Chapter 18

14.6K 398 74
                                    

Chapter 18

"Pwede mo ba 'tong ibigay kay Hunter?" Pakisuyo ko kay Kamila at inabot sa kanya iyong paper bag na pinaglagyan ko ng mga gamit na pinahiram sa akin ni Hunter na hindi ko naisauli.

Nagi-guilty kasi ako kapag nakikita ko sa kwarto ko, para akong may kinuha na hindi ko binalik. Hindi maganda sa feeling kaya naisip ko na ipasuyo nalang kay Kamila, sila naman ni Blaze at kaibigan ni Blaze si Hunter kaya sa tingin ko matutulungan nya ako.

Nandito kasi kami sa room ngayon at kakatapos lang ng klase, medyo hindi padin kami sanay na wala si Zivs pero ganon talaga. We just need to accept the fact na iniwan nya kami nang walang pasabi, we're just hoping na kung ano man iyong pinagdadaanan nya ngayon ay malampasan nya. She's our friend afterall and if one day kapag nagkita ulit kami, she's still our friend at walang makakapagpabago doon.

"Bakit hindi ikaw ang magbigay?" Tanong ni Kamila, tumaas pa iyong kilay nya habang tinitignan ang kamay ko na nakalahad sa kanya. Hindi nya kasi kinuha iyong paper bag.

"Hindi ko na kasi sya nakakausap." Sabi ko, ngumisi sya.

"Ibibigay mo lang naman. Sabihin mo nga sak ... do you have feelings for him ba?" Tanong nya pa, nanlaki ang mata ko sabay iling. Sanay naman na ako sa pagiging straight forward nya kaya hindi naman ako nao-offend sa way nang pagsasalita nya. She's just Kamila being Kamila.

"Wala ano, hindi ko na nga kinakausap diba?" Sabi ko, ngumiwi sya.

"So, bakit hindi mo yan maibigay sa kanya ng personal? if you really don't have feelings for him, hindi naman 'yan problema Maria. You keep on telling me na indenial ako before pero anong ginagawa mo ngayon?" Sabi nya sa akin, napahinto lang ako kasi parang nasampal nya ako sa mga salitang binato nya sakin. Na-confuse ako bigla sa nararamdaman ko. Akala ko tapos na sya pero may kasunod pa pala ...

"Diba, hiwalay na sila ni Khazzandra? you can freely talk to him. Cheating is a choice, Mary. Hindi mo kasalanan na gago si Hunter para magka-feelings sya sayo habang may girlfriend pa sya. Don't mind those one sided peeps na laging jina-judge iyong other girl not knowing na wala naman syang kasalanan. If you like Hunter now wala na iyongproblema, okay? you're being too hard on yourself by keeping that feelings. Been there, done that! kaya alam kong mahirap na tinatago iyang nararamdaman." Ni hindi man lang ako makapag-salita sa mga sinasabi nya dahil dire-diretso sya, medyo natakot ako sa kanya kasi parang ang sungit nya today. Meron ba sya ngayon?

"Aalis na ako, ikaw na magbigay nyan sa kanya." Sabi pa nya tapos tumayo na.

"Sungit mo ngayon ha, sino nanakit sayo?" Tanong ko, usually kasi masaya sya lalo na kapag si Blaze ang topic. Na-fall na ng sobra si Madam pero ngayon as in para syang wala sa mood.

"Wala ano, okay lang ako. Manhid na ako, hindi na ko nasasaktan. Sige na, una na ko." Walang-gana nyang sabi bago ako hinalikan sa pisngi at umalis na.

She's weird sometimes, epekto ng may lovelife siguro?

Huminga ako nang malalim bago ko tinignan iyong paper bag, it's not that I'm being hard on myself ... nirerespeto ko lang si Yujin, I'm committed to him now na kahit wala pa kaming label, I wanted to be loyal to him like how I wanted him to do towards me.

Lalo na ngayon at malayo sya at hindi kami nakakapag-usap nang madalas, one week na pala ... I thought it was just a simple shoot pero shooting pala iyon ng isang serye, I'm so proud of him kasi kahit bago palang sya sa industry binibigyan na talaga sya ng malalaking project.

He also need to attend workshops, sobrang busy nyang tao but he still manage to text me first thing in the morning and last thing at night. Ang swerte ko nga sa kanya, e.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon