Chapter 16

15.5K 351 9
                                    

Chapter 16

"Hunter ..." Banggit ko sa pangalan nya kasi hindi ako makahinga dahil sa ginawa nya, ilang minuto na kasing nakapatong iyong ulo nya sa balikat ko. Ang lakas-lakas tuloy nang tibok ng puso ko.

"Can we just stay like this for awhile? because I know na after this camp, hindi mo na naman ako kakausapin." Sabi nya tapos ibinangon ang ulo nya at tinitigan ako nang diretso, balak ba talaga nya akong patayin due to heart attack? hindi na kasi talaga kinakaya ng puso ko iyong ginagawa nya.

"Kahit ngayon lang, Mary. Let's act as if we're fine." Sabi nya pa at ewan ko kung bakit ako napatango sa kanya na para bang na-hypnotized ako sa paraan nang pagtitig nya.

"Okay." Sagot ko, kita ko kung paano nagliwanag ang itsura nya dahil lang sa simpleng sagot ko na 'yon.

Nag-latag si Hunter ng kumot doon sa may damuhan malapit sa edge ng bangin kung saan makikita mo iyong view sa baba, ang ganda kasing pag-masdan ng mga ilaw sa city mula dito sa pwesto namin kaya binalak namin na doon pumwesto. Higit na higit ko ang paghinga ko lalo na nang umupo sya sa tabi ko. Lord ... gusto ko lang itanong kung bakit mo ginagawa sakin 'to? bakit kahit anong sabi ko na gusto ko nalang lumayo, bakit po para syang magnet na hinihila pa din ako palapit sa kanya? anong pong rason, Lord? kung masasaktan lang din naman ako, bakit po?

"Nilalamig ka? do you want me to get you a jacket?" He asked, naka-shirt kasi ako tapos sya naka-sando kaya medyo nayayakap ko iyong sarili ko kasi sadyang malamig ang simoy ng hangin. Hindi ba sya nilalamig?

"Hindi na, okay lang ako." Sabi ko sa kanya, nakakahiya naman kung papatayuin ko pa sya para lang kuhanan ako ng jacket. Pa-chicks naman ako masyado, nakita kong pinagkiskis ni Hunter ang mga palad nya at halos mapatalon na naman ako sa pwesto ko nang bigla nya iyonh dinikit sa magkabilang braso ko.

"I'm gonna make you warm with this then ..." Sabi nya pa tapos inulit-ulit ang ginawa nya. He never failed to make my heart jump, hindi ko na nabilang kung ilang beses na bang tumalon ang puso ko ngayong araw dahil sa kanya.

Diyos ko po ... tini-test mo ba talaga ako? hindi na kaya ng puso ko, maawa ka naman po kayo sa akin ... kung pwede lang mag-sign of the cross ngayon nagawa ko na kasi gusto ko talagang idasal kay Lord na kainin nalang ako ngayon ng lupa, mauuna pa ata akong sumabog kaysa sa Taal Volcano sa totoo lang.

"Anong feeling nyan?" Tanong ko nang nilabas ni Hunter iyong vape nya, nauupuan nya kasi since inilagay nya iyon sa likod ng bulsa ng shorts nya.

"This?" He asked kaya tumango ako.

"Curious lang ako, lahat kasi ng lalaki sa paligid ko nagga-ganyan e. Sabi ko sa kanya, trend kasi ata mag-vape ngayon kasi medyo mahal na din daw ang sigarilyo and mas convenient ata iyon tapos may flavors pa.

"It relieves my stress, I guess?" Sagot nya, medyo tumaas ang isang kilay ko. Stress reliever na pala ngayon nag pag-sunog sa baga ano? weird naman nitong mga lalaki na 'to.

"San ka naman na i-stress?" Tanong ko kasi parang wala naman dapat syang ika-stress kasi mukhang binigay na ni Lord lahat ng blessings sa kanya, favorite na favorite sya e ...

"In you? kasi iniiwasan mo ko?" Sabi nya kaya mabilis akong nag-iwas nang tingin sa kanya, ayan naman sya ... hindi ba talaga sya titigil? hindi nya ba nakikita na hindi na ko makahinga dito?

"Oh ... diba okay nga iyon? atleast hindi mo makikita ang mukha ko, baka maumay ka." Sabi ko sa kanya, si Jere nga laging sinasabi sa akin na nauumay na sya sa itsura ko noong lagi akong pumupunta sa practice ng banda nila. Wala naman kaya syang choice kasi wala akong mapuntahan nitong mga nakaraang araw kaya nandoon ako palagi sa studio nila.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon