Special Chapter 02: Favorite Woman

29K 627 57
                                    

Special Chapter 02: Favorite Woman

"OMG! He looks like you, Ate!" sigaw ni Dien after nyang makita si Gunner. Maging sila Mommy D at Daddy H na parents ni Hunter ay lumapit din sa amin nang malalim nila na nandito na kami. We just got home from the hospital at dito muna kami dumiretso sa bahay nila. By tomorrow, sa bahay naman namin kami.

"Gosh, Kuya really got whipped over you kaya kamukha mo iyong baby." sabi pa nya.

"Ganoon ba 'yon?" tanong ko. She nodded.

"Yup, they said na kapag kamukha ni boy ang baby ibig sabihin mas mahal ni girl si boy kapag kamukha naman ni girl, ibig sabihin mas mahal ni boy si girl. Obvious naman!" natatawang sagot nya.

"What are you saying?" tanong ni Hunter paglapit nya sa amin. Nauna kasi akong pumasok dahil kinuha nya pa iyong mga gamit namin sa likod ng kotse nya.

"I said na you love Ate Mary so much. Ilong lang ang nakuha sayo." sabi ni Dien sa kanya.

"I won't deny ..." sagot nya naman. Mabuti nga at nakuha talaga ang ilong nya kasi kung ilong ko ang nakuha, ewan ko nalang.

"Can I hold him?" tanong ni Mommy D. I nod tapos binigay ko si GD sa kanila. Kita ko ang tuwa sa mga mata nila.

"Thank you so much, Mary." sabi ni Daddy H. Ilang beses na ata silang nagpasalamat sa akin for giving them GD. Masaya daw sila na nagka-apo na kasi matatanda na din sila. Inakbayan ako ni Hunter.

"Just leave him to them for awhile. Pahinga ka muna." He said. All night ata kaming gising na dalawa. Ni hindi kami mapakali tuwing umiiyak sya. Katulad ng Daddy nya ay matakaw din sya. Maya-maya ang dede talaga.

We stayed there for a week, I'm still in my maternity leave tapos wala pa namang game si Hunter sa ngayon kaya naman kina-career namin ang pagiging first time parents.

"What do you want for your birthday?" he asked while hugging me. April 29 na nga pala bukas. Birthday ko na nga.

Tahimik na natutulog na si GD sa crib nya kaya naman nakahiga na din kaming dalawa.

"Diapers, Milk, Baby vitamins ..." he kissed my lips to stop me from talking.

"I am asking you, what do you want? I can provide everything for him. What do you want, Love?" tanong nya.

"Wala na nga. Lahat ng gusto ko ngayon para kay GD nalang." sagot ko. Huminga sya nang malalim na tila ba nafu-frustrate na sya sa mga sagot ko. Wala naman na kasi talaga akong gusto. I'm not materialistic. Okay na ako sa kung ano man meron ako, para nalang sa anak namin ang makakapag-pasaya sa akin.

Ininakip nya ang palad nya sa mga mata ko.

"Sleep. You badly need that. Advance happy birthday, Love." bulong nya sa akin na sinunod mo naman.

Paggising ko, wala na sya sa tabi ko. Wala na din si GD sa crib nya. Mabilis akong tumayo, naghilamos muna at nag-toothbrush bago bumaba tapos naabutan ko si Dien.

"Ate, magbihis ka na. Aalis tayo." sabi nya. Nakapang-alis na sya.

"Saan?" tanong nya. She smiled.

"Basta. Tara na. Mommy! Ready ka na ba?" sigaw nya tapos sumigaw naman ng 'Oo' pabalik si Mommy D sa kanya kaya mabilis akong nagbihis at sumama nalang sa kanila. Hindi pa ako mapakali sa sasakyan kasi hindi ko pa nakikita si GD.

"Ate, mag-relax ka nga. Kasama ni Kuya atsaka ni Daddy si GD. Just enjoy the day!" she said tapos bumaba kami sa isang Spa. Pagpasok namin nandoon na sila Mommy, Ate Audrey at Tianna na nagpapa-facial.

"Gastos ni Kuya. Happy Birthday, Ate!" Bulong ni Dien sa akin. Mabilis kaming binati ng mga staff doon at iginaya sa magiging pwesto namin. Dinig ko pa iyong pagbati nila Mommy, Ate Audrey at Tiana sa akin.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon