Chapter 19

14.7K 356 17
                                    

Chapter 19

Nagising ako nang may marinig akong nagdo-doorbell, kinapa ko iyong phone ko sa kama para macheck ko kung anong oras na. I open my eyes slowly just to see na 5:00 AM palang.

Gosh, I'm still sleepy ... sino ba iyong nagdo-doorbell ng ganito kaaga? Tumayo ako, nag-unat muna bago ko tuluyang minulat ang mga mata ko atsaka ko lang na-realize na wala nga pala ako sa bahay. Lumayas nga pala ako sa amin at tinulungan ako ni Juan.

Siguro sya iyon, pero sa kanya 'tong condo kaya bakit pa sya kakatok? atsaka sobrang aga pa.

Mabilis akong tumayo, lumapit sa pinto at binuksan iyon.

"Do you have food here? wala akong pagkain sa unit." Sabi ng lalaki na dire-diretsong pumasok sa unit ni Juan.

Napatalikod ako nang nakita ko na naka-topless iyong lalaki, he's just wearing a pyjama at mukhang hindi nya ko napansin kasi dire-diretso ang pagpasok nya. Pumunta sya sa kusina at binuksan ang ref, sobrang at home nya. Sino ba 'to?

"Coach wants us in the gym at exact 7:00 AM , may meeting daw. Pakainin mo muna ako." Sabi pa nito tapos humarap sa akin at sabay na nanlaki ang mata naming dalawa nang makilala namin ang isa't-isa.

"Mary."

"Hunter."

Sabay naming banggit sa pangalan ng isa't-isa, halos mabitawan ni Hunter ang fresh milk na hawak nya. Ginawa nya pang kusina ang unit ni Juan, wala ba syang pagkain sa bahay nila? bakit nandito sya ng ganito kaaga at wala man lang syang pantaas?

"Anong ginagawa mo dito?" Sabay ulit namin na sabi, kumunot ang noo nya.

"Because I live next door, why are you here at Juan's place?" He asked, medyo galit ang tono ng boses nya. Bakit sya nagagalit? hindi ba maganda ang gising nya? atsaka bakit ba sya nakahubad? ganyan ba sya matulog? walang damit?

"Are you dating Juan?" Sumunod na tanong nya nang hindi ako nakasagot agad.

"Hindi ano ... ano kasi ..." Napatigil ako sa dahilan ko nang biglang tumawa nang mapakla si Hunter.

"So si Juan pala talaga?" Saad nya, napapikit ako.

"Hindi nga sabi." Ulit ko, tumaas ang kilay nya.

"Then, why?" Tanong nya, huminga ako nang malalim bago ko sinabi sa kanya. Ayoko namang isipin nya na ako at si Juan kasi hindi naman talaga. Tinulungan na nga ko ng tao tapos mai-issue pa, kawawa naman iyong kulot na iyon atsaka itsura palang ni Juan halatang hindi na ko pasa sa standards nya.

"Sorry to hear that ..." He said after kong mag-kwento, alam nya naman na hindi talaga okay ang relasyon ko sa family ko kaya madali lang akong nakapag-vent out sa kanya. Ang bigat na kasi ng dibdib ko na gusto ko na iyong ilabas ngayon na, and upon telling Hunter about it naramdaman ko ang pag-gaan ng dibdib ko.

"Okay lang ... atsaka tinulungan naman ako ni Juan." Sabi ko at ngumiti nang tipid sa kanya. He nodded.

"Wait ... may natira pang pesto pasta dito. Kumakain ka ba non? iinit ko para makapag-breakfast ka na." Sabi ko tapos pumunta din sa kitchen ni Juan, umupo si Hunter sa may kitchen counter.

Kaninang 1:00 AM ko lang 'to binili kasi late na talaga ako nakatulog, feeling ko na-homesick ako. Hindi ako sanay makitulog sa bahay ng iba tapos bahay pa ng lalaki na hindi ko naman ganoon ka-close. Hunter's circle is kinda nice, nice din naman si Blaze pero minsan walang filter ang bibig kaya nga ang ending lagi ay nagbabardagulan silang dalawa ni Kamila.

Nilibot nang tingin ko iying kitchen, nasaan ba ang oven ni Juan para mainit ko 'tong pesto? I keep on looking around hanggang sa makita ko na nasa may itaas na cabinet iyon. Tumingkayad ako para maabot ko kahit nahihirapan ako, pinilit ko padin na kunin kasi nahihiya naman akong magpatulong kay Hunter pero na-out of balance ako at muntik na matumba kung hindi lang ako sinalo ni Hunter.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon