Chapter 07

16.5K 494 23
                                    

Chapter 07
Hunter sent you a message

Why does the elephant use his trunk as bookmark?

Why?

So he NOSE where he stopped reading.

I laughed hard when I read his punchline na napatingin pa sa akin sila Mama dahil nandito ako ngayon sa kusina at umiinom ng tubig, I bow down to them bago patakbong umakyat sa kwarto ko.

Noong isang araw pa sila nandito, sometimes mas gusto ko na wala nalang sila sa bahay kasi atleast kapag ganun free lang ako na gawin ang gusto. Hindi ganto na para bang kina-calculate nila bawat kilos ko kasi anytime pakiramdam ko iko-compare na naman nila ako sa mga kapatid ko.

My sisters are smarts and classy at ako? common lang, not enough to be proud of.

Hunter sent you a message

Hindi ka nag-react, ang corny ba?

Hindi ha, tawang-tawa kaya ako.

Sabi kasi nitong si Juan, corny ko daw e ...

Sino si Juan?

After kong itanong iyon ay nag-send sya sa akin ng picture kasama ang isang lalaking may kulot na parang brocolli ang buhok at nakita ko din sa likod nya si Blaze pati nadin si Ricci na tila nagu-usap, magkakasama sila so I guess may laro siguro sila.

Saan game nyo?

Dito sa GH, practice game lang.

Oh ... Goodluck!

After kong isend ang text na iyon ay hindi na sya nag-reply.

Hinayaan ko nalang kasi baka busy din sya since may practice game nga sila. Sa ngayon masasabi ko na isa na sa mga kaibigan ko si Hunter. Mabait naman sya at may sense kausap.

Madami din kaming similarities kasi bukod sa mahilig syang magbasa ng novels, he also like to watch horror movies. Sabi nya nga manood daw kami minsan para malaman namin kung sino daw talaga ang totoong takot sa aming dalawa, natutuwa lang talaga ako kasi may isang tao na na nakaka-relate sa ka-weird'uhan ko kahit papaano.

Kinabukasan, pumunta ako sa school kasi start na ng enrollment ulit. Paulit-ulit nga kong tinatanong nila Mama kung may balak na daw ba ko mag-shift into Polsci pero sinabi ko na hindi talaga, kasi alam ko naman na hindi ko mae-enjoy iyon. Sobra na iyong anxiety ko sa ibang bagay, wag naman sana pati sa paga-aral.

Nagla-lakad na kami ni Kamila sa corridor nang marinig naming tinawag kami ni Zivs. She keeps on texting us through out the vacation pero hindi ko sya nirereplyan. Gusto ko lang ma-realize nya na mali sya sa ginawa nya kasi hindi dapat sya ganoon. Kung totoong kaibigan nga iyong turing nya sa amin. Hindi ko naman talaga ugaling magalit pero na-offend talaga ako sa mga nangyari kasi sila lang naman iyong meron ako ngayon.

"Do you want coffee? I'll treat you." Sabi nya nang humarap kami sa kanya

"No thanks, we need to do something. Let's go, Maria." Sabi ni Kamila sa kanya.

I try not to laugh kasi umaarte talaga sya ng bongga. Sinabi ko naman sa kanya na pa-guiltyhin lang namin si Zivs saglit pero wala naman talaga kaming balak i-ignore sya habang buhay. She's our bestfriend atsaka baka pag-nagkwento sya samin baka maintindihan din namin sya, mahirap din kasi iyonh magiging one sided lang kami.

"Guys, please. I don't wanna lose you." Sabi pa ni Zivs, naawa na ako sa kanya pero kailangan kong gawin iyong napag-usapan namin ni Kamila kung ayaw kong masabunutan mamaya.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon