Chapter 26

15.9K 348 16
                                    

Chapter 26

"OMG! We're really going to Siargao!!" Sigaw ni Kamila nang makarating na kami sa airport.

It's been 3 months after ng graduation namin tapos ngayon lang natuloy iyong mga plinano namin noon pa. Siargao is waving na talaga!

I smiled at Hunter, magkahawak ang kamay namin habang naglalakad kami palapit doon sa eroplano. Nauna na kasi si Kamila at Blaze kasi sobrang excited talaga ni Kamila. Ang tagal nya daw talaga hinintay na makapag-travel na kami lang at hindi kasama ang parents nya, freedom is real na daw talaga.

"Dien, wag mo gugutomin si Mochi ha? I'm sending money on your bank account. Wag ka na magreklamo. Fine ... will buy you that bag, Brat. Okay, sige na." Sabi nya kay Dien na kausap nya via facetime, alam naman niya na kami na ni Hunter but she still hates my existence pero okay lang naman sakin. Hoping na one day sana magkasundo kami kasi ang awkward naman kung lagi nya nalang ako iirapan tuwing nakikita nya ako.

"Want to take a nap?" Tanong ni Hunter sakin nang nakarating na kami sa seat namin, nakita nya siguro na humikab ako.

7:00 AM palang kasi kaya medyo inaantok pa talaga ako since late na ako nag-out kagabi. Tumango ako sa kanya, kinuha nya ang ulo ko tapos ipinatong sa balikat nya. They said na almost 3 hours daw ang travel time kaya matutulog nalang muna ako, I'm really sleepy.

Almost 11:00 AM na kami nakarating sa hotel kung saan kami tutuloy, it's so beautiful lalo na iyong parang infinity pool na kadugtong sa dagat. Gosh, ang relaxing naman ng ambiance dito sa Siargao! biglang parang ang gaan ng pakiramdam ko.

"Sup?" Nagulat ako nang biglang lumapit sa aminsi Juan. He was topless and his other hand is holding a surfing board. Nag-handshake sila ni Hunter at ni Blaze.

Napatulala ako kasi ang gwapo ni Juan lalo na at mas naging Tan iyong kulay ng balat nya, he's normally Tan pero mas nag-tan pa sya ngayon tapos bagong gupit pa ata sya kasi hindi ko nakikita iyong kulot na buhok nya.

"Musta? nasarapan ka dito, ha." Asar ni Blaze sa kanya tapos binati din iyong girl na kasama nito na Zephie ang name. She's so pretty.

"Gago, tagal nyo dumating e ... bibihis lang ako." Sabi nya tapos iginaya iyong babaeng kasama nya papasok doon sa hotel.

"Hindi ako naniniwalang bihis lang." Sigaw ni Blaze sa kanya kaya naman nag-sign ng 'middle finger' si Juan sa kanya na tinawanan lang ni Blaze bago kami pumasok na din sa hotel.

"Girlfriend nya ba iyon?" Tanong ko kay Hunter habang naupo kami doon sa dining since may food daw na pinahanda sila para makakakain muna kami, infairness maganda ang babae tapos parang may lahi. Ganon pala 'yong mga type ni Juan, blonde.

"Nope." Sagot naman ni Hunter habang sinasalinan ng wine iyong wine glass namin. Ang sarap ng mga pagkain na nakahanda sa lamesa, puro seafoods. Naramdaman ko tuloy ang gutom ko kasi tulog talaga ako sa eroplano kanina.

"Ah, ano lang?" Tanong ko, nakaakbay kaya si Juan doon sa girl papasok sa hotel. If not girlfriend, ano?

"Fling? I don't know ... the girl owns this hotel." Sabi ni Hunter.

"Binugaw nyo ba si Juan?" Gulat na tanong ko, tumawa sya.

I mean para makalibre ng hotel? Ang mahal mahal kaya dito. Looking at this hotel, feeling ko mas mahal pa iyong isang gabi dito kaysa sa 1 month rent mo sa isang condo or OA lang ako. Hindi ko kasi alam ang pricing kasi sabi ni Hunter na sila na daw bahala ni Blaze, pambawi nya daw kasi lagi ko silang pinagluluto ni Mochi kapag nasa unit ko sila. Sobra iyong bawi na 'to pero nang maisip ko na inalay nila si Juan para dito parang kawawa naman si Juan.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon