Chapter 05

18.9K 526 23
                                    

Chapter 05

"Are you sure, gusto mo na umuwi?" Tanong ni Hunter nang nasa tapat na kami ulit ng bahay, pass 12:00 PM na. Sigurado naman ako na nakauwi na lahat ng kasama nila Mama kaya naman tumango ako sa kanya.

"Yup, thank you sa pag-sama." saad ko.

Tumambay lang naman kami sa park kanina tapos nag-kwentuhan about sa mga novels ni Michael Crichton na nabasa na namin, para syang fanboy kasi kabisado nya halos lahat ng novel nito and he even reenact scenes and lines from the books.

Ang cute nya lang, natutuwa lang ako kasi kapag iyong iba kong kaibigan ang kinausap ko about sa mga librong binabasa ko ay sinasabi nilang ang weird ko. Pano ko daw ba kasi nai-imagine kung binabasa ko lang? may movie naman na daw iyon tapos binabasa ko pa. E, para sa akin mas nakaka-enjoy kayang mag-basa atsaka merong nasa book na wala naman sa movie.

He nod at me, nakakangiti na sya. Na-guilty tuloy ako kasi na-judge ko sya kanina na suplado sya tapos hindi naman pala.

Bakit naman kasi nakaka-intimidate minsan iyong itsura ng mga Basketball Players? kapag titignan mo sila parang ang hirap nilang kausap pero hindi naman pala. Nalaman ko kasi na basketball player din sya sa UP kaya pala tropa nya si Ricci at Blaze and his height ... nevermind ... sobrang tangkad nya kasi.

"Give me your number, I'll let you borrow my copy of Andromeda Strain para mabasa mo." He said then re-open his cellphone kasi pinatay nya nga iyon kanina at kita ko kung gano kadaming messages ang na-received nya mula sa isang tao pagka-open nito pero hindi ko nalang pinansin at tinype ang number ko doon. Gusto ko kasi talagang mabasa. Sa kwento kasi ni Hunter ang ganda daw non kaya naman na- curious ako. Napanood ko na iyong movie pero gusto ko talaga syang basahin at i-compare.

"Thank you ulit." Sabi ko sa kanya tapos bumaba na sa kotse nya, tahimik na sa loob ng bahay kaya naman sure ako na nakauwi na lahat ng bisita nila Mama.

Pabagsak akong humiga sa kama ko pag-pasok ko sa kwarto, tinitigan ko iyong mga stars na naka-paint sa kisame. Ang daming nangyari sa araw na 'to pero atleast kahit papaano gumaan ang loob ko, nakakagaan lang ng loob makakilala ng tao na pareho ng interest sa iyo.

"So, you're telling me na magkakilala si Zivs at Ricci? legit ba?" Malakas na tanong ni Kamila sa akin na dahilan para makuha nya ang atensyon ng mga tao sa kabilang table.

Nandito kasi kami ngayon sa coffee shop kung saan kami laging nakatambay. Start na ng sembreak pero nang tinext ko sya regarding Zivs at Ricci, agad-agad na gusto nya na ako makita. She needs to know ofcourse, masama pa din ang loob ko kay Zivs. She owe us an explanation pero hindi ko padin alam kung paano ko sya haharapin ngayon, na-guilty man lang ba sya na hindi nya pinaalam samin iyon?

"Wait ... I need to breathe Maria!" She said and take a deep breathe. OA talaga nito pero hinayaan ko lang sya, may pagka-4D kasi ang characteristic ni Kamila. She's like an alien, minsan hindi mo sya maiintindihan

"How?" She asked again, ngayon ko lang na-realize na si Zivs pala talaga iyong dahilan kaya nalaman ni Blaze na nasa bar kami at lasing si Kamila. Maybe she called Ricci kasi sabi ni Kams wala naman daw syang naalala na tumawag sya kay Blaze and she will never do that, her pride won't let her and I know that myself.

"I don't know either." I said and sigh, 'cause I still feel offended knowing na wala kaming alam sa nangyayari sa buhay ni Zivs. Tinuturing nya man lang ba kaming kaibigan? alam kong ang immature pero kasi nakakalungkot na malaman na iyong akala mo bestfriend mo, ang dami palang tinatago sayo.

Natahimik lang kami ni Kamila. We both don't know what to say about it, we just can't believe Zivs for doing that to us. Pwede naman magtampo minsan diba? kasi kami naman iyong palagi nyang kasama pero wala pala talaga kaming alam tungkol sa kanya.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon