Chapter 15

16.4K 411 15
                                    

Chapter 15

When sunday came, maaga akong nagising para mag-prepare na sa camp mamaya. Sabi doon sa invitation na 3 days 2 nights iyon kaya naman medyo madami akong gamit na dadalhin.

Nag-text nadin ako kay Yujin na papunta na ako doon pero hindi ko na inintay ang reply nya dahil alam kong busy din sya, may sasakyan naman daw sabi ni Sister Sol kaya doon nalang kami magga-gather lahat sa mismong Orphanage.

Pag-labas ko sa kwarto ko medyo nagulat ako nang kasabay din nang paglabas ko iyong paglabas ni Tianna mula sa kwarto ng parents namin, parang kinabahan pa sya nang makita nya ako. Kami lang kasing dalawa dito sa bahay kasi si Ate Audrey, nagre-ready na for bar exam tapos iyong parents namin as usual busy naman lagi sa trabaho.

"Aalis ka ate?" Tanong nya nang maka-recover na sya sa pagka-gulat nya sa akin, tumango ako sa kanya.

"Oo, sasama ako sa camp ng Orphanage. Nag-message na ako kila Mama and Papa regarding doon." Sagot ko sa kanya, syempre kahit naman hindi kami okay ng parents ko I still inform them on whatever I do. Kapag aalis ako, kung san ako pupunta at sinong kasama ko. They still have a right to know kahit alam kong wala naman silang pakialam.

"Okay. Ingat ka doon, Ate." Sabi lang ni Tianna bago sya mabilis na tumakbo papunta sa room nya. Tumingin pa ako ulit sa kwarto ng parents ko kasi nagtataka ako kung bakit sya galing doon tapos bumababa na, baka may hiniram lang syang gamit or kung ano man.

Just the usual, nag-tricycle lang ako papunta sa orphanage. Pag-dating ko, nakapila na iyong mga bata sa pintuan ng bus. Lumapit lang ako kila Sister Lina para tulungan sila sa mga bitbit nila. Sabi nila, isang sponsor daw iyong may idea nito. I wonder kung sino ... gusto ko syang pasalamatan kasi nakikita ko na sobrang saya at excited ng mga bata ngayon. Minsan lang kasi mangyari na makakalabas sila sa ampunan, nakakatuwa lang na mararanasan nilang mag-camping ngayon.

I just sat beside Sister Lina para may ka-kwentuhan ako, almost the same age lang kasi kami tapos makulit sya na hindi mo talaga aakalain na nag-madre sya. Tawa lang ako nang tawa about sa kwento nya about sa mga bata noong mga araw na hindi ako nakakadalaw, na-miss ko talaga sila.

Sa tanay lang naman iyong pupuntahan namin kaya akala ko hindi naman ganoon katagal iyonh byahe pero nagkamali ako kasi pabundok pa pala iyon pero worth it kasi nang makarating kami doon sa mismong lugar, sobrang ganda lalo na ng view.

May mga tent na din na naka-ready doon, kasi doon daw kami matutulog para makapag-star gazing pa kami mamayang gabi. Ang saya naman ... the only thing na pwede mong ma-reklamo dito ay walang signal pero for me ayos lang naman, I'm not really that techy kaya sa ngayon kay mother nature muna ang atensyon ko.

"Andyan na si Kuya Hunter!" Napahinto ako sa paga-ayos ng pagkain sa table kasi para makakain na iyong mga bata nang marinig kong isinigaw iyon ni Ashley kaya naman pati ang ibang kasama nya ay nagsigawan at nagsitakbuhan bigla, dahan-dahan akong tumingin sa gawi kung saan sila nagpunta at nakita ko na nandoon nga sya.

I can see kung gaano kasaya ang mga bata na makita sya kasi pinalibutan pa sya ng mga ito. Bakit hindi ko naisip na maaring invited din sya dito?

"Ininvite din sya ng mga bata, e." Sabi ni Sister Lina na kinikilig pang sinagi ang balikat ko, ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. Gosh ... ang tagal ko syang iniwasan tapos ngayon kailangan naming magsama sa camp ng 3 days and 2nights? Goodluck nalang talaga.

I tried to act normal as possible, ayaw kong ipakita na kinakabahan ako lalo na nang lumapit sa amin si Hunter. Damang-dama ko sya sa likuran ko kasi hindi hamak na mas matangkad talaga siya sa akin. I can't really lie on myself at sabihing hindi ko naramdaman ang presensya nya. Gusto ko nalang kainin ako ng lupang tinatapakan ko ngayon.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon