Chapter 13

14.9K 375 10
                                    

Chapter 13

"Umiiyak ka ba?" Tanong ni Yujin nang maabutan nya akong umiiyak sa gilid ng kalsada, lumapit ako sa kanya at niyakap sya bilang sagot.  Nabitawan nya tuloy iyong helmet na hawak nya dahil sa gulat sa ginawa ko. Ewan ko ba ... ang hilig kong umiyak nitong mga nakaraang araw. Nagiging balat-sibuyas na talaga ako.

Hinayaan lang ako ni Yujin na umiyak hanggang sa mapagod ako, sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko after nang mangyari kanina na kailangan ko pa syang tawagan para lang sunduin nya ako dito kasi feeling ko ay nag-jelly na iyong mga tuhod ko na hindi ko na kayang bumyahe pa pauwi.

Ayoko din kasing magpakita kila Kamila at Zivs, nahihiya ako sa kanila. I just don't like it knowing that people looks at me as if I was a snake or manga-agaw because I'm not and I don't want to be one.

Iniisip ko palang na ganon ang tingin sa akin ng mga tao ngayon, naiiyak na talaga ako ng sobra. I just want to cry so loud para mailabas ko lahat ng bigat na nararamdaman ko ngayon.

"Salamat." Sabi ko kay Yujin nang inabutan nya ako ng bottled water mula sa vending machine na nasa tabi namin, umupo lang kami sa may hagdan doon habang tinitignan iyong mga dumadaang sasakyan sa harapan namin. It took me 30 minutes bago ako tuluyang tumahan at kahit papaano gumaan naman iyong pakiramdam ko pero nararamdaman ko padin iyong tinik sa dibdib ko.

"Pwede mo na bang sabihin sa akin kung bakit ka umiyak? lalaki ba yan?" Tanong nya.

I look at him thinking if pwede ko bang sabihin sa kanya. I know he wouldn't judge me ... He's Yujin, he's my bestfriend and he always take my side simula high school palang kami kaya naman tumango ako. Ngumisi sya bago uminom doon sa sprite in can na binili nya din mula sa vending machine.

"I met this guy ... he's so nice to me. Alam ko naman na may girlfriend na sya and I just want to be friends with him pero iyon, bigla nya nalang sinabi na gusto nya na ako at break na sila ng girlfriend nya at kanina kinausap ako ng babae, she cried infront of me. Nagi-guilty ako kahit alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginawa, feeling ko ang sama-sama kong babae." Pagkwento ko sa kanya and even showed him Hunter's picture kasi sabi nya gusto nya daw makita kung gwapo ba iyong iniiyakan ko kasi sayang daw luha kung sakaling mas gwapo pa sya. Baliw talaga nito.

"Sakit naman. Iyong babaeng gusto mo, pinapaiyak lang ng iba ano?" Mahinang savi nya after kong magkwento sa kanya at tinitigan ako, hindi din ako sure kung para saan ba 'tong pag-iyak ko. Kung dahil ba sa iniisip ng mga tao tungkol sa akin or dahil alam kong after nito hindi na kami babalik ni Hunter sa dati kasi seeing Khazzandra awhile ago parang mas gusto ko na tuluyan nang lumayo sa kanya.

"Baliw ... wag mo nga kong binibiro dyan." Sabi ko kay Yujin nang hindi nya pa din binitawan iyong titig nya sa akin. Hilig nya kasing biruin ako kaya madalas ay hindi na ko naniniwala sa mga sinasabi nya, kaya nga tinatawanan ko lang si Jere tuwing inaasar ako sa kanya kasi para sakin si Yujin ay kaibigan lang na mapang-asar, he's not the serious type kasi.

Nginitian nya lang ako nang mapakla.

"Not me asking Bree not to attend the gig just to be with you." Sabi nya lang tapos tumungga ulit doon sa sprite nya, biglang bumilis iyong tibok ng puso ko.

Does he mean? hindi talaga sa hindi pinapayagan si Bree ng parents nya?

"I've been liking you since high school pero wala e, feeling ko ang daming anesthesia ang sinaksak sayo noong baby ka kaya hindi mo maramdaman." Sabi nya tapos sinandal nya iyong ulo nya sa balikat ko, nag-skip tuloy ng beat ang puso ko.

Hindi naman sa manhid ako pero kasi hindi ko ugaling mag-assume. I am a person who don't give mallice sa kabaitan na pinapakita sa akin ng mga tao sa paligid ko kasi alam ko na minsan iyong expectations natin ang makakasakit sa atin ng sobra.

Sabi nga nila ... don't get attached to anyone, it will lead to expectations and expectations will lead to disappointments. Anticipate everything and expect nothing pero ewan ko ba kung anong nangyari sa akin pag-dating kay Hunter, meron ata talagang isang tao na exempted sa lahat ng rules na binibigay mo sa sarili mo kaya kasalanan ko kung bakit ang bigat-bigat ngayon ng pakiramdam ko.

"Yujin ..." Tawag ko kay Yujin kasi bigla nya kong niyakap, nakapatong padin iyonh ulo nya sa balikat ko.

"Hayaan mo lang muna ako, hinayaan din kaya kitang umiyak kanina habang yakap ako." Sabi nya lang sa akin kaya hinayaan ko na nga sya, atleast with him alam kong wala akong ibang masasaktan kay Hunter kasi ...

Ayan si Hunter na naman ...

After a few minutes of him hugging me kasi ayaw nya talaga akong bitawan, we decided to go home. Sinuot nya sakin iyong spare helmet nya habang nakasakay na sya sa motor nya bago ako umangkas sa likuran nya. Kinuha nya iyong kamay ko at niyakap iyon sa bewang nya. Dati naman okay ako doon pero ngayon bigla akong na-awkward after nya sabihin na may gusto nga sya sakin.

I'm really not pretty, that's what I thought about myself pero bakit ba nila ko nagugustuhan? to think na ang daming magagandang babae sa paligid nila. Yujin is a band member who has tons of fangirls online tapos si Hunter isang basketball player, he can pull anyone kahit na mga artista or model pa, kaya bakit?

I was trying to sweep away what I was thinking nang madaanan namin si Hunter na nakatayo sa gilid ng poste na hindi kalayuan sa pwesto namin kanina, para tuloy nag-slow motion iyong paligid ko nang magtagpo ang tingin naming dalawa.

His eyes are sad but so as mine, sumikip bigla iyong puso ko habang tinitignan ko sya. Iyong itsura nya para bang nabagsakan ng langit at lupa, he even tried na lumapit sa amin kasi nakahinto pa kami sa stoplight pero hindi ko na dapat pa problemahin pa sya.

I should get rid of him inside my head, pwedeng wala na nga sila ni Khazzandra but I should still respect Khazzandra's feelings. Remembering her face awhile ago really do guilts me, no girls deserves to be treated that way.

Whatever Hunter did to her was a total red flag, I know that it's bad to judge someone without knowing their reasons pero kasi maling-mali itong mga nangyayari. Partly may kasalanan din ako kasi I befriended him knowing that he already has a girlfriend pero for friendship lang naman talaga iyong akin e, for friendship lang kasi mabuti namang tao si Hunter pero sa nangyayari ngayon ... hindi na pwede.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at isinandal iyong ulo ko sa likod ni Yujin.

I'm sorry, Hunter but the right thing to do is to stay away from you.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon