Chapter 11

15.7K 421 55
                                    

Chapter 11

I thought having this strange feeling againts Hunter would be the worse thing that would happen to me tonight pero hindi pala kasi parang gusto ko nalang tanggalin iyong tenga ko habang pinapakinggan ko ang pinaguusapan ng mga magulang ko pati nadin ng iba kong kamag-anak sa side ni Papa.

How they brag about their children's achievement and how my parents keep on talking about Ate and Tianna and were'nt even able to talk about me ... on how I am in school kasi top din naman ako sa buong college of journalism pero tila ba wala silang balak i-open up iyon. Syempre, mga abogado ang nasa paligid ko at ako? they labeled me sa walang mararating sa buhay. It hurts pero tanggap ko na.

Pabagsak akong humiga sa kama after ng almost 2 hours na para lang akong tuod na nakikinig sa kanila, parang naubos lahat ng energy ko sa buong katawan ko. Iyong pag-iwas ko pa nga lang kay Hunter kanina sa orphanage after ng performance namin, na-drain na ako tapos ito pa. May iwo-worse pa ba iyong araw na 'to ngayon kasi kung meron pa, ewan ko nalang kung kakayanin ko pa.

From: Yujin Abajenza
Wala na naman si Bree, pwede ka ba ngayon? We need to perform at 10:00pm ... Bree kasi ngayon lang nagsabi. Sige na Mary. :(

Tumingin ako sa oras sa cellphone ko at nakita kong alas-nwube na ng gabi, nasa baba padin iyong mga kamag-anak ni Papa kasi nagi-inom pa sila. The party's not yet over, they like having wine after eating.

To: Yujin Abajenza
Okay, 20 mins. I'll be there.

After sending that to him ay tumayo na ako at pumasok sa banyo, naglinis lang ako ng katawan ko tapos dahan-dahan akong lumabas sa bahay.

Mabuti nalang at nasa garden sila kaya hindi nila ako napansin, ayoko na sitahin na naman nila ako kasi gabing-gabi na at lalabas na naman ako. Ayoko lang na matulog na puro negative nalang iyong naranasan ko ngayong araw, baka bangungutin na ko atsaka wala naman akong gagawin na masama. Alam ko naman ang mga ginagawa ko, I just really want to sweep this negative energy inside my body tonight by singing.

When I arrived at the bar, ang daming tao. Inabutan ko si Yujin na may kausap na lalaki kaya lumapit ako nang bahagya sa kanila pero nang marinig ko iyong pinagu-usapan nila ay huminto ako para hindi ko sila maabala.

"Just think of it Yujin, we will help you para sumikat. We'll give you alot of projects ... kilala mo naman ang agency namin, madami na kaming napasikat." Sabi ng lalaki sa kanya.

"No, kung hindi nyo isasama ang buong banda. Wag nalang." Sagot naman ni Yujin dito.

"We heard about your mother, we will help you earn alot of money. Ayaw mo bang gumaling ang nanay mo?" Tanong naman nito, ngumisi si Yujin sa kanya.

"Okay lang ako, the last thing that I will do is to leave my band behind." Sagot naman ni Yujin at iniwan ito, nag-jog sya paakyat sa stage.

"Kausapin mo nga iyon." Napatingin ako kay Jere, halos atakihin pa ako kasi bigla nalang syang lumabas sa gilid ko. Nanggugulat pa ang isang 'to ... tinitigan ko sya kasi hindi ko agad na-gets iyong sinabi nya.

"Tell him na tanggapin nya na ang offer sa kanya, tangina si Gago! mas iniisip pa kami kaysa sa sarili nya kahit na alam nyang kailangan nya ng pera, ang sarap hampasin ng gitara sa ulo." Sabi pa ni Jere tapos pinakita pa iyong  gitara nya na gusto nyang ihampas sa ulo ni Yujin, paborito nya pa naman iyon ... baka masira, sayang naman.

Tumingin ako kay Yujin na nasa stage na at inaayos ang mga instrument doon tapos sa lalaki na kausap nya kanina. May nakatatak na 'Limelight Ent.' sa damit nito, I smiled at him nang mapatingin sya sa akin bago ako umakyat na sa stage kasi nag-sign sa akin si Yujin na magi-start na iyong performance namin. I don't know if dapat ba akong makialam sa desisyon ni Yujin regarding doon, wala naman ata ako sa lugar para makialam

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon