Chapter 10

17.3K 450 35
                                    

Chapter 10

"Anong meron?" Tanong ni Zivs sa amin nang mapansin namin na nagtatakbuhan iyong mga schoolmates namin papunta sa basketball court.

I shrugged kasi kahit ako wala naman akong idea kung anong meron kaya naman ang ginawa ni Kamila ay hinila nya iyong unang estudyante na dumaan sa gilid nya kaya napahinto iyon. Loka-loka talaga.

"Wait Aaliyah, anong meron?" Tanong nya dito, halata sa mukha ni Aaliyah na excited sya at parang gusto nyang sumabog sa sobrang kilig.

"Magpa-practice game daw ang UP dito kasama iyong basketball team natin, nandoon si Ricci! OMG! Baby ko!" Sabi nito bago mabilis na tumakbo muli at kita ko kung paano napangiwi si Zivs nang marinig nya ang pangalan ni Ricci tapos si Kamila naman ay kumunot ang noo.

"Blaze Adrian Sy ... at talagang hindi mo ko sinabihan ha?" Gigil na sabi ni Kamila at naglakad na kaya naman sumunod kami sa kanya papunta sa court.

Ang daming tao at halos lahat sila nagsi-sigawan. Ang sakit sa tenga ... umupo lang kami sa may bakanteng bench doon, mabilis na napunta ang mata ko sa gitna nang court at nakita ko na kausap sila ng coach nila at mga mukha silang seryoso.

Ang cute lang kasi maglalaro lang naman sila ng basketball pero parang sasabak sila sa gera. Ball is life talaga.

The game started at si Hunter iyong nag-jump ball, he's wearing jersey number 71 and I wonder what's that number mean ... sabi kasi nila kadalasan daw sila ang namimili ng number nila and usually birth date iyon or monthsary date? iyong kanya kaya?

I was just looking at him the whole time. He's so serious and looks so passionate about what he's doing, mas gumagwapo sya kapag naglalaro sya. Wait ... normal pa ba 'tong naiisip ko? bakit ang gwapo nya talaga sa paningin ko lalo?

Hindi ko na nga napapansin iyong ingay kahit kanya-kanyang tilian ang mga tao ng pangalan ng mga crush nila pati nga si Kamila nakikitili na, ganito pala kapag nanunuod ka ng liga talaga. Nakaka-nerbyos iyong sigaw ng mga tao sa paligid mo, mabuti nalang hindi naiirita ang mga players sa ingay nila at naka-focus lang sa pag-shoot ng bola.

After ng game hinila kami ni Kamila papunta sa gitna ng court, panalo kasi ang team nila Hunter pero mukhang masaya pa ang nga school mates ko na natalo iyong team namin? ang weird lang nila kasi mas chini-cheer nila ang team nila Hunter kaysa sa school namin. Taksil sila sa eskwelahan palibhasa ay mas gwapo ang players ng UPMBT.

Lumapit si Kamila kay Blaze tapos si Zivs nakita ko na palapit kay Ricci, huminto lang ako kasi hindi ko alam kung saan ako pupunta nang may kumalabit sa likuran ko.

"Uy ... congrats!" Sabi ko nang makita ko si Hunter, ngumiti sya sa akin.

"Thanks for watching." Sagot nya naman.

"We're just going to take shower, kakain kami sa labas. Sama ka ha?" dagdag nya na tinanguan ko naman tapos lumapit na kay Juan na tahimik na nakaupo sa bench at umiinom ng tubig, may tinitignan sya na kung ano kaya tumingin ako sa direksyon na iyon at nakita ko na nakatingin sya sa labas ng court kung saan nagu-usap si Ricci at Zivs.

Bakit parang may love triangle akong naaamoy? ewan ... nagiging malisyoso na din ata ako dito. I mean, maganda kasi talaga si Zivs tapos cute. Ang simple-simple kaya hindi ko masisisi iyong mga lalaki na magka-gusto sa kanya.

After nilang mag-shower pumunta kami sa isang korean restaurant, suggestion ni Blaze kasi sya daw ang MVP. Kami lang naman, si Ricci at Zivs, si Kamila at Blaze, Ako at si Hunter then si Juan. Iyong ibang ka-team mates nila hindi na sumama.

I was sitting beside Hunter, tahimik lang kami habang nakikinig kay Blaze na inaasar si Kamila. Ang cute nilang dalawa, parang aso at pusa pero makikita mo na may sparks sa pagitan nilang dalawa. Nakakatuwa lang na nag-sama iyong dalawang maingay na 'to kasi kung kami-kami lang siguro, ang boring ng dinner.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon