Chapter Eighteen

394 13 0
                                    

"Do you want to try the ukay-ukay?" Mula sa paglalakad ay napatingin ako sa kaniya.

"Alam mo 'yon?" Gulat na tanong ko, hindi ko kasi inaasahang alam niya 'yon, mukha kasi siyang sa mga mall lang bumibili.

"Uhm, no, I actually searched some things where Baguio is popular at, it says their night market, ukay-ukay and the Mine's View. Alam ko na 'yong ibang tourist spots dito, hindi naman ako bago rito." Napangiti naman ako, sabi ko nga, hindi niya alam 'yon.

"Okay, parang gusto ko 'yong night market nila, mag uuwi ako ng pasalubong kay Xy." Ngiti ko, naririnig ko rin ang night market na 'yon, nagbukas kasi ako ng Facebook, naalala ko nanaman ang isenend sa akin ni Vince.

Maraming stickers na heart at mga videos na may kiss pa. Tinawanan ko siya kagabi nang makita ko 'yon pero sinimangutan niya lang ako, hindi ko raw kasi na appreciate ang efforts niya.

"Yes, of course, Pauline, uuwian talaga natin siya ng pasalubong." Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming pumunta sa kainan.

"Eat up, we're going to Burnham Park first." Siya ang naglagay ng pagkain sa plato ko, hindi ko alam bakit niya ako pinagsisilbihan pero natutuwa ako sa aksiyon niya.

Matapos kaming kumain ay dumeretso na kami sa kwarto namin para maligo at makapag ayos.

Nagsuot lang ako ng yellow mini maxi dress at denim jacket, binili ito para sa akin ni Nel, nakita niya 'to sa ukay, sabi niya'y babagay daw sa akin.

"Ang ganda mo." Bahagyang inayos niya ang buhok ko, titig na titig sa mukha ko.

"Sabi mo noon, bagay ang mukha ko sa pagiging janitress." Ngumuso ako sa kaniya, natigilqn naman siya.

Kitang kita ang pagkataranta sa mukha niya, "I-It's because... u-uh, for me to look cool, you know?"

"You embarrassed me for you to look cool?" Litanya ko, tumaas pa ang isang kilay ko na nagpagulat sa kaniya.

"Oh, it's my first time hearing you talk in english." Nanlalaki pa rin ang mga mata niya kaya napatawa ako at inayos ang ilang buhok na nakatabing sa noo niya.

"Tour guide ako dati."

"I just said that because my heart literally stopped when my eyes sighted you." Huling sabi niya at sumakay na kami sa sasakyan niya.

Nang makarating kami sa Burnham Park ay nagrenta kami ng bike. Tag isa kami ng single bike.

"Let's race," Nakangising aniya at sinisipat ang bike niya.

Napatingin din ako sa bike ko, pang babae ang disenyo na 'yon, may basket pa nga sa harap nito.

"Sige, tara, anong mangyayari sa natalo?" Laban ko sa kaniya, akala niya siguro'y aatrasan ko siya.

"Hmm, we'll see." Nagkibit balikat naman siya at tila natuwa sa pagtanggap ko sa hamon niya.

Sumakay na kami sa bike namin at saka sinimulan ng magpedal, nauuna siya sa akin.

"Faster, Pauline, you're so lame." Pang aasar nito sa akin na medyo binagalan pa ang pagpepedal niya.

Hindi ko siya pinansin at nagseryoso na, bumibilis ang pagpepedal ko.

"H-hey!" Napangisi ako nang hindi niya na ako maabutan.

"Ang bagal mo naman, Vince!" Balik na sigaw ko sa kaniya at sandaliang lumingon sa kaniya, binilisan ko pa lalo, sa dulo nito ay may paliko.

Matulin kong pinaliko ang bike ko at saka tumigil.

Bumaba ako sa bike at kibit balikat na hinintay siya. May nakaharang pang nagbi-bike rin sa harap niya.

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now