Chapter 17

14.6K 328 11
                                    

Chapter 17

"Okay ba?" Tanong ni Yujin nang pinakita nya sa akin iyong suot nya. Napapanganga ako kasi di ako makapaniwala sa itsura nya.

He's wearing a black leather jacket and black pants that he looks like a rock star i-add mo pa iyong hikaw nya sa labi at sa isang tenga nya. I just can't believe that a guy looks so fine as him is into me. Artista na yan, Mary. You might not be God's favorite but somehow he gave you a favor this time.

Sabi ko Hunter is out of my league pero ngayon pati si Yujin ata out of league ko na, ano bang ginawa ko sa past life para ma-meet ko iyong mga lalaki na kagaya nila? I can't even remember reciting a prayer just for a guys like them to came into my life, so how?

"Ang gwapo mo." Sabi ko, ngumisi sya.

"Wow, ngayon mo lang ako sinabihang gwapo ha." Sabi nya sa akin.

"Well ... kasi ang dami nang nagsasabi sayo, natatakot lang ako na baka lumaki ang ulo mo dati kapag pati ako sinabihan kang gwapo tapos hindi mo na ko pansinin lalo na pag sikat ka na." sagot ko sa kanya, napalabi sya.

"Imposible ... para nga kong linta na laging nakadikit sayo." Sagot nya naman.

Ngayon ko lang din na-realized that he's always there for me, kahit na hindi ko pinili iyong banda he still make a way to see me. Sabi ko kasi sa kanila na gusto kong mag-focus sa paga-aral pero itong baliw na 'to dinadahilan lagi si Bree kaya naman madalas sub padin ako sa gig nila, siguro nga manhid ako kasi hindi ko kaagad naramdaman iyon.

"Sir Yujin, ready na po." Tawag sa kanya ng isang staff kaya sinenyasan ko sya na sumunod na.

It's a shoot para sa isang clothing brand, he wasn't alone. May partner sya. I don't know the girl's name pero I guess artista din sya, ang pretty nya kasi! These guys around me sorrounds with pretty girls, feeling ko anytime soon bigla nalang akong maiiwan sa ere. Siguro isa din iyon sa rason kung bakit natatakot ako, what if one day? they found someone better?

Like Yujin, I really wanted to commit on him kasi iyon ang pangako ko sa sarili ko pero kasi ang daming what ifs.

With all the choices I have, Yujin would be my best option. He treats me well and I wouldn't hurt anyone but looking at him with his partner right now, it's scary. What if he falls for her and realized na hindi pala talaga ako ang gusto nya?

"All done for today, thank you everyone!" Sabi ng lalaki na nakaupo doon sa gilid ng camera matapos ang halos isang oras na shoot at tumayo na, lumapit sya doon kay Yujin at sa ka-partner nito.

"You guys have a good chemistry, I would want to see you on screen together." Sabi nito sa kanila.

"Diba both single kayo? bakit hindi mo ligawan itong si Steffi, Yujin? bagay na bagay kayo." Sabi pa nito, tumingin sa gawi ko si Yujin. Sinensyasan nya ako na wait lang kaya tumango ako sa kanya kasi matagal pa silang kinausap ng direktor para sa shoot.

All I can hear is him keeps on telling them kung gaano sila ka-bagay, kahit ako naman agree sa kanya. They really look good together, ako kasi parang P.A lang ni Yujin. May staff pa nga na pinakuha ako ng bottled water kanina at ako naman sumunod sa kanya, ewan ... nakakahiya kasing hindi sumunod

"Gutom ka na? gusto mo kain muna tayo?" Tanong ni Yujin nang nasa may motor nya na kami, may service car naman na pinapahiram sa kanya ang management pero itong pasaway ayaw gamitin. Mas sanay daw kasi sya sa motor at mas convenient, iwas sa traffic pero kapag malayo naman daw gagamitin nya din iyon. Complete package kasi talaga ang offer sa kanya, sure ako na aalagaan syang mabuti ng limelight.

Kumain kami sa isang tapsihan, sa paborito naming kainan. Alam nya kasi na kapag dito kami kakain sure na mapapa-dami ang extra rice ko, paborito ko kasi iyong sinangag dito. Napansin nya din siguro na dito lang ako nakakapag-extra rice kasi sa iba naman lalo na kapag fast food hindi ko kayang ubusin ang kanin. Ang payat ko tuloy.

We just talk, just the usual. He told me na may shoot sila sa malayo by tomorrow kaya baka hindi kami magkita. Ofcourse naiintindihan ko, I was the one who force him to enter showbiz pati iyong mga ka-bandmates nya kasi para din naman sa kanya iyon.

Ngayong nandito na ang opportunity why say no diba? He badly need that and I know na he really wants to do that. Since high school I could see his passion in everything, sadly he didn't get to college dahil nga nagkasakit ang Mom nya. Nag-focus sya sa banda, he's so hardworking and he deserves lahat ng blessings na dumadating sa kanya ngayon.

I also promised him na from time to time dadalawin ko ang Mama nya, may bantay naman iyon pero still gusto ko padin dumalaw para ma-update ko si Yujin sa progress ng health ni Tita and then we changed topic and he asked me to tell him stories. He's a good listener too and I felt bad for him because sometimes I'm telling myself na pareho sila ni Hunter, palagi ko syang nakukumpara kay Hunter at alam kong hindi ito tama.

I'm really weird kasi mas matagal ko nang kilala si Yujin kaysa kay Hunter pero mas na-attached ako kay Hunter, I should erase this feeling. I'm being unfair, not when I already told myself that I'm choosing Yujin. Ano ba kasi itong nararamdaman ko? parang tanga.

"Tinatawagan ka pa dinnya?" Tanong ni Yujin nang biglang nag-vibrate iyongcellphone ko sa taas ng lamesa at nag-pop up doon ang name ni Hunter, hindi ko padin nabubura iyong number nya sa phonebook ko pero paano nya nalaman itong number ko? sinong nagbigay sa kanya? Bakit sya tumatawag? sinabi ko naman sa kanya na after ng camp, hindi na namin kailangan mag-usap pa.

"Sagutin mo na, baka importante?" Sabi nya pa, tinalikod ko iyong cellphone ko kasi wala naman akong balak sagutin iyon.

For goodness sake, Mary. Wag kang gagawa ng mali. You're not the type of a girl na tatawid sa dalawang ilog, hindi ka maganda. Choose kung sinong nasa harap mo, he was the better option sinasabi ko na sayo. Ayusin mo mga desisyon mo.

"Hindi ha, nag-usap na kami. We already told each other na hindi na, even friendship hindi na because I already have you, I want to be with you." Sabi ko, ngumiti sya nang tipid.

"Totoo ba?" Tanong nya, I nod my head then he lean on me and tapped my hair.

My heart skips a beat, the reason kaya naman mataas ang confidence ko na magugustuhan ko din si Yujin kasi he also makes my heart skip a beat or baka normal lang naman na ganito talaga iyong mararamdaman mo kapag may tao na mabait sayo?

"Sana nga." Dugtong nya pa at nginitian ako ulit.

Making me more guilty. Damn you, Mary ...

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon