Chapter 24

14.8K 358 11
                                    

Chapter 24

Hunter and Mochi became closer, mas madalas pa si Mochi sa unit nya kaysa sa akin kaya naman mas maamo na iyong pusa sa kanya. Nakikita ko nga na pino-post nya pa ito sa IG nya at may mga comment na kung paano daw ba maging pusa para sila nalang iyong alagaan ni Hunter, iyon daw kasi ang bagong pangarap nila. Ang weird ng mga tao nowadays.

"May gagawin ka ba bukas?" Tanong ko since sabado naman na bukas, baka kasi may training or game sya. Noong nakaraan kasi niyayaya nya akong manood pero sobrang busy ko talaga, school sa umaga tapos part time sa gabi kaya weekends lang talaga ako nakakapag-pahinga nang maayos.

"Wala naman, bakit?" Tanong nya habang nilalaro nya si Mochi sa kamay nya.

Sobrang cute nilang dalawa, never thought na maattached sya sa pusa na yan na muntik ko na iwanan doon sa halamanan kasi sinabi nya sa akin na he doesn't like cats because they are louds but looking at him now. Sobrang worth it, may bago na syang sleeping buddy. Madalas ko kasi silang maabutan na natutulog sa sofa at magkayakap, ngayon lang nagsi-sink in sakin na swerte nga talaga ni Mochi.

"Binigyan kasi ako ng ticket ng mga kaibigan ko na may banda, may concert sila. Gusto mo sumama?" Sabi ko. 1st ever concert nila Jere. Natuwa nga ako kasi naalala nila ko na sabihan na pumunta kasi lagi ko talaga pinagpi-pray na makuha na nila iyong big break nila and now na natupad na nila iyon. I really wanted to witness their first ever concert.

"Okay, gusto kong sumama." Sabi nya, I smiled at him tapos pinagpatuloy na iyong ginagawa ko, nasanay na kasi ako na lagi syang tambay dito sa unit ko. Naglalaro lang sila ni Mochi habang ako busy sa page-encode, nakakatuwa silang panoorin kaya hindi rin talaga ako dinadalaw ng antok kaagad.

Mabuti naman at gusto nya akong samahan, ayoko kasing pumunta doon sa concert ng mag-isa. Ayoko naman maging loner since sure ako na madaming aattend doon, hindi naman kasi mahilig sa ganoong concert si Kamila kaya hindi ko sya maaya. Baka mas gustuhin nya pa kapag kpop idol iyong may concert.

"Kanino mo iniwan si Mochi?" Tanong ko kay Hunter kasi bago kami pumunta sa concert ay may dinaanan muna kaming bahay kasi iiwan nya daw doon si Mochi since walang maga-alaga sa unit. Sobrang nagaalala sya e, baka daw magutom or magkalat sa unit habang wala kami kaya nagisip talaga sya kung kanino nya iiwanan.

"Dien." Sagot nya, I nod at him.

Sa kapatid nya pala, hindi ko pa ulit iyon name-meet after nang magharap kami dati sa MOA. I bet galit pa din sya sakin kasi isa sya sa iniisip na inagaw ko ang Kuya nya kay Khazzandra and surely mas magagalit sya if ever malaman nya na nakatira ako sa unit na binili ng Kuya nya. Nakakalungkot iyong thought pero wala naman akong magagawa, hindi ko naman kasi mako-control ang iniisip ng mga tao about sa akin.

"Don't worry, she likes cats. She won't harm him." Sabi ni Hunter nang hindi ako sumagot, nahalata nya ata iyong worries sa itsura ko pero hindi naman kasi iyon ang nasa isip ko. Alam ko namang hindi nya iiwan si Mochi sa hindi sya aalagaan talaga kasi parang anak na ang turing nya sa pusa na iyon. Certified Cat Daddy na talaga sya.

"I know." Sagot ko nalang tapos nagumpisa na syang mag-drive ulit. Until now sobrang ino-overthink ko padin kung ano iyong mga possible na sabihin sa akin ng mga tao if ever maging kami nga ni Hunter ... pero tama naman si Kamila sa sinabi nya sa akin noon na as long as I know na wala naman talaga akong kinalaman sa pagbe-break nila ng ex nya, I should not worry about other people's one-sided opinion. Hindi naman sila iyong papakisamahan ko sa future.

"Ang daming tao." Sabi ko nang makarating kami sa Arena, ang haba ng pila. I get my phone and film something for my IG story, this is their first ever big concert and I'm so proud of them.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon