Chapter 28

15K 358 4
                                    

Chapter 28

"Halfday ka, Beb?" Tanong ni Monalee nang mapansin nya na naga-ayos na ako ng gamit ko, tumango ako sa kanya bilang sagot.

"Yup, may kailangan kasi akong daanan." Sabi ko, pumayag naman si Boss kaya okay lang. Nagpa-appointment kasi ako sa OB ngayon at ayoko na ma-miss iyon. This is an important matter for me.

"Pasabi nalang kay Kyla at Sam na una na ko." Sabi ko dahil naka-break pa kasi iyong dalawa. Una kasi ang break namin ni Monalee sa kanila kaya naman hindi na ako makakapag-paalam sa kanila.

Nag-taxi lang ako papunta sa Ospital. Today is the day. I really need this one for future purposes.

Halos 3 hours din iyong itinagal ko sa OB dahil ang dami paalala ni Doctora sa akin kaya naman nasarapan ako sa pagkausap sa kanya. Ang dami ko din kasing tanong sa kanya, I wanted to know much about this procedure para hindi talaga mapalpak mga plano ko.

Ayoko ng unwanted baby pero gusto ko na kasing gawin iyong bagay na iyon kasama si Hunter, ayoko na pahirapan sya atsaka lagi akong minumulto ng mga sinabi ni Samantha na kung hindi nya makukuha sa akin pwede naman sa ibang babae.

Gosh, I badly need to learn everything about this Depo-shot.

"Malandi, pokpok! manga-agaw!" Napalingon ako sa sumigaw non habang naga-antay ako ng taxi at nakita ang tatlong babae na pinapalibutan iyong isa pang babae, nakita ko kung paano hinila ng isa ang buhok nito. They're like a students from a university kasi mga naka-uniform pa sila pero iyong babaeng pinagtutulungan nila taga ibang university din.

"How dare you flirt with my Guy ha? ang kapal mo!" Sabi pa ng babae na medyo matangkad pero matapang na inalis ng babae iyong kamay nito. Hindi ko makita ang itsura nya kasi nakatalikod sya sa akin but she's so fearless sa way nang paghawi nya sa kamay ng babae.

"Hindi ko nga nilandi ano! Iyong boyfriend mo ang malandi! bakit hindi sya iyong awayin mo?" Sigaw nito.

Ang tapang nya ... napangisi tuloy ako. I always wanted to be that kind of person pero hindi ko talaga kaya kasi medyo soft hearted ako lalo na kapag may nagagalit sa akin and looking at her now, na-amuse ako. Tatlo kaya iyong kaaway nya.

"Hold her." Sigaw ng isang babae sa dalawang kasama nya na mabilis namang sumunod sa kanya, 20th century na ... hindi ko akalain na uso pa din ang mga mean girls na mahilig mambully.

"Hello? is this the police station?" Malakas na sabi ko habang papalapit sa kanila kaya napahinto iyong mga babae sa pagsabunot doon sa pinagtutulungan nila at napatingin sa akin.

"Yes, meron kasi sana akong ire-report na bullying near at Saint Lukes Medical Center?" Sabi ko pa, biglang nag-panic iyong mga mukha nila. Pinipigilan ko ang tawa ko kasi wala naman talaga akong kausap sa phone. Wag lang sana may tumawag sa akin kung hindi lagot na.

"We need to go, babalikan kita Dien Barrameda!" Sigaw pa ng babae bago sila nagtakbuhan ng mga kasama nya.

Dahan-dahan kong binaba iyong phone ko sa tenga ko then tinignan yang babae at nagulat ako nang makita ko na si Dien pala iyon.

"Gosh, I really hate them! how dare them touch my beautiful face?" Inis na sabi nya habang inaayos iyong damit nya bago napatingin sa akib, nanlaki iyong mata nya nang makilala nya ko.
***

"Thank you." Sabi ni Dien after kong ilapag iyong Iced coffee at Burger sa harap nya, dinala ko sya dito sa isang coffee shop para magamot ko iyong mga kalmot sa kanya ng mga babae.

Ang hahaba siguro ng kuko ng mga iyon kasi bumakat talaga sa balat nya, ang puti nya pa naman tapos iyong pisngi nya nagkagalos din dahil sa sampal ng babae na iyon. Kung alam ko na ganto na pala kalala ang ginagawa sa kanya ng mga babae na iyon pinahuli ko nalang sana talaga sa mga police, e.

Drop the Ball [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon