Chapter Twenty

363 9 2
                                    

2 am na kami nakauwi dahil napahaba ang kwentuhan namin ni Vince. Tila ayaw niya pa ngang bumitaw sa yakapan namin.

Nandito kami ngayon sa harap ng kwarto ko.

"Hindi ko pa nakamusta ang anak ko." Sabi ko sa kaniya, tumango naman siya at nilabas ang selpon niya.

"How's Xyphere?" Bungad nito sa kausap.

"Kuya naman! Antok pa me!" Nakaloud speaker ito. Nanlaki naman ang mga mata ko, alas dos na! Malamang ay tulog na ‘yong tao. Inistorbo niya pa si Flynn!

Sinamaan ko siya ng tingin dahil mali naman ‘yon, ngumisi naman siya sa akin.

"So? How's Xyphere?" Masungit na ani Vince sa kapatid.

"Okay lang siya, of course! Ako ba naman nurse niya, duh!" Maarteng litanya nito, magsasalita pa lang si Vince ay pinatay na niya ang tawag.

Mahinang natawa na lang ako dahil napamura pa nang mahina si Vince. "Panget ampota!"

"He's fine, Pauline. No need to worry about him." Harap nito sa akin, ngumiti siya, kaya napangiti rin ako.

"Sige, matulog na tayo? Napagod ka ba? Salamat ulit ha. " Inayos ko ang buhok niyang tumabing sa noo niya.

Napakagat naman siya sa ibabang labi niya saka malawak na napangiti.

"Thank you rin, for making me happy."  Lumapit pa siya sa akin tsaka binaba ang mukha niya, " Good morning?" Natawa naman kaming dalawa, umaga na rin naman kasi. " Sleep tight, baby. "





Halos kalahating oras na ako nakatitig sa kisame ng kwarto ko.

Sobrang saya kasi ng puso ko, gusto ko pang makasama ni Vince. Ang saya saya ko kapag nakakasama ko siya, parang ang sarap niyang angkinin, ang sarap niyang ipagdamot.

Napakagat ako ng ibaba kong labi dahil sumagi sa isip ko ang malambing na boses niya kanina at hinalikan ang noo ko nang makapasok na ako rito.

Napatingin ako sa suot kong singsing, ang ganda talaga, ayokong umasa dahil hindi pa man kami, pero kasi sa mga galaw niya, sobrang espesyal ko, kung ituring niya ako ay parang may kami.

Napabangon ako, hindi talaga dinalaw ng antok.

Ayoko namang gisingin si Vince, napabuntong hininga naman ako, gusto kong lumabas, 3 am na.

Nagsuot ako ng itim na hoodie at grey na jogging pants, nagsuot na rin ako ng beanie na binili namin sa night market kanina, kulay pink ito, ang cute nga e, malamig pa naman sa labas.

Paglabas ko ng kwarto ko ay bumungad ang room ni Vince, gusto ko mang kumatok ay baka maistorbo ko lang ang tulog niya kaya bumaba na lang ako sa lobby.

Bibili na lang ako ng mga pagkain sa convenience store.

Medyo malapit lang ‘to sa hotel kaya nilakad ko na lang.

Ano kayang masarap rito? Hindi ko pa natikman ang isang ‘to pero nakikita ko ‘tong binibili nila Nel, korean food ‘to.

Ilang minuto pa akong nag isip ng kakainin ko nang marinig ang pamilyar na boses na ‘yon.

"Why did you follow me here?" Pamilyar ang boses na ‘yon, Vincent.

Akala ko ba nakatulog na siya. Nangunot ang noo ko at binalik ang hawak kong chichirya.

"Because I miss my boyfriend." Sumilip ako kung nasaan ang nag uusap, halos madurog ang puso ko nang makita ang dalawa. Siya ‘yong babaeng pumunta noon sa office ni Vince, nakalingkis ito sa braso ng lalaki. Nakaupo silang dalawa sa mesa sa loob ng store. "Didn't you miss me, baby?" Malambing na boses ng babae at nilapit pa ang katawan sa lalaki.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now