Chapter 30

17.3K 385 71
                                    

Chapter 30

"Oh, tapos na iyakan? uwian na?" Sabi ni Jere nang palabas na kami sa dorm ni Bree, pang-asar talaga tong isang 'to ... kung normal na araw siguro tatawa ako sa kanya pero ngayon wala talaga akong ma-react sa kanya.

It was 7:00 PM already at ngayon ko lang naisipang umuwi, I was so drained that I wasn't able to speak. Tulala lang ako ng literal kanina.

"Gago! sige na ... hahatid ko muna." Sabi ni Yujin bago ako iginaya papunta sa motor nya, tahimik lang sya na tinitignan ako kanina. Ganoon din si Bree, kahit hindi nila sabihin alam kong naaawa sila sa sitwasyon ko.

Hunter is my first boyfriend and I wanted him to be my last pero hindi ata meant to be iyon, ngayon palang ganito na iyong pain na nararamdaman ko paano pa sa susunod? nakakatakot.

"Thank you and sorry, basang-basa iyong shirt mo." Sabi ko, literal na umiyak ako sa balikat nya. Hindi naman sya nag-reklamo, nabasa tuloy sya.

"Tss ... iyon pa talaga ang iniisip mo? okay lang ako, ikaw ang hindi okay. Sleep early and don't think too much." Sabi nya habang nilalagay nya iyong helmet sa ulo ko, I nod at him bago kami sumakay na sa motor nya. Sobrang humble pa din. Sikat na artista na pero iyong lumang motor nya pa din ang ginagamit nya. I really am lucky to be his friend, despite sa mga nangyari nandito padin sya sa tabi ko.

Sinabi ko sa kanya na dadaan lang ako saglit sa condo para kumuha ng ilang gamit kasi doon muna ako sa bahay magi-stay, the condo reminds me of Hunter at alam ko na maiiyak lang ako lalo kapag doon ako natulog. It was his, it feels like him and it smells like him. Everything about that unit feels like Hunter Ysmael Barrameda at nakakaiyak iyon.

Dahan-dahan akong pumasok sa unit, I ask Yujin na sa baba nalang ako antayin kasi mabilis lang naman ako pero nagulat ako kasi pagpasok ko nandoon si Hunter. I'm really noob to not think na baka nandito nga sya.

"Love ..." Tawag nya sa akin nang makita nya ako, tumayo sya mula sa pagkaka-upo nya sa couch at nilapitan ako.

"Kukunin ko lang iyong mga gamit ko, uuwi muna ako sa bahay." Inform ko sa kanya tapos maglalakad sana papunta doon sa closet pero bigla nya kong niyakap mula likuran ko.

"Love, please ... wag naman ganito. It's not really what you think it is." Sabi nya, his voice cracked as if he's been crying the whole day too.

It's unfair, bakit sya iiyak kung sya naman iyong nanakit dito. He shouldn't be crying, ako iyong mas nasaktan kasi nag-sinungaling sya sa akin.

"Why? alam mo ba kung ano 'yong iniisip ko?" Tanong ko sa kanya kasi kung alam nya, alam nya din dapat kung gaano na ko parang mababaliw ngayon.

Imagine he just prove to you na tama ang sinasabi ng ibang tao, he just became the guy he said he wouldn't be. Grabe ... ibang level ng pain na gusto ko nalang mawala ngayon.

"Walang nangyari sa amin, I just stayed there but nothing really happened. I swear to God, Love ... hindi ko magagawa iyon sayo." Sabi nya pa, nakagat ko ang ibaba ng labi ko. I even feel my blood by doing that pero wala na kong pakialam, kasi mas masakit ang puso ko ngayon.

Gusto kong magsabi nang mga masasakit na salita pero hindi pwede because WORDS, once they are said you can't take it back. It can be forgiven but not forgotten. Ayokong pagsisihin kung may masabi man akong mga bagay ngayon na nasabi ko lang dahil galit ako, we should always think before we say something.

"Look Hunter ... you stay the night in her condo. Anong gusto mong isipin ko ha? na nag-jack en poy lang kayo doon?" Sabi ko, trying to calm myself. I am now frustrated, I told myself to note that love is really do frustrating pero hindi ko akalain na ganito ka-frustrating na para bang sasabog na ko.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon