Chapter 25

15.3K 398 28
                                    

Chapter 25

Worse feeling for me? iyong umattend ka ng commencement ceremony mo na wala man lang ni isa sa pamilya mo ang sumama sayo, kahit pagbati wala.

Congrats, Marydeth Aquino! You just graduated as Summa Cum Laude in your batch, napakagaling mo. Sobrang proud ako sayo ... para tuloy kaming tangang dalawa ni Kamila na kanina pa naiiyak dito sa upuan namin. Kanina nya pa binabanggit si Zivs, na dapat tatlo kami dito ... na nangako kami na sabay-sabay kaming gagraduate pero ngayon ay dalawa lang kami.

Time flies so fast and I know na may rason si God kung bakit nangyari ang lahat. All the pain seems to be worth it kahit papaano kasi natupad ko na iyong isa sa pinangako ko sa sarili ko and I am so proud of myself right now.

"You should stop crying, malapit na tayo umakyat sa stage." Sabi ko kay Kamila, she's literally crying habang ako pinipigilan ko talaga iyong pagtulo ng luha ko. Sayang kasi angmake up e, atsaka baka magsisi ako once na makita ko iyong mukha ko sa picture kapag umiyak ako.

"Halika nga dito, diba ayaw mong pangit ka sa picture? tama na 'yan." Sabi ko sa kanya tapos pinunasan ang mukha nya. She's acting like a baby again. Sobrang overwhelmed nya yata kasi isa sya sa mga Cum Laude. Paano namang hindi, e ginalingan nya talaga ngayong taon. Nagulat na nga lang ako na naging active na sya sa acads bigla samantalang dati tamad na tamad syang makinig sa mga Prof at nakikikopya lang sa amin ni Zivs, she's really trying to be a better person and I'm so proud of her.

"I'm just happy pero mas happy ako kapag nandito si Zivs." Sabi nya pa, I nod at her. Ako din naman, hanggang ngayon dinadasal ko padin na kung nasaan man si Zivs ay sana okay lang sya, sana safe at masaya sya.

After at few minutes isa-isa na din kaming umakyat sa stage at dahil Summa ako, may speech pa ako na sinabi doon. I smiled at those people infront of me kahit na deep inside gusto kong umiyak habang nakikita ko iyong mga ka-schoolmates ko na masayang kasama ang mga magulang nila, that was the only thing na nagpapalungkot sa akin ngayon kasi wala iyong mga tao na pinaka-gusto kong maging proud sa akin.

Alam kaya nila na graduate na ako? magiging proud ba sila if ever malaman nila? I don't think so ... they were never proud of me, ika nga nila disappointment lang ako sa kanila.

"Congrats, Miss Ma'am." I look up pagbaba ko sa stage kasi nakayuko lang ako kanina nang may humarang sa dadaanan ko at nakita ko na may inaabot syang bouquet ng flowers sa akin.

"You're here." Sabi ko nang makita ko si Hunter, sabi nya kasi baka hindi sya makahabol since busy sya.

Busy kasi talaga sya lately since malapit na matapos ang UAAP season, medyo batak sila sa practice lalo na at sya ang team captain nila. Nauna lang naman ang graduation namin since Trisem iyong school namin, hindi naman kasi kami University talaga kagaya ng sa kanila na regular semester lang tapos extended pa ng one year iyong course nya since varsity player sya. I don't know if that's required for them na mag-extend pero nabanggit nya lang din sa akin dati kapag nagu-usap kami.

"Ayaw mo ba?" Tanong nya na parang nagtatampo pa.

"Thank you." Sabi ko tapos kinuha ang flowers na inaabot nya sa akin. Gusto ko kaya. Sya lang iyong bumati sa akin na ibang tao bukod sa mga ka-schoolmate at professor ko, e.

"I have a surprise for you." Sabi nya pa tapos kinuha ang kamay ko at hinila palabas ng ampitheater. Gusto ko pa sana magpaalam kay Kamila pero busy sya na nakikipagusap sa parents nya tapos itong si Hunter literal na kinakaladkad ako.

Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang school mates ko, kilala nila si Hunter. Famous kaya 'to atsaka paanong hindi e, pinost nya ko sa IG nya noong nakaraan na may caption din ng lyrics ng Double Take by Dhruv na 'You're my vice, you're my muse, You're a nineteenth floor view, I don't see nobody but you 👀'

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon