Chapter 21

15.1K 353 18
                                    

Chapter 21

Nagising ako nang maramdaman kong parang may flash ng camera ang tumatama sa mukha ko at nang pagmulat ko sa mata ko, nakita ko si Tianna na tila ba pini-picturan ako.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya tapos napansin kong may kamay na nakayakap sa akin kaya lumingon ako sa likuran ko at nakita ko na natutulog din si Hunter doon.

Nakahiga kami sa sofa, nandoon sya sa pinaka-gilid tapos nakatalikod ako sa kanya habang iyong ulo ko ay nasa braso nya. Nakatulog kami ng ganito?

"Omg ... ang cute nyo. Boyfriend mo ba sya, Ate?" Tanong ni Tianna habang tinitignan ang mga picture na nakuhanan nya, sa lakas ng boses nya ay napagalaw nadin si Hunter. Medyo matinis kasi iyong boses nya na masakit sa tenga.

"Hindi no, burahin mo nga yan." Sabi ko tapos sinubukang agawin ang phone nya pero inilayo nya sakin.

"Not for free 'to, Ate ano. Sige na, magsho-shower na ako Ate diba pupunta tayo sa OB? nagluto na din ako ng almusal. Kain na kayo ni Kuya." Sabi nya tapos kumaway sa likuran ko kaya napatingin ako sa gawi ni Hunter at nakita ko na dilat na iyong mga mata nya.

"Dito tayo nakatulog?" Tanong ko sa kanya.

"I guess so?" Sagot nya at umayos ng upo sa tabi ko.

Wala naman akong naalala na ibang nangyari, nagke-kwentuhan lang kami about sa kung ano-ano tapos ... tapos ... Mabilis akong tumayo nang maalala ko iyong ginawa ko, OMG! did I just ...

"Kain na tayo." Natatarantang sabi ko bago tumayo at pumunta sa kusina pero bago ko pa man mahawakan iyong plato ay naramdaman ko na iyong pagyakap ni Hunter sakin mula sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ko sa kanya bago tumingin sa banyo, baka biglang lumabas si Tianna at makita kaming ganito.

"I'm just hugging you, mas malala iyong ginawa mo kagabi." Sabi nya, humarap ako sa kanya.

Napasandal pa ako sa kitchen counter kasi sobrang lapit nya sa akin, yung mga kamay nya ay hinawak nya sa mag-kabilang gilid ko kaya para pa din kaming magkayakap.

Ang lapit nya at kakagising lang namin, ni hindi pa ako nagmumumog pero sinigurado ko naman na nag-toothbrush ako kagabi bago ako matulog. Iniwas ko iyong mukha ko sa kanya.

"Sorry ... nabigla lang ako kagabi. Hindi ko talaga sinasadya, hindi mo na ba ko mapapatawad ha?" Napapapikit pa na sabi ko, nakakahiya kasi at baka isipin nya na masyado akong aggresive. Tho' sa pisngi ko lang naman sya hinalikan, bakit ba kasi ako nafa-flutter everytime na tinatawag nya kong Miss Ma'am? ayan tuloy, hindi ko na napigilan.

I heard him chuckled beside my ear, ang sexy naman pati pagtawa. Wala ba syang flaws? amoy mentol padin iyong bibig nya, nakakaloka. Fictional ba sya?

"You can do anything with my body. I will be grateful for everything you'll do, Miss Ma'am." Sabi nya at naramdaman kong kinissan nya iyong gilid ng ulo ko.

"Hunter ... I just want to tell you na I promised myself na gagraduate muna ako bago ako mag-boyfriend. Alam mo naman na marami akong gustong patunayan diba? hindi naman sa feelingera pero parang ganon na nga, can you still wait?" Sabi ko, the same thing I told Yujin kasi iyon talaga ang plano ko.

It's okay to date pero iyong relasyon na may label, hindi ko alam. Frustrating kaya ang love, magseselos ka kapag may lumapit na iba sa kanya tapos mago-overthink ka. Atleast kapag walang label, wala kang karapatan. Itulog mo nalang ganon.

"Ilang buwan nalang naman ..." Mahina pang bulong ko sa sarili ko na narinig pala ni Hunter kaya naman tumawa nang mahina.

"I am and will always willing to wait for you, Miss Ma'am. Take your time." He said again beside my ears, bahagya ko syang natulak nang bumukas iyonh pinto sa CR at lumabas na si Tianna na bagong ligo na.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon