Chapter 12

15.1K 389 6
                                    

Chapter 12

Pain demands to be felt.

In order for pain to end, you have to feel it. Harapin mo and learn from it. Sabi nga ni Mother Teresa, "Feel the pain until it hurts no more." pero bakit nga ba ako nasasaktan ngayon? I don't know either. All I know is that, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko but still I don't want anyone to see it.

I need to act normal like what I always do, sanay naman na ako sa pain na yan. I can endure it, it's not like sobrang tagal na naming magkaibigan ni Hunter para dibdibin ko masyado iyong nangyari.

"Saan ka pupunta Kams?" Tanog ni Zivs kay Kamila nang palabas na kami sa campus, busy kasi si Kamila na nagtetext tapos naglalakad papunta sa other way. Nagtaka din tuloy ako kasi hindi naman iyon ang way pauwi sa kanila, at isa pa? wala ba syang sundo ngayon?

"Ano ka ba ... hindi mo ba alam na first game ng UP ngayon? tara na, baka ma-late tayo! magtatampo ang bebe ko." Sagot naman ni Kams at hinila iyong kamay naming dalawa ni Zivs kaya naman wala nalang kaming nagawang dalawa dahil noong mga nakaraang araw nagtatampo sya sakin kasi hindi ko na daw sya nasasamahan. Samantalang sya naman ang laging busy kasi mukhang lagi syang may date.

Nakarating kaming tatlo sa Araneta, si Kamila ang bumili ng ticket bago kami pumasok doon sa loob ng arena since sabi nya it's in her na daw kasi first time nyang manonood ng UAAP game ng bebe nya kasi nga diba? she used to hate basketball players kasi mga babaero daw? bumaliktad na ata ang mundo kaya ganito na ang nangyayari.

Love moves in mysterious way sa kanilang dalawa ni Blaze kasi as far as I'm concern they used to hate each other.

Papasok palang kami dinig ko na iyong ingay ng tambol at sigawan ng mga tao. Everyone around us seems so hype about the game, halos puno ang buong arena.

It's UST vs UP at tahimik lang kami ni Zivs na nanunuod habang si Kamila sobrang lakas mag-cheer.

Maybe she's been practicing her side profile as a UAAP girlfriend simula nang maging sila ni Blaze, hype na hype kaya sya lalo na kapag si Blaze ang may hawak ng bola.

She's one proud girlfriend pero si Zivs tahimik lang, kung dati sobra nyang i-cheer si Ricci pero ngayon parang tinatago nya lang iyong pagiging proud nya.

Naawa ako sa kanya, alam ko kung gaano nya ka-mahal si Ricci. I can't explain how she's hurting right now knowing that Ricci is going to Marry other girl.

Ang gago naman kasi, bakit manlalandi pa kung ikakasal naman pala sa iba?

Noong nakaraan ko lang din naman iyon nalaman dahil sinabi ni Kamila, we're mad about it ofcourse but things are really out of control. I wanted to tell Zivs to just move on pero in-open na naman ni Kamila na baka buntis si Zivs and she's even calling Ricci "Daddy" at kung buntis nga si Zivs, ang gago lang ni Ricci ng sobra.

Naka-focus nalang ako sa laro kaysa kung ano-anong isipin ko nang biglang may lumapit sa aking isang magandang babae, she's not just a no one. She's Khazzandra. Masyado ko atang tinitigan ang picture nya sa facebook kaya kabisado ko na talaga ang itsura nya.

"Hi." Bati nya sa amin or should I say sa akin lang kasi sa akin lang naman sya nakatingin.

"Ikaw si Mary right? can we talk? kahit saglit lang?" Tanong nya, sobrang bait ng boses nya. Even her voice shouts expensive. Paano nagawang iwan ni Hunter ang ganitong babae?

I nod bago ako tumayo at naglakad na. Gusto ko din talaga syang makausap, gusto ko syang bigyan ng peace of mind. Alam ko naman na mahirap din 'to sa part nya. Maging ako ayokong mangyari 'to sakin sa future, iyong bigla nalang akong gigising na hindi na ako mahal ng tao na minahal ko ng matagal. Iyong ki-kwestyunin ko ang sarili ko if may kulang o mali ba sa akin na kailangan nyang maghanap ng iba kasi para sakin mukhang perfect naman na si Khazzandra, she's so pretty and she seems so nice kaya anong problema ni Hunter?

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon