing to do everything and is loyal kasi hindi naman sila magtatagal ni Khaz kung hindi diba?" Sabi nya, I look at him. He's so serious.

"Alam kong mahirap mag-commit sa isang tao na galing sa long-term relationship but us guys ... once we're done? we're done and there's no taking back. When he choose to pursue you, he's serious. He even ask for advice from us, he wanted to know if it's right eventhough lots of people says it's wrong. It's wrong to jump into someone after a long term relationship, they call it cheating even if it's not." Uminom sya ulit sa beer nya.

"Ano bang mali doon? is it wrong to fall in love again? Love is the only rational act, if there's someone who made you feel warm, alive and in a joyous state of mind. Go for it kasi kung ako? kapag dumating din ang babae na magpaparamdam sa akin non, I will definitely go for it pero wala pa ... malas lang." Sabi nya, he drunk too much that he talk too much like this.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon