Chapter 22

15.1K 392 16
                                    

Chapter 22

Nagising ako after mag-alarm ng phone ko, automatic kasi na naga-alarm iyon ng 7:00am everyday kahit na weekends. Sinasanay ko na kasing maging morning person lalo na at malapit na akong grumaduate.

Adulthood is waving ..

Tumayo ako mula sa kama, hindi ko alam kung paano ako napunta dito samantalang nasa lapag ako kagabi at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Dahan-dahan akong tumayo at dumiretso sa banyo, nag-hilamos at nag-mouthwash tapos paglabas ko atsaka ko lang napansin na may tao sa kusina.

Akala ko bumalik na sya sa unit nya? dito na din ba sya nakatulog? wala naman siguro akong ginawang kabaliwan ulit kagabi 'no?

"Gising ka na? Sit. Matatapos na ako." He said nang mapansin nya iyonh presensya ko habang seryosong nagsasangag ng kanin.

He's wearing an apron at wala na naman syang T-shirt but damn, this dude looks good in the morning or it's just me kasi crush ko na sya? what kind of sorcery is this? kung ano-ano na ang naiisip ko.

Umupo ako doon sa may kitchen counter at pinanood sya.

"Marunong ka palang magluto." Sabi ko, bihira kaya sa lalaki ang marunong magluto lalo na at mayaman sya. Sure ako na may sariling taga-luto sila sa bahay nila tapos busy pa sya dahil sa school at basketball.

"Just the basics, baka mamatay ako sa gutom kapag hindi." Sabi nya, nakahinga ako nang malalim. Iniisip ko kasi na puro fast at convenient food ang kinakain nya since mag-isa lang sya sa unit nya. Hindi kaya healthy iyon lalo na at athlete sya.

Husband material pala itong si Hunter, swerte naman ng mapapangasawa nya. Imagine, you get to wake up in the morning tapos maabutan mo sya sa kusina at pinagluluto ka, shirtless with apron. Ang cute nya kaya sa itsura nya ngayon. Pasimple ko tuloy na tinutok iyonh phone ko sa kanya at kinuhanan sya ng pictures.

I smiled at his photos while looking at it, wondering kung magkano kaya bibilhin 'to ng mga fangirls nya if ever ibenta ko sa kanila? dami nya kayang followers sa instagram, almost 50k din kaya sure ako na madami ang willing na bibili nito.

"You have plan later?" He asked nang nilapag nya sa harap ko iyong isang plate na may lamang Tocino, sunny side up egg at sinangag. Nagutom ako bigla, pati iyong plating ang ganda.

"Wala naman." Sagot ko habang tinitignan pa din iyong pagkain. Pinicturan ko pa nga.

Sabado kasi ngayon at by monday ko pa naman ibabalik iyong mga applications tapos kukuha ulit ng bago. Idadaan ko nalang bago pumasok since along the way lang naman iyong company.l sa school.

"Want to go to the orphanage?" He asked, nabuhayan ako nang marinig ko iyon at napatingin kay Hunter.

"Lagi ka ba talagang pumupunta doon?" Tanong ko sa kanya, I mean bago kasi iyong araw na nakita ko sila ng family nya doon hindi ko naman sya nakikita everytime na dumadalaw ako or nagkakasalisi lang talaga kami? umiling sya.

"Nope, actually ... I don't want to go back after the first time my parents bring us there. Dad even forced me to play basketball with the kids kaya pinilit ko talaga na makauwi agad. I don't like kids, they are loud so as Cats." Sabi nya, his face looks like he's trying to remember everything that happened that day. Napapangiwi pa sya, ayaw nya sa pusa? ang cute kaya ng mga pusa.

"Ganoon ba? bakit ngayon madalas ka nang pumupunta doon?" Tanong ko, sya pa nga ang naga-aya.

"There's this someone who inspired me at tinuruan akong maging malapit sa mga bata." Sabi nya.

"Okay, Sige. Kain na tayo." sagot ko sabay iwas nang tingin sa kanya kasi nakatitig na naman sya sa akin. Kalma, heart ... baka sumabog ka na nang tuluyan nyan.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon