Chapter 14

15.1K 362 32
                                    

Chapter 14

"Kasalanan talaga 'to ng gago na Ricci na iyon!" Malakas na sabi ni Kamila bago tinignan nang masama si Blaze, nandito kami sa isang fast food chain ngayon para kumain. Wala naman kaming choice kung hindi pumasok despite sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Zivs is nowhere to be found, we don't know kung nasaan na sya ngayon. The last time we saw her is noong birthday nya pa na sa tingin ko ay hindi nya naman na-enjoy kasi hindi sya pinuntahan ng lalaking mahal nya tapos ngayon wala na sya.

Umalis sya nang hindi man lang nagsasabi sa amin kaya naman para lang kaming baliw ni Kamila na nakatulala buong klase kanina.

Like, we promised each other na gagraduate kaming tatlo nang sabay-sabay pero hindi pala mangyayari iyon. For once I want to take back the time, iyong time na hindi pa nakikilala ni Zivs si Ricci sa personal kasi okay pa e, siguro kung hindi sila nagkakilala hindi din ako magkaka-chance na makisakay sa sasakyan ni Hunter that night.

Parang naging domino effect tuloy kasi nang matumba iyong isa samin, pati kami kasama sa natumba at hindi alam kung paano na babangon after.

"Sobrang gago talaga! biruin mo iyon, engage na pala sya doon sa baliw na Raven na 'yon tapos nilandi-landi nya pa si Zivs, porke alam nyang may gusto sa kanya at madali nyang makukuha?" Sabi pa ni Kamila bago sunod-sunod na sinubo iyong fries sa harapan nya.

"Tama-Tama." React naman ni Blaze tapos inabutan sya ng tubig habang tinatapik iyong likod nya dahil halos mabulunan na sya sa ginawa nya, kanina pa sya tango nang tango sa kung ano mang sasabihin ni Kamila. Sobrang unusual lang kasi madalas binabara nya lagi si Kamila sa kahit na anong sabihin nito, nawe-weirduhan tuloy ako.

"Diba? tama naman iyong sinasabi ko? na gago talaga ang mga kaibigan mo." Sabi pa ni Kams, tumango si Blaze.

"Tama ka, palagi ka namang tama. Kapag tama ka, tama ka. Kapag mali ka, tama ka padin. There's no in between kaya wag na magsayang ng pagod na kumontra." Sabi ni Blaze sa kanya, ang cute nila ... I just find it cute on how Blaze is always stuck with her kahit na lagi naman syang inaaway ni Kamila. Ang weird ko ba kung sasabihin ko na kinikilig ako sa Tom and Jerry chemistry nilang dalawa?

"Basta! sana mabaog na sya! mabaog sana iyong Ricci na iyon." Sabi pa ni Kams dahilan para matawa si Blaze na parang isang malaking joke ang sinabi ni Kamila na iyon.

"Bakit ka natatawa ha?" Inis na tanong ni Kamila sa kanya at sinamaan pa sya nang tingin.

"Wala lang, walang baog sa aming magkakaibigan ano. Asa pa mo." Ani ni Blaze sa kanya kaya tumaas naman ang kilay niya.

"Bakit? na-try nyo na? may mga anak na ba kayo ha?" Sunod-sunod na tanong ni Kamila sa kanya na para bang sasabog na kasi knowing her ang dami na kaagad na possibilities ang tumatakbo sa isip nya, selosa pa naman sya ng sobra.

Mismong followings nga ni Blaze sa instagram kabisado nya lahat, even iyong mga picture ng girls na nila-like ni Blaze alam nya tapos ipapakita nya sa akin para lang itanong kung sinong mas maganda sa kanila? she's weird but it seems like Blaze made her even more weirder, mas paranoid na sya ngayon.

"Wala pa naman pero gusto mo try ko sayo." Sagot naman ni Blaze tapos nilapit pa iyong mukha nito sa kanya, mas lumawak pa ang ngisi nya nang makita nya na na halos hindi na huminga si Kamila.

"Kinilig ka naman masyado, gusto mo din ano?" Naiiling at natatawang sabi ni Blaze bago inayos ang upo nya. Happiness nya talaga ang asarin si Kamila.

"Asa ka 'no, hinding-hindi ako bibigay sayo!" Sagot naman ni Kamila sa kanya at ibinalik ang atensyon nya sa fries nya.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon